Leah Peleaz‘s POV
Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag alam mong uuwi na ang mga mahal mo sa buhay. Kapag alam mong makikita mo na sila ulit. Dalawang taon din ‘yon. Dalawang taon namin silang ‘di nakasama.
“By, may nakita pala akong kamera do‘n sa kwarto mo no‘ng isang araw. Sa ‘yo ba ‘yon?” tanong ni Ate Vanessa. Nakaupo kami ngayon sa mga upuan dito sa Airport kung sa‘n pwede hintayin ‘yung mga sinusundo niyo.
“Ahh, Oo ate. Napulot ko. Pwede pa naman kaya ayon kinuha ko. Sayang naman. Alam mo naman na mahilig ako sa kamera. Kaya nga nag model ako ‘di ba?” tumango si Ate. Naalala ko pa dati no‘ng offline sa lahat ng ATM Machine dahil holiday ‘yong araw na ‘yon. Tapos wala akong dalang pera. Pero buti na lang at kasama ko si Ate at sakto may cash siya kaya s‘ya ang nagbayad do‘n sa binili kong DLSR. Kasi last stock na lang ‘yung DLSR na ‘yon. Kaya kung ‘di ko pa siya bibilhin maghihintay nanaman ako ng buwan o baka nga taon pa. Psh. ‘Yong DSLR kasi na ‘yon ang gusto ko eh. Ayoko ‘yung ibang style.
Dahil mahal ako ni Ate Vanessa ayon siya ang nagbayad. Kaya lang nasira din ni Ate Vanessa ‘yon. Pero okay lang kapatid ko naman siya.
“By, sorry pero nasira ko na naman ‘yong kamera. Ginamit ko kasi eh. Tas ‘yon nalaglag ko. Sorry ah pinaki alaman ko na naman.”
Natawa na lang ako kay Ate. Hindi naman gano‘n kaimportante sa akin ‘yung Kamera na ‘yon. “Ano ka ba ate okay lang ‘yon.”
“No by. Ipapagawa ko na lang.”
Nag smile si ate. Nginitian ko na lang din siya. Hindi naman niya kailangan ipagawa ‘yong kamera na ‘yon no. Kahit masira ‘yon okay lang. Hindi naman kasi talaga sa akin ‘yon.
Ilang sandali pa ay nakita ko na sina Mom and Dad na naglalakad papunta sa amin. Napatayo kami ni Ate at sinalubong namin sila. Agad namin silang hinalikan at niyakap.
Ang sarap sa pakiramdam na kasama na ulit namin sila. Sana wala ng mangyaring masama sa amin. Madami din kaming napagkwentuhan habang nakasakay kami ng sasakyan pauwi.
Ilang oras lang ay nakarating na kami nila Mom at Dad sa bahay. Pagdating namin ay agad kaming pumasok at dumiretso sa sala.
“Leah may pasalubong pala ako sa ‘yo.”
Napatingin ako kay Dad nakangiti siya habang may hawak siya na box. Napangiti ako. I like suprises.
“Halika.” lumipat ako ng upuan at pumunta ako sa tabi ni Dad at inabot niya ‘yung box. Pagbukas ko na gulat ako sa laman. Napa wow na lang ako. Napakaganda no‘ng sapatos. Ito ‘yung sapatos na nakita ko sa social media. Minsan nasabi ko kay Dad na gusto ko no‘n. ‘Di ko alam na bibilhan niya pala ako.
Mas close ko si Dad kes akay Mom. Siguro dahil ini-spoiled niya ako. Si Ate Vanessa naman mas close kay Mama. Ayon binigyan siya ng kwintas. Napangiti na lang ako dahil sobrang saya namin.
Nag group hug kaming lahat. Bigla namang may kakaibang ihip ng hangin na dumampi sa aking balat habang naka group hug kami. Agad akong nakaramdam ng takot. Kasi no‘ng last na naramdam ko ang kakaibang ihip ng hangin na ‘yon ay may nangyaring masama. Pero ‘wag naman sana.
Bigla akong napatingin banda sa bintana dito sa sala. Nakabukas ‘yung bintana. Kaya siguro nakaramdam ako ng kakaibang ihip ng hangin. Siguro nga napaparanoid lang ako kaya kung ano-ano na naiisip ko.
Pero hindi pala. Nakita ko ‘yung babaeng nakaputi sa may bintana. Wala siyang mata pero halata mo na galit na galit siya habang nakatingin sa amin. Duguan ang mukha niya. Hindi ako nakagalaw. Nanatili pa rin kaming naka group hug.
Nang umalis na kami sa pagkaka group hug ay agad kong inalis ang tingin ko sa bintana. Pinagpawisan ako dahil sa takot. Napansin naman ako ni Dad.
“Okay ka lang ba Hija?” tanong ni Dad.
“M-May babae po sa bintana.”
Tumingin silang lahat sa bintana. Pati ako tumingin na rin. Pero wala na siya. Wala akong nakita.
“Wala naman ah.”
Naglakad pa si Dad papunta sa bintana at dumungaw.
“H‘wag!” pagpigil ko kay Dad. Pero ‘di niya ako pinakinggan. Luminga linga siya at tinitignan ang paligid. Sinara niya ‘yung bintana at lumapit sa amin.
Iniling ni Dad ang ulo niya at humarap siya sa akin. “Walang babae. Baka pagod ka lang kaya kung ano-anong nakikita mo Hija. Mabuti pa pumunta na tayo sa kanya-kanyang nating mga kwarto at para makapag pahinga na tayo.”
Tumango lang ako kay Dad. Siguro nga baka guni-guni ko lang ‘yon. Pero kung guni-guni ko ‘yon bakit parang totoo? No! Naniniwala pa rin ako na totoo ang nakikita ko.
Pumanhik na kami ng bahay at naghiwa-hiwalay na kaming lahat. Pumunta na ako sa sarili kong kwarto. Nagpalit ako ng damit at humiga na ako sa kama ko.
Paghiga ko ay muli nanaman pumasok sa isipan ko ‘yung babaeng nakaputi. Bakit kaya siya nagpapakita sa akin? Ano kayang kinalaman ko sa kanya? Ako kayang kailangan niya? Shit! Ang daming tanong sa isipan ko. Pati ‘yung taong nakita sa CCTV na may tattoo bumabagabag din siya sa isipan ko. Bakit niya pinatay sina Yaya Hilda at Yaya Marlyn? Ano naman motibo niya? Hays.
Tumagilid ako ng higa at nakita ko ‘yung kamera na nakapatong sa may cabinet ko. Sabi ni Ate pinakialaman niya daw ‘to. Pumasok nanaman siya sa kwarto ko ng ‘di nagpapaalam. Pero okay lang baka sinisiguro lang niya na walang mangyayaring masama sa akin.
Tumayo ako at kinuha ko ‘yung kamera na nakapatong sa may maliit na cabinet ko dito sa kwarto ko. Pagkakuha ko ay tinignan ko lang siya at napahiga ako.
Pinindot ko at gumana naman. Akala ko ba sira ‘to? Tinignan ko ‘yung mga picture. Nakita ko nanaman ‘yung picture ni Yaya Marlyn at Yaya Hilda. Napangiti ako ng mapakla at nakaramdam ako ng lungkot. Ni-next ko ‘yung mga picture at nakita ko ang picture ni ate Vanessa. Ang ganda niya talaga. Naalala ko tuloy no‘ng nakita siya ni Ma‘am Vivian in offeran siya kung gusto niyang maging model. Pero tumanggi si Ate. Hindi niya kasi trip ang pag mo-model. May pagka boyish din kasi si Ate.
Napabuntong hininga ako. Ang dami ng nangyayaring kakaiba sa buhay ko. Ayoko ng may mawala pa sa akin. Baka hindi ko na kayanin.
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig kong sumigaw si ate Vanessa. Agad akong kinabahan at nanikip bigla ang dib-dib ko. Shit! Agad akong lumabas ng pintuan ng kwarto ko at agad akong naglakad papunta sa kwarto ni Ate Vanessa.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya ay agad kong binuksan. Buti na lang at hindi ito naka lock. Nadinig ko ulit ang sigaw niya. Nakapatay ang ilaw kaya kinapa ko ‘yung switch. Nang mabuksan ko ‘yung ilaw ay biglang tumahimik.
Agad akong napatingin sa kama ni Ate. ‘Yung kulay na puti niyang kumot ay halos maging kulay dugo. Hindi ko alam kung kaya ko bang lumapit. Sobrang bilis ng kabog ng dib-dib ko. Hindi. Hindi ayokong isipin na tama ang kutob ko. Buhay si ate. Buhay siya!
Nanginginig ang kamay ko habang palapit sa kanya. Nakatakip siya ng kumot. “It‘s a prank?”
Natawa ako habang umiiyak. Umaasa ako na joke lang ‘to. Dahan-dahan kong inalis ‘yung kumot na nakatakip kay ate.
Ang bumangad sa akin?
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne