Leah Pelaez's POV-
Napapikit ako dahil nakita ko 'yung babaeng nakaputi! Nanginig ako sa takot. Humarap na lang ako sa daanan at niyaya ko na umuwi si Sean.
"Oh ba't pawis na pawis ka?" tanong niya. Umiling lang ako. "Pasensya na ah ang hot ko kasi."
Hindi ako nakatawa sa joke niya. Dahil 'di pa rin mawala sa utak ko 'yung babaeng nakaputi. Bakit ba kasi s'ya nagpapakita sa akin?
Si Sean ang nag drive ng kotse ko at hinatid niya ako sa bahay. Nang makarating kami sa bahay ay pinapasok ko muna siya. Para makapag kape.
"Mahilig pala ang ate mo sa horror movies," sambit ni Sean at humigop siya ng kape.
Nasa sala kami ngayon kasama si Ate Vanessa. Habang nanunuod ng horror movie.
"Oo. Actually pareho kami," nakangiting sambit ko. Kinuha ko 'yung remote at nilakasan ko 'yung pinapanuod namin. Masyado kasing mahina.
Nakahiga sa sofa si ate Vanessa habang kami ni Sean ay nakaupo sa couch. Syempre magkahiwalay na couch. Alangan magkasama kami sa isang couch. Duh?
"Pare-pareho pala tayo," Psh sabihin mo gaya-gaya ka lang.
Napatingin ako sa pinapanuod namin. Bigla kong nakita 'yung babaeng nakaputi sa may TV. Bumilis ang kabog ng dib-dib ko dahil sa takot.
Tinignan ko si Ate kung nakita din ba niya pero busy siya sa pag ce-cellphone. Si Sean naman ay humihigop ng kape hindi yata nila nakita.
Pinagpawisan ako agad dahil sa kaba at takot. Dahil hawak ko naman ‘yung remote ni rewind ko. Nagulat si Ate kung bakit ko ni Rewind.
“By! Ba‘t mo naman ni rewind ayon na eh!” inis na sambit ni Ate.
Pag rewind ko hindi ko na nakita ‘yung babaeng nakaputi. Napatingin si Sean at Ate sa akin. Napansin yata nilang pinagpapawisan ako kaya napatingin sila ng seryoso sa akin na parang nagtataka.
“B-Bakit By? May problema ba?” tanong ni Ate. Umiling lang ako.
“Pinagpapawisan ka na naman dahil sa ka hot-tan ko. Sorry na,” natatawang sambit ni Hans. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng panyo.
Tumawa na lang ako ng pilit. Hindi naman na naulit ‘yung nangyari kaya tinapos na namin ‘yung movie.
Nang matapos na kaming manuod ay hinatid ko na si Sean palabas ng bahay. Pinahatid ko siya kay Manong Driver. ‘Yung driver ni Mama.
“Bye Ms. Karate,” kinindatan niya pa ako. Nasa loob na siya ng sasakyan.
“Bye ingat.”
Kumaway pa siya bago sila tuluyang umalis ng bahay. Pumasok na ako ng bahay. Umupo ulit ako sa may couch sa tabi ni Ate.
Nanunuod pa rin siya at parang ‘di man lang nagsasawa. Tapos mamaya KDrama nanaman papanoorin niya. Magdamagan nanaman siya for sure. Okay lang naman ‘yon atlis nalilibang si Ate hindi puro work.
Tsaka okay na ‘yon dahil kahit papa‘no nakakalimutan niya ang nangyari ka nila Yaya Marlyn at Yaya Hilda. Kahit papa‘no ay nakakangiti pa rin siya.
“By, bukas na uwi nila Mom at Dad.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Gustong gusto ko na kasi makita sina Mom and Dad.
“Seriously?” nakangiting sambit ko humarap siya sa akin at nginitan nita ako.
“Yes Baby, susunduin natin sila bukas.”
Tumango ako at napangiti ng sobra. Sobrang sarap sa pakiramdam na makikita ko na ulit sila after 2 years. Sana hindi na sila umalis ulit.
Namalayan ko na lang na nasa kwarto na pala ako. Nakahiga na ako sa kama. Madami akong iniisip kaya ‘di ako makatulog.
Sumasagi sa isipan ko ‘yung babaeng nakaputi. Bakit kaya siya nagpapakita sa akin? May kinalaman nga ba siya sa nangyaring pagpatay kay Yaya Hildaat Yaya Marlyn?
Excited na rin ako para bukas dahil finally uuwi na ang Mom and Dad ko. Tumagilid ako ng higa at napatitig ako do‘n sa kamera na napulot ko. Nakapatong ito sa may cabinet.
Nakatitig lang ako do‘n ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya napabalikwas ako ng bangon. Kinuha ko ‘yung cellphone ko na nag ri-ring. Nakapatong ito sa isang lamesa dito sa loob ng aking kwarto.
Eric is calling...
Nang mabasa ko kung sino ang tumatawag ay agad kong sinagot.
“Girl? Alam mo naman siguro kung ano‘ng meron next week?” yes alam ko kung ano‘ng meron and I‘m so excited.
“Of course Eric.”
“Good. So maintan mo lang ang pag di-diet mo ah. Baka mamaya magkabil-bil ka at ‘di ka na makapag two piece!” narinig ko siyang tumawa. Tumawa din ako.
“Syempre naman no. Takot kaya akong tumaba. Baka mamaya ‘di na ako makapag model kapag naging dambo ako!” tumawa ako. Gano‘n din siya.
“Oh sige na basta be ready sa fashion next week ah!” masayang sambit niya. Excited pa siya sa akin. Naku sino ba namang baklang hindi magiging excited? Makakakita lang naman siya ng mga hunky guy na naka brief lang.
Kahit papa‘no napapangiti ako kapag kausap ko si Eric. Napaka funny niya kasing to. “Of course! I was born ready!”
Tumawa siya. “Ay pak! Ayan ang gusto ko sa ‘yo Girl!”
Napangiti ako. “Sus nang bola ka na naman! Osya na. Maaga pa ako bukas girl uuwi na kasi sina Mom and Dad!”
“Oh good to know that. Atlis ‘di na kami gaano mag-aalala sa inyo ng kapatid mo. May gagabay na sa inyo. Alam mo naman hmm. Oh sige na bye na. Matulog kana at baka magka eye bags ka pa. Mahal ka no‘n don‘t worry, ‘wag kana mag-isip.” tumawa siya. Natawa din ako. Nag-alala din kasi sila sa amin ni Ate. Dahil nabalitaan din nila ang nangyari do‘n ka nila Yaya.
“Okay good night mwah!” in end ko na ‘yung call at pinatong ko na ulit ang phone ko sa lamesa.
Humiga ulit ako sa kama at napatingin nanaman ako do‘n sa kamera na nakapatong do‘n sa cabinet. Hmm may silbi naman pala siya. Naisip ko na dalhin siya kapag mag fa-fashion kami.
Si Aleiza kasi mahilig ‘yon mag picture sa mga models kapa nag fa-fashion kami. Ayan na lang ang ipapagamit ko sa kanya, para naman kahit papa‘no magkasilbi ‘yang kamera na ‘yan.
Umayos na ako ng higa at napabuntomg hininga ako. Another creepy day end. Pinikit ako ang mata ko at nagdasal ako. Pagkatapos ay sinimulan ko ng matulog.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne