Chapter 21

1.6K 79 7
                                    

"Ley halika na dali laro na tayo hinihintay na tayo ni Biboy!"-Mahinang sabi ng bata kay Leah.

"Sige sige"-Masayang sabi ni Leah. Mahinahong naglakad ang dalawang magkaibigan. Nang may biglang tumawag sa kanila.

"Hey where are you going?!"-Mataray nitong sabi.

"We're going to play ate Vanessa"-Masayang sabi ni Leah.

"No! Mom si Leah nakikipaglaro dun sa pulubi"-Mataray at malakas na sabi ni Vanessa.

Agad lumabas ang nanay at tatay ni Leah galing sa loob ng kanilang bahay.

"What's happening here?"-Bungad ng Ina ni Leah.

"Mommy we're going to play with my new friends"-Sagot ni Leah. Tinignan ng Ina ni Leah ang batang kasama nito mula ulo hanngang paa.

Ngumiti lang ang bata at para bang nangungusap ang kanyang mga mata na payagan sila nito.

"No! Lets go inside the house, hindi ka pwedeng makipaglaro sa kanya hindi katiwa-tiwala ang itsura niya, mauulit lang ang mga nangyari dati"-Pagtataray ng kanyang Ina.

"But mom, mabait po sila!"-Pangungulit ni Leah.

"Wag ka ng makulit Leah! Ginagawa lang namin kung ano ang makakabuti sa atin"-Paliwanag ng kanyang Ama.

Hinila na nila papapasok ng bahay si Leah, Naiwan naman ang bata na nanlilisik ang mga mata at galit na galit.

Lingid sa kaalaman nila na may nagmamasid sa kanila na isa pang bata.

"Humanda kayo pagbabayaran niyo ang lahat ng ito!!"-Wika ng bata na may nakakatakot na tono.

*****

Leah's POV

Bakit napanaginipan ko si Trina?. Hindi kaya si Katrina at si Trina ay iisa?.

Naghihiganti ba siya?. Pero bakit lahat kinuha na niya sakin?! at sino ang isa pang responsableng pumapatay?!.

Agad akong naligo at nagbihis, para puntahan si Lola Pilar. Siya ang makakatulong sa akin para matigil na ang misteryong nangyayari sa Camera at sa buhay ko.

Agad akong lumabas ng bahay at binilinan si Yaya Rina na wag mag papapasok ng kung sino sino.

Sumukay na ako ng kotse at nagsimula ng mag drive.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa aking pupuntahan.

Agad akong bumaba ng kotse at kumatok sa gate.

Agad namang may nagbukas ng gate si Fred Apo ni Lola Pilar.

"Halika tuloy!"-Bungad agad ni Fred sakin.

Pagpasok ko ng kanilang bahay madilim at may ilang mga kandilang nakatirik hugis bilog ito sa tabi ng kandila ay nakaupo si Lola Pilar.

"Umupo ka Leah, Kanina pa kita hinihintay!"-Wika ni Lola Pilar. Nabigla naman ako sa sinabi ni niya.

Agad akong umupo sa tabi niya at may ginawa siyang isang orasyon.

Magkahawak ang mga kamay namin ni Lola Pilar, Habang nakapikit ang aming mga mata. Ramdam na ramdam kong nanginginig si Lola Pilar habang ginagawa namin ang isang Orasyon, matapos ang orasyon na iyon ay nagsalita si Lola.

"Hindi sila titigil hanggat hindi nila nagagawa ang gusto nilang mangyari hanggat hindi sila nakukuntento, isang kaluluwa at isang buhay ang pumapatay malaki ang galit nito sa pamilya mo, gusto nilang gumanti sa pamamagitan ng pagpatay ng mga mahal mo sa buhay"-Nakakapangilabot na sabi ni Lola.

"Pero bakit ako?! Sino sila?! Wala na bang ibang paraan para matigil ito?!"-Naguguluhuan na sabi ko kay Lola.

"Meron, kailangan mabalik sa ayos ang lahat kailangan mong mahanap ang kanyang bangkay, sa lalong madaling panahon, bago pa mahuli ang lahat"-Wika ni Lola.

Itutuloy.

( A/N: HOY! VOTE AND COMMENT DALI PARA MASAYA , SALAMAT ^_________^ )

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon