Chapter 19

1.8K 83 16
                                    


Naka-uwi na si Leah at nahatid narin niya si Sean.

Gabi na ng makauwi ito kaya nang tignan niya ang mommy at daddy niya ay tulog na sila.

Pero wala pa ang ate niya ng mga oras na iyon kaya hinintay niya ito . Nakatulog si Leah sa kakahintay sa kanyang ate.

***

ISUSUNOD KO NA SIYA!

*AHHHH!- SIGAW NI LEAH

"Gising Hija nananaginip ka"-Ang sabi ng kanyang ina habang hawak hawak ang mukha ni Leah.

Nang mahimasmasan si Leah umupo ito at niyakap ng mahigpit ang kanyang ina agad din itong kumalas.

"Mom where's ate Vanessa"-Tanong nito

"Kakatawag lang niya kanina nasa isang resort daw sila with her friends"- Sagot ng kanyang ina.

"Mom pauwiin niyo na si ate hindi siya dapat umalis ng bahay delikado masyado"-Histerical na sabi nito

"Huh?! Uuwi naman siya bukas"-Paliwanag ng ina niya.

"But mom delikado papatayin nila tayo , ng babaeng nakaputi at nakamaskara!"-Naghisterical si Leah at umiyak ito.

"Walang mamatay! Wala!"-Galit na sabi ng ina niya.

Patuloy lang sa pag iyak si Leah. Inawakan ng kanyang ina ang dalawang braso ni Leah ngunit patuloy lang siya sa pag-iyak at pagwawala biglang

*Slap - Sinampal siya ng kanyang ina nahimasmasan naman si Leah at napaupo nalang. Niyakap siya ng ina niya.

"Mom natatakot ako , lahat nalang ng importanteng tao sa buhay ko ay nawawala ayokong pati kayo! Mo sawang sawa na ako bakit ako pa?!"-Wika ni Leah habang yakap-akap ang kanyang ina.

"Lahat ng bagay may dahilan hija"- Sagot ng kanyang ina habang hinahaplos ang buhok niya.

Makikita mo sa mata ni Yvon na hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ni Leah , naniniwala ito na aksidente lamang ang mga sunod sunod na namatay.

***

Overnight sa isang resort sina Vanessa o maskilala bilang ate ni Leah.

Nasa Comfort Room si Vanessa ngayon. Pumasok siya sa isang cubicle upang umihi

Wala ng gaanong tao sa mga oras na iyon dahil 9 : pm na.

*Tok tok tok!

"May tao"- sabi ni Vanessa

*Tok! Tok! Tok!

"May tao nga sabi eh! Hindi ka ba maka intindi ang daming pang bakanteng cubicle diyan! Sh*t"-Iritang sabi nito

Binuksan ni Vanessa ang pintuan at pag tingingin niya wala namang tao. Kinalibutan ito at tumayo ang kanyang balahibo

"Guys hindi na nakakatawa!"-Nangininig na sabi ni Vanessa

Bigla naman nag lock mag-isa ang pintuan at nagpatay sindi ang ilaw.

"Ok fine! takot na ako okay! Kaya please stop it , its not funny anymore!"-Iritang sabi ni Vanessa habang umiiyak.

Napatingin naman si Vanessa sa salamin at nakita niya ang babaeng nakaputi , duguan ang mukha at nanlilisik ang mga mata.

*Ahhh! Tulong- Sigaw nito.

Bigla naman may lumabas galing sa isang cubicle isang nakamaskara.

May dala itong panaksak sasaksakin na sana si Vanessa ng naka Maskara pero napigilan niya ito hinawakan niya ito sa kamay at napahiga sila hindi na ininda ni Vanessa ang sakit kahit masugatan siya. Nahiwa ang kamay ni Vanessa dahil malakas ang nakamaskara. Tumayo si Vanessa at umatras palapit ng palapit ang nakamaskara sa kanya sasaksakin na niya si Vanessa pero nakuha ni Vanessa ang isang bakal na basurahan at pinaghahampas niya ito sa ulo ng nakamaskara

"Yahhh! Walang hiya ka!"-Ang sabi ni Vanessa habang hinahampas ang basurahan.

"Tumakbo ka na maglalaro tayo!"-Ang sabi ng nakamaskara

"Tulong! Tulong!"-Sigaw nito

Pinagsisipa na ni Vanessa ang upuan pero ayaw parin nitong bumukas. Hanggang makalapit na sakanya ang nakamaskara at walang awa na pinag sa saksak si Vanessa nagkalat ang dugo sa buong CR.

***

Hinihintay ni Leah ang kanyang ate dahil ngayon ang araw na uuwi siya pero ilang oras na ang lumipas wala pa rin ang ate niya hanggang sa may tumawag sa kanya.

( INCOMING CALL 09*********)

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon