Leah's POV
Kaagad kong dinala si Yaya Rina sa hospital. Bakit pati si Yaya Rina ay dinamay nila wala na silang tinira sakin.
Hindi parin nagkaka malay si Yaya Rina.
Bigla ko naman naalala si Sean, kung buhay paba ito o baka isa narin ito sa mga napatay nila. Wag naman sana.
Nasa hospital parin ako. Naka upo sa may gilid sa labas ng Room ni Yaya Rina.
Sinubukan kong tawagan si Sean. Salamat at nag Ring naman ito. Ilang segundo pa at sinagot na niya ang aking tawag.
"Oh Sean kamusta kana?"-Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Leah tulungan mo ako"-Pagmamakaawa ni Sean saakin.
"Bakit anong nangyari?"-Alalang tanong ko sa kanya.
"Kinulong ako ng isang lalaking naka maskara dito sa may....
Shit! Namatay na yung call.
Anong nangyari kay Sean saan siya naka kulong?
Walang hiya sila bakit nila ginagawa sa amin ito!
Agad akong umalis at sumakay ng kotse para mag report sa police station tungkol sa nangyayari sa buhay ko at tungkol doon kay Sean.
*****
"Mamang Police maniwala po kayo sa akin may nakikita po akong multo hindi lang basta multo pumapatay siya may kasama pa siyang isang lalaking naka maskara"-Paliwanag ko sa kanila. nakita kong nag tinginan yung dalawang police na nasa harapan. Ko alam kong iniisip nila na nasisiraan na ako ng bait.
"Ms.Leah Pelaez, Imposible po ang sinasabi niyo at hindi namin mahahanap ang kaibigan niyo dahil hindi sapat ang mga binigay niyong impormasyon"-Paliwanag ng isang police.
"Mga wala pala kayong kwenta eh!!! Diba trabaho niyo ang tulungan kami?!! Ano hindi niyo ba ako tutulungan. Punyeta naman! Kailan niyo ba ako tutulungan pag nakita niyong nasa loob na ako ng kabaong?!"-Galit na galit kong sabi, halos bumusok ang ilong ko sa galit. Naiiyak ako na nagagalit sa sarili ko dahil wala akong magawa! Wala akong kalaban laban sa isang nakamaskara at sa isang tang-ina na kaluluwa ni Katrina na iyan!
"Uminahon po kayo Ms.Leah"-Pagpapakalma ng isa pang police.
"Uminahon? Palibhasa ang daling sabihan niyan para sa inyo kasi hindi kayo ang nawalan ng pamila at mga kaibigan! ngayon lang ako humihingi ng tulong hindi niyo pa ako tutulungan?! Hindi ako lumapit sa inyo dati dahil alam kong mga wala naman kayong kwenta!! Ano? Edi tama ako?!"-Malakas na sabi ko, at tuluyan na ngang bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Palibhasa hindi kayo nawalan, tulungan niyo naman po ako, nagmamakaawa ako sa inyo"Naging mahinahon na ako."Maawa na kayo sa kin, litong lito na ako"-Ang sabi ko habang umiiyak, at lumuhod ako sa harapan nila.
"Wala ng ibang tutulong sa akin wala na akong pamilya"-Paliwanag ko sa mahinahon na bosis, habang umiiyak.
Nagtinginan naman yung dalawang pulis.
Tinayo ako nung isa galing sa pagkakaluhod.
"Tutulungan kita Ms.Leah"-Sambit ng isang pulis. Tila nabuhayan naman ako ng Loob sa aking narinig. Si Sir Ponce ang tutulung sakin.
*****
Habang nagmamanahe kami ni Sir,Ponce ay ipina pa kwento niya ang lahat ng mga nangyari.
Mukhang naniniwala naman siya dahil sinasabayan niya minsan ang mga kwento ko na para bang may alam din siya sa nangyayari.
"Sir may alam po ba kayo sa nangyayari?"-Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magtanong.
"Oo at naniniwala ako sa iyo"-Sambit niya. Nabuhayan naman ako ng loob sa narinig ko.
Nag umpisa na siyang mag kwento.
"Limang taon ang nakalilipas ng may kaso ng rape dito sa lugar natin, hindi lang basta rape dahil may mga nagkalat din na larawan ng isang babae na ginahasa. Ito ay si Katrina, Isa siyang sikat na modelo dito sa lugar namin. Ayon sa imbestiga ay malapit na itong ikasal sa lalaking dalawang taon na niyang kasintahan, ngunit isang gabi, tatlong araw bago sumapit ang kanilang inaasam na kasal ay may isang pangyayaring hindi nila inaasahan pinasok sila ng dalawang lalaki at doon nangyari ang karumaldumal na pag gaasa kay Katrina. Pinag kukunan pa ito ng larawan at pagkatapos ay ipinost sa kung saan saan, ayon sa pagkaka alam ko nabaliw si Katrina pagkatapos mangyari ang isang malagim na pag gahasa sa kanya. Ayon naman sa sabi sabi nabuntis ito ng walang awang gumahasa sa kanya. at ang hawak hawak mo na Camera na iyan ay sinumpa raw ni Katrina ayon sa sabi sabi"-Kwento ni Sir,Ponce. Parang naliwanagan naman ako. Pero naguguluhan parin ako.
"Anong nangyari doon sa lalaking kasintahan niya?"-Tanong ko.
"Yan ang hindi namin natuklasan, may mga nagsasabi na pinatay daw ito, may mga nagsasabi din na tumakas ito at iniwan ang kanyang kasintahan habang pinagsasamantalahan si Katrina"-Paliwanag ni Sir,Ponce.
Agad itinigil ni Sir,Ponce ang sasakyan ko sa may tabi ng isang my kalumaan na na bahay.
Bumaba kami ng sasakyan.
"Tao po?"-Sigaw ni Sir Ponce.
Agad naman may lumabas na matanda galing sa lumang bahay.
"Sino po sila?"-Tanong ni Lola.
"Police po ako, lola maari po ba kaming makapasok?"-Tanong ni Sir,Ponce.
Mukha naman mabait yung matanda kaya agad kaming pinapasok.
Ayon kay Sir,Ponce ito daw yung bahay dati nila Katrina at ito daw yung Lola niya.
Nag-umpisa ng magkwento si Lola.
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne