"Leah's Pov"
Nagsimula ng mag kwento si Lola.
"Bata pa lang si Trina" Agad akong kinalibutan ng sinabi ni Lola na Trina ibig sabihin tama ako na si Trina at Katrina ay iisa, nagpatuloy si Lola. "Pangarap na talaga niyang maging isang sikat na modelo, hanggang mag dalaga siya ay natupad ang kanyang pangarap naging modelo siya at doon niya nakilala ang ka isa isang lalaking minahal niya ng lubos, ito ay si Saijan ang lalaking malapit na niyang pakasalan, hindi ko tunay na apo si Katrina kinupkop ko lamang siya nung bata pa siya dahil pagala gala lamang siya sa kalye, Nabanggit din niyang meron siyang kapatid na lalaki, nangako daw itong kapatid niya na babalikan niya si Katrina. Masayang masaya noon si Trina dahil ikakasal na siya, ngunit tatlong araw bago sumapit ang kanilang kasal, may isang malagim na pangyayari na gahasa si Katrina ng dalawang Lalaki. Sa isang studio kung saan nag momodelo si Trina"
"Saang studio po?"-Singit ko.
"Sa Diamond studio"Halos tumalon ang puso ko sa aking narinig dahil sa sobrang kaba. Pareho ang studio namin ni Trina.
"Walang awa nilang ginahasa at pinagkukunan ng hubo't hubad na larawan si Trina at ipinaskil nila ito sa ibat ibang lugar, nabuntis si Trina ng mga hayop na gumahasa sa kanya, Hindi nakayanan ni Trina ang mga problema kaya na baliw ito, hanggang isang araw natagpuan ko na lamang sila ng kanyang anak na wala na silang buhay"-Kwento ni Lola.
"Ano pong nangyari doon sa lalaking pakakasalan niya?"-Tanong ko.
"Matapos magahasa si Trina, ay hindi na muli itong nag pakita, hindi ko alam kung buhay pa ba ito o patay na"-Sagot ni Lola.
Naramdaman kong humangin, napatingin ako sa may bintana ni Lola nakita ko si Trina na nakasilip dito. Galit na galit siya.
Agad akong kinalibutan, nagyaya na akong umuwi dahil mag gagabi na rin naman.
Hinatid ko muna si Sir Ponce sa kanila.
Ngayon ako nalang mag-isa ang nag da drive. Tahimik lang ako sa loob ng kotse ko.
Nakiki bilang sa stop light. Hanggang nag ring ang phone ko.
[ Hello? ]
"Oh franz na patawag ka?"
[ Hm. Gusto ko sanang mag-usap tayo ]
"Tungkol saan?"
[ Tungkol sa ating dalawa ]
"Ahhhh?"
[ Basta nandito ako sa harapan ng bahay niyo hihintayin kita, okay bye ]
In end na niya yung call.
Napano kaya si Franz? May problema ba siya?.
"3rd Person POV"
Konting konting panahon na lang Leah mapapa sa akin ka na *Evil Laugh*
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne