"Leah's POV"
Umuwi na si Franz galing dito sa bahay ko.
Hindi ko parin makalimutan yung mga nangyari kagabi at ang panaginip ko.
Maliligo muna ako bago puntahan si Yaya Rina sa Hospital.
Gising na kaya siya?.
~
Ngayon tapos na akong maligo pupuntahan ko na si Yaya Rina.
Sinarado kong maigi ang pintuan.
Paglabas ko ng bahay ay agad na akong sumakay ng kotse.
Pinaandar ko na ito.
Kasalukuyan kong nagbabiyahe ng mawalan ng gas ang aking kotse. Buti nalang ay may malapit na Gasoline Station Kung saan huminto ang kotse ko.
Agad akong nagpatulong sa mga tao dito sa may kalsada buti naman at mababait sila. Pinatulak ko ang kotse ko hanggang makarating sa may Gasolinahan.
"Sir?"-Tawag ko sa Gasoline Boy.
Hindi ito umaarap.
"Sir magpapa gas ako!"-Sigaw ko sa kanya.
Nang lumingon ito. Hindi siya lalaki kung hindi ang babaeng nakaputi. Sa sobrang takot ko nagsisigaw ako ng sobra.
"Ma'am ano pong nangyari?"-Ang sabi ng Gasoline Boy.
Nakapikit pa ako. Pero nang i mulat ko ulit ang mata ko ay normal na lalaki na ang nakita ko.
Agad na akong nag pa gasolina, at umalis.
Pagdating ko ng Hospital, nadatnan ko si Yaya Rina na nakagising pero wala parin itong lakas.
Pinagmasdan ko lang siya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya ito masabi ng maayos.
"Ano po?"-Tanong ko sa kanya.
"Ang-ang k-kil"-Yan lamang ang naiintindihan ko sa mga sinasabi niya.
"Hello Ma'am may problema po ba?"-Singit ng nurse. Na kadarating lang.
"Wala naman po"-Sagot ko sa nurse.
"Ito yung mga pagkain Yaya Rina pag gusto mong kumain nandito lang ang Nurse okay?. Sasabihin ko na bantayan ka nila dito"-Ang sabi ko kay yaya Rina.
Tumango lang siya.
Agad din akong umalis ng hospital pagkatapos kong ibigay kay Yaya Rina yung mga pagkain na dala ko kanina.
~
Paglabas ko ng hospital sumakay na ako ng kotse ko.
Habang nag da drive ako. Napadaan ako sa may Studio.
Bumaba muna ako saglit upang mabisita sina Ms.Vivian at Sir,Eric.
Pero nang makababa na ako agad kong napansin ang karatula na Closed.
Marahil nagsara na sila dahil, halos namatay ang mga models nila, at baka nilipat na nila ang studio.
May narinig akong ingay na nanggagaling sa loob. Pero baka isang pusa lang iyon o daga.
Agad na akong bumalik sa kotse ko
Nag umpisa na ulit akong nag drive.
*****
"3rd Person POV"
Agad akong pumunta sa hospital, muntik ko pang makasalubong si Leah.
Nang mapansin kong wala ng gaanong tao.
Agad kong nilapitan ang isang nurse na lalaki at tinutukan ko ng baril.
Sumunod ito sa akin. Hanggang makarating kami sa CR.
Inutusan ko itong maghubad, habang nakatutok ang baril sa kanya.
Nung una ayaw niya pero natakot din siya.
Nang maka pag bihis na ako.
Agad kong kinuha ang nakatago kong kutsilyo, pinagsa saksak ko ito.
Kawawa naman siya. Halos maligo siya sa kanyang sariling dugo.
Agad akong lumabas ng banyo.
At ngayon pupuntahan ko na si Rina Ha Ha Ha!
Nakayuko lang ako ngayon habang papunta sa kwarto ni Rina. Yung iba ay pinagtitinginan ako marahil, nagtataka sila kung sino ako.
Agad na akong pumasok ng kwarto ni Rina.
Mabuti naman at walang nurse malaya kong magagawa ang gusto ko.
Sinira ko muna yung CCTV na nakalagay dito sa kwarto ni Rina, mahirap na baka mahuli ako.
Nakita kong gulat na gulat si Rina. Kawawa naman siya.
"Kamusta Yaya Rina?"Tanong ko sa kanya.
"Hm! Hm! Hm!"-Yan lamang ang kanyang nasasabi.
"Paalam Yaya Rina"-Ang huling sabi ko. Bago ko siya pinagsa saksak. Nakita kong sumirit ang dugo niya.
Inilagay ko pa ang daliri ko sa kanyang dugo at tinikman.
"HAHAHAHA!"
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne