Chapter 29.

1.6K 68 12
                                    

"Leah's Pov"

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pintuan.

Linuwa nito ang isang lalaking nakamaskara.

Bigla niyang sinakal si Sir,Ponce.

"Ikaw! Ikaw pala ang walang hiyang gumahasa sa kapatid ko!"-Galit na galit na sabi ng lalaking nakamaskara.

Very familiar ang kanyang bosis pero hindi ako sigurado kung totoo ang kutob ko.

Kukunin ko ang chance na ito, para makatakas kami ni Sean.

Agad akong lumapit kay Sean at inalis ang pagkakatali niya.

Tinignan ko muna sina Sir,Ponce at ang nakamaskara. Nag babangayan sila ngayon.

Nang maalis ko na ang pagkakatali kay Sean.

Kailangan naman niyang makaalis na hindi bumabagsak ang mga patalim sa may itaas ng kanyang pwesto.

Hinawakan ko yung tali upang hindi bumagsak ito.

Paika ika si Sean na tumayo.

Bigla naman may dumaan na daga sa tabi ko.

Pinigilan kong wag matakot upang hindi bumagsak ang mga patalim kay Sean na kasalukuyan ng paalis ng pwesto.

Napansin kong nahihirapan si Sean na umalis sa kanyang upuan. Dahil sa mga pasa nito, may mga dugo pa akong nakitang natuyo sa kanya.

Biglang humangin ng malakas sa loob ng dressing room, at nag bukas sara ang pintuan.

Nang makaalis na ng tuluyan si Sean sa kanyang upuan. Binitawan ko na ang hawak hawak ko na tali, na napaka bigat.

Napansin kong hindi na humihinga si Sir,Ponce.

Inalalayan ko si Sean upang makalabas kami ng dressing room.

Nagulat ako ng bigla akong hatakin ng lalaking naka maskara.

"Shit!!!"-Sigaw ko.

"Wag mo akong iwan Leah!"-Pagmamakaawa nito.

Nabosesan ko namam siya.

"Franz?!"

Bigla niyang hinalis ang kanyang maskara.

"Oo leah ako nga!"-Sagot nito.

"Walang hiya ka!!! Sinira mo ang buhay ko!!! Wala kang puso!!! Putang-ina mo!!!"-Galit na galit kong sabi.

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Lumayo ka sa akin!!! Mamatay tao ka!!! Kriminal, Hayop ka!!!"-Ang sabi ko. Sabay tulak ko sa kanya.

"Ikaw!! wala kang ginawa para ipagtanggol ang kapatid kong si Katrina hinayaan mo lang siyang magahasa sa tarantadong Ponce na iyon!!"-Malakas na sabi ni Franz. Sabay suntok niya kay Sean.

"Tigil!!"-Sigaw ko. Pero ng lumapit ako sa kanila ay tinulak ako ni Franz.

"Wag kang maki alam dito Leah!"-Sigaw ni Franz.

Nakita kong pilit na lumalaban si Sean kay

Franz.

Kumuha ako ng kahoy at ng makita kong napahiga sila sa sahig habang walang awa niyang pinagsusuntok si Sean.

Agad akong lumapit kay Franz. At pinagpapalo ko siya ng hawak hawak kong kahoy.

Mukhang nahilo si Franz, umiling iling ito at humarap sa akin.

"Sumosobra ka na!!"-Sigaw niya sa akin. Sabay hawak niya ng leeg ko ng mahigpit, nahirapan naman akong makahinga sa ginawa niya.

"Hm! Hm! Sige na patayin muna ako yan naman ang gusto mo diba?! tutal mamatay tao naman kayo ng kapatid mong si Trina, diba biboy?!"-Ang sabi ko kahit na nahihirapan akong magsalita ay pinilit ko, binanggit ko narin ang kanyang palayaw.

"Ow, kilala muna pala ako Ley?! Siguro naman may clue ka na kung bakit namin ginagawa ito sa inyo?! dahil sa tarantado mong pamilya, maraming mga taong hindi nagtiwala sa aming magkapatid, dahil sa mga akala niyong mauulit ang mga pagnanakaw na ginawa ng dati mong kalaro! anong sa tingin niyo magnanakaw kami?!"-Salaysay nito. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa sobrang galit.

"Walang hiya ka talaga!!"-Sigaw ko.

*Boooggs!!*

Biglang napabitaw ng pagkakahawak si Franz sa aking leeg.

Dahil pinalo siya ni Sean. Nakita kong bumagsak si Franz.

Nanghihina ako dahil sa tagal ng pagkakasakal niya sa akin, pero gayun paman agad kaming lumabas ni Sean ng pintuan ng Dressing room.

Palabas na sana kami ng Diamond studio ng biglang nagsara ang pintuan nito.

Humangin ulit ng malakas at sa pagkakataong ito.

Nakita namin ang babaeng nakaputi sa may tabi ng Pintuan.

"Katrina?"-Malamunay na sabi ni Sean.

Nakatitig lamang ang babaeng nakaputi sa amin. Galit na galit siya. Nanlilisik ang kanyang mga mata lumuluha ang kanyang mga mata pero imbis na puti ang lumabas ay kulay pula ito marahil ay dugo.

Agad akong kinalibutan sa aking nasaksihan. Napahawak ako ng mahigpit kay Sean, nanginginig ang buo kong katawan.

Palapit ng palapit sa amin ang babaeng nakaputi.

Umatras lang kami ng umatras hanggang wala na kaming maatrasan.

Hanggang nakita kong lumabas ng Dressing room si Franz. Umi ika-ika ito habang palapit sa amin may hawak itong isang Chainsaw.

Palapit siya ng palapit sa amin. Nagmadali kami ni Sean na maka punta sa ibang parte ng Studio.

Sa kabagalan namin ni Sean.

Nahabol kami ni Franz.

Nahagip niya sa kamay si Sean. Nang hawak niyang Chainsaw. Nakita kong sumirit ang dugo sa buong katawan ni Sean, at nagkalat sa paligid.

"Sean!!"-Sigaw ko.

"Umalis ka na Leah! Ayahan mo na ako! Iligtas mo ang sarili mo! Pangako sa iyo hindi pa ito ang huli nating pagkikita! Mahal na mahal kita Leah!"-Nanghihina na sabi ni Sean.

"Sean, babalikan kita"-Ang huling sabi ko. Hindi ko mapigilan maiyak. Nakita kong nawalan ng malay si Sean.

Nagmadali akong tumakbo.

"Bilisan mo Leah magtago ka na!"-Nakakatakot na sabi ni Franz.

Nang makalayo na ako agad akong naghanap na mapag tataguhan.

Nang makita kong nakabukas ang pinto ng Cr ay agad akong pumasok dito at ni lock ang pinto.

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon