Chapter 18

1.7K 85 8
                                    

Nag ring ang phone ni Leah.

*Calling Aleiza

Agad sinagot ni Leah ang tawag.

[ H-Hello friend! ] - Nauutal na sabi nito

"Oh friend bakit anong nangyari?"- Nag-aalalang tanong ni Leah

[ Friend naniniwala na ako sa iyo , nakita ko din yung babaeng nakaputi , isusunod na niya ako natatakot ako ] - Takot na sabi niya.

"Nasaan ka ngayon?. Pupuntahan kita! Humingi ka ng tulong sa mga kasama mo sa bahay"- Sabi ni Leah , habang nagmamadaling paandarin ang kotse upang puntahan si aleiza.

[ Wala akong kasama sa bahay ngayon. Natatakot ako friend ] - Ang sabi nito habang umiiyak

"Okay papunta na ako diyan, hintayin mo ako" - Nagmamadaling sabi ni leah

[Wahhhhh!] - Sigaw nito at naputol na ang linya.

***

Nasa kwarto lang si Aleiza at halata mo sa kanya na takot na takot ito.

Nakaupo siya sa kama at naka kumot ang kalahating katawan.

Biglang nagpatay sindi ang ilaw sa loob ng kwarto at humangin ng malakas

"Ahhh! Tigilan muna ako ano bang kasalanan ko sa iyo walang hiya ka sh*t!"-Ang sabi nito habang umiiyak

Nakita niya ang babaeng nakaputi na nakatayo sa harapan niya at palapit ng palapit ito.

"Ahhh! Katrina Vasquez?! Ikaw nga!"- Takot na takot na siya.

Bigla naman may dumating na nakamaskara na may hawak na patalim

Buong akala ni Aleiza ay tutulungan siya nito ngunit nagkamali siya dahil

Walang awang pinagsasaksak ng nakamaskara si Aleiza.

Nagkalat ang mga dugo sa buong kama.

Nahinto lamang ito ng biglang bumukas ang pintuan , Dumating na si Leah ngunit huli na ang lahat dahil nanghihina na si Aleiza

Napahawak na lamang ng bibig si Leah sa nakita at humagulgol ng iyak.

"Friend dumating ka salamat, tunay kang kaibigan"-Mahinang sabi ni Aleiza habang umiiyak

"Oo friend dumating ako, dadalhin kita sa hospital"-Sabi ni Leah habang umiiyak

"Hindi na friend, mag-iingat kayo dalawa ang killer si Katrina Vasquez at yung isa ay naka maskara"- Mahinang sabi nito

"Humanda sila pagbabayaran nila ang lahat ng ito"- Ang sabi ni Leah na may matapang na boses.

Tuluyan ng pumikit ang mga mata ni Aleiza at nawalan na ng buhay

"Aleiza!"- Sigaw nito habang yakap akap ang wala ng buhay na si Aleiza.

***

Nabalitaan na ni Sean ang nangyari kay Aleiza napag desisyunan nila ni Leah na alamin ang tungkol kay Katrina Vasquez na sinabi ni Aleiza bago ito namatay.

Sin-search nila ang pangalang Katrina Vasquez gamit ang computer

Lumabas sa search na dating sikat na modelo si Katrina Vasquez agad nilang sinulat sa isang papel ang lahat ng information na nakalap.

Napansin din nila ang larawan ni Katrina na hawak hawak ang Camera na napulot ni Leah.

Kinalibutan si Leah sa kanyang nakita agad niyang kinuha ang bag at nilabas ang camera tinignan niya ito magka mukha nga. Dahil pati ang kulay at tali nito ay magkapareho.

"Sapat na siguro ang mga impormasyon na ito"-Wika ni Sean habang hawak hawak ang isang papel.

"Oo pupuntahan din natin si lola Pilar isa siyang manghuhula makakatulong siya sa atin"-Ang sabi ni Leah,

Agad sumakay ng kotse sina Leah at Sean para puntahan si lola Pilar na isang manghuhula.

***

"Lola Pilar may nakalap po kaming impormasyon tungkol sa babaeng nakaputi siya po si Katrina Vasquez dating modelo siya po ang may ari ng Camera na ito"-Sabi ni Leah habang hawak hawak ang camera.

"Ang camera na iyan ang dahilan kung bakit madaming namatay , lahat ng nakunan gamit ang camera na iyan mamamatay"-Nakakapangilabot na sabi ng matanda.

Kinalibutan sina Leah at Sean sa kanilang narinig

Alam nila pareho na nagpicture sila magpapamilya kasama sina Aleiza at Derrick

Tinignan naman ni Leah ang lahat ng larawan sa camera napansin niya na halos ang mga nakuhanan ng picture ng camera ay namatay na maliban sa kanyang mommy , daddy , ate , Sean at siya.

Biglang nabitawan ni Leah ang camera na hawak dahil lumitaw bigla ang babaeng nakaputi.

"Mauna na po kami maraming salamat"- ang sabi ni leah , nagmadali itong lumabas kasama si Sean

"Mag-iingat kayo"- Wika ng matanda

Agad sumakay ng kotse sina Leah at Sean upang agad makapunta sa bahay nila Leah , para tignan ang kalagayan ng pamilya nito.

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon