Leah Pelaez‘s POVHindi ko na alam ang gagawin ko. Litong-lito na ako. Ba‘t ba nangyayari ang lahat ng ‘to?
Ba‘t ba kapag nakikita ko yung batang babae at babaeng nakaputi ay may nangyayaring masama?
Kakarating ko lang ng bahay. Pinahatid ko na lang ulit si Sean kay Manong Driver. Kanina pagdating ko ay dumiretso sa aking kwarto. Hindi na ako nag abalang sabihin pa kanila Mom at Dad ang nangyari dahil ayokong pati sila ay madamay. Tsaka ayokong mag-alala sila.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa ding-ding dito sa loob ng aking kwarto. 9:30 PM na pala pero ‘di pa rin ako makatulog dahil sa dami ng mga iniisip ko.
Hindi ako pwedeng mapuyat ngayon dahil bukas na ang aming fashion show. Kailangan ko din gumising ng maaga dahil magpa-practice pa kami bukas.
Hindi pa rin maalis sa isipan ko ‘yung banngkay ni Ayiro. Shit! Sa tuwing naalala ko ‘yung putol niyang katawan parang nasusuka ako. Kinikilabutan ako. Sino ba‘ng may gawa no‘n? Paano niya naatim ‘yon?
Kung sino man ang may gawa no‘n, isa siyang demonyo!
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag ring bigla. Nakapatong ito sa isang ‘mesa dito sa gilid ng aking kama. Agad kong kinuha at tininignan kung sino ang tumatawag. Unknown number.
Hindi ko ugali na sumagot ng mga unknown number na tawag. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon, gusto kong sagutin. Baka kasi importante ang tawag na ito.
“Hello?” sambit ko. May narinig akong isang tunog. Tunog tuwing walang signal ang isang TV. Nakakabingi kaya nilayo ko ng konti ang phone ko sa tenga ko.
“Kung sino ka man, hindi ka nakakatuwa!” inis kong sambit. Ang sakit talaga sa tenga. Sigurado isa nanaman ‘to sa mga nangti-trip. Mga nagpa-prank call na walang magawa sa buhay. Pero hindi pala. Nagsalita na ang nasa kabilang linya.
“Hello.” agad akong kinilabutan sa unang salita palang na sinambit niya. Shit! Yung boses niya parang isang demonyo. Parang may ginagamit siyang isang device na nagpapabago ng boses niya. Bumilis ang kabog ng dib-dib ko. “Kamusta? Nakatulog ka pa ba?”
“Kung sino ka mang hayop ka tigilan mo ‘ko!” pinipigilan kong mapalakas ang boses ko. Baka kasi marinig ako nila Mom at Dad.
“I‘m the killer.” pagkasabi niya no‘n ay biglang bumilis lalo ang pintig ng puso ko.
“Hayop ka! Sino ka? Ba‘t mo ginagawa ito?”
“I‘m one of your friend.”
Friend? Shit! Hindi kaya tama ang kutob ko na isa sa mga kasama ko kanina ang pumatay kay Ayiro?
“Bullshit! Magpakilala ka hayop ka!” ‘di ko na makontrol ang sarili ko. Gusto kong ilabas ang galit ko sa kanya. Hindi ko matanggap na isa siya sa mga kaibigan ko.
Pero isa nga ba siya sa mga kaibigan ko? Baka naman sinisiraan niya lang ang mga kaibigan ko? Hays! Pero posibleng isa nga siya mga kaibigan ko dahil alam niya ang phone number ko.
“Makikilala mo rin ako Leah. Ay no, kilala mo na pala ako. Mas makikilala mo lang ako ng lubusan sa tamang panahon.” tumawa siya. Nakakarindi ang boses at tawa niya. “Right time Leah. Basta ngayon, kailangan ko munang patayin silang lahat at lahat ng gustong ipapatay ni toot toot.”
Napamura na lang ako dahil sa sinabi niya. Pinagti-tripan niya ako! Iniinis niya ako!
“Huh?! Ano‘ng toot toot! Bullshit! Busit talaga! Sabihin mo sino ‘yon at sino ka?!” halos sumigaw na ako ng sobrang lakas. Ilang beses na rin akong napahilamos sa mukha ko.
Napatigil ako sa pagsigaw ng marinig kong may kumakatok mula sa pintuan ng aking kwarto.
“Paalam.”
“Sandali lang!” shit! Pinatay na niya.
Binagsak ko ang phone ko sa lamesa dahil sa inis.
Naglakad ako papunta sa pintuan ko. “Mom, Dad?” sambit ko. Pero walang nagsasalita. Shit! Sino ‘yong kumatok. “Mom, Dad?” ulit ko.
Wala talagang nagsasalita. Bumilis ang kabog ng dib-dib ko. Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan kong pinihit. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Una kong nilabas ay ang ulo ko. Tinignan ko ang labas at luminga-linga ako para tignan ang paligid, pero wala naman ni isang tao.
“Mom, Dad?” tawag ko. Tuluyan na akong lumabas. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto nila Mommy. Palinga-linga ako dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin. Shit! I hate this feeling.
Habang naglalakad ako ay may naapakan akong isang basa. Niyuko ko ang ulo ko. Shit! May dugo. Binilisan ko ang lakad at ‘yung dugo ay papunta sa pintuan ng kwarto nila Mommy.
Nagmadali akong buksan ang pintuan nila pero naka lock.
“Mom, Dad?!” sigaw ko. Kinalampag ko na ang pintuan nila. “Mommy! Daddy! Open the door!”
Kinakabahan talaga ako dahil sa mga dugong nakikita ko sa sahig. Baka kung ano ng nangyari kanila Mom at Dad sa loob.
Kinalampag ko yung pintuan habang paulit-ulit ko silang tinatawag. Biglang bumukas ang pintuan at napasigaw ako ng ang babaeng nakaputi ang bumungad sa akin.
Nagsisigaw ako at napapikit sa sobrang takot. Nanginig ang buo kong katawan at parang ‘di ako makatakbo.
“Leah! Leah!” napatigil ako sa pagsigaw ng marinig ko ang boses ni Mommy. “Ano bang nangyayari sa ‘yo?”
Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Mom at Dad na nakatayo sa tapat ng kanilang pintuan. Agad ko silang niyakap. Kahit gabi na at malamig ay pinagpawisan ako dahil sa kaba at takot.
“Ano‘ng nangyayari sa‘yo?” napakamot ng ulo si Dad. Halatang bagong gising sila ni Mommy.
“Dad may dugo sa sahi—” napahinto ako sa pagsasalita ng tignan ko ang sahig. Malinis na ito at wala ng dugo. “Dad may dugo dito kanina!”
Naiyak na ako dahil sa takot.
“Pssssh.” sambit ni Dad, hinimas niya ang ulo ko. “Walang dugo. Ano ba‘ng nangyayari sa‘yo? Ilang araw ka ng ganyan. Na trauma ka ba dahil sa pagkamatay nila Marlyn at Hilda?” napailing ng ulo si Dad. “Don‘t worry Hija, it will never happen again. Nandito na kami ng Mommy mo.”
Niyakap ako ni Dad. Hindi ko na lang sinabi sa kanila ‘yung babaeng nakaputi na nakita ko dahil ‘di naman sila maniniwala. Tsaka baka idamay pa sila ng pesteng killer! Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kaya nasabi ko kay Dad ‘yung about sa dugo.
Gusto kong sabihin lahat kay Mom at Dad, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka pati sila ay madamay.
“Go back to your room.” sambit ni Dad at hinalikan niya ako sa noo. Niyakap din ako ni Mommy at hinalikan niya ako sa noo.
Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko. Pinanuod muna nila akong naglalakad. hanggang makapasok ako sa loob ng aking kwarto.
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari. Bakit nawala ‘yung dugo? Shit! Ang creepy.
Humiga na ako sa kama ko at agad na akong pumikit at nagdasal. Siguro kailangan kong magdasal para ‘di ako minumulto.
Pagkatapos kong magdasal ay umayos na ako ng higa para makatulog na. Kailangan kong maghanda para bukas. Napatingin ako do‘n sa kamera na napulot ko, nakapatong ito do‘n sa itaas ng cabinet ko dito sa kwarto.
Dadalhin kita bukas.
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne