Chapter 1

2.6K 29 1
                                    

"STELLA, laya ka na!"

It's been two-years of being imprisoned but Stella was still that woman. Napakarami niyang natutunan sa loob ng kulungan sa loob ng dalawang taon - isa na rito ang pagiging mapagpasensya sa lahat ng bagay na hindi niya nagagawa noon.

Tumayo siya sa kinauupuan at ibinaling ang paningin sa mga kasamang preso. Ngumiti siya sa mga ito na nakabusangot ang mga mukha, hindi dahil naiinggit sa kanyang paglaya kundi nalulungkot sa kanyang pag-alis.

"Huy! Huwag nga kayong ganyan! Hindi ba kayo masaya na malaya na ako?" May luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata ngunit pinipigilan niya iyon sa kadahilanang gusto niyang maging masaya sa kanyang paglabas sa piitan. Ayaw man niyang iwan ang mga naging kaibigan sa loob ngunit kailangan sapagkat may mga taong naghihintay sa kanya sa labas na sabik na sabik na rin niyang makita.

Tumayo ang isa sa kanyang mga kasama at binigyan siya ng napakahigpit na yakap. "Dadalaw ka minsan, ha?" may pakiusap na wika ni Angeline. Isa sa mga naging malapit sa kaniya habang naroroon.

Hinimas niya ang likod ng kaibigang halos mawalan ng hininga sa paghikbi. Ganoon talaga ang kaibigan niya, masyadong mababa ang emosyon kaya pati ang luha, mababaw.

"Oo naman! Every weekend, dadalawin ko kayo," ani Stella na hindi na rin napigilang umiyak.

"Siguraduhin mong dadalaw ka," matigas ang tonong saad ng babaeng sumunod na tumayo sa kinauupuan. May kalakihan ang katawan ng babaeng iyon kaya medyo nahirapan siyang iangat ang sarili.

"Oo naman, Luz." Binalingan ni Stella ng matamis na ngiti ang babaeng lumapit sa kanya. Si Luz ang nagsilbing warden sa loob ng kanilang kulungan. Noong unang pumasok si Stella sa lugar na iyon, nagkaroon kaagad ng hidwaan ang dalawa dahil hindi sumusunod si Stella sa mga gusto niya. Ngunit sa huli'y napalapit na rin siya rito nang minsan nang iligtas ni Stella ang buhay ni Luz sa bingit ng kamatayan.

Kahit papaano pala'y may ginintuang puso si Stella kaya nagkapalagayan sila ng loob.
"Mag-iingat ka sa labas. Huwag ko na sana ulit makikita ang pagmumukha mo rito," may pagkasarkastikong wika nito na sumerysoso ang mukha. Pero maya-maya lamang ay ngumiti at yumakap sa kaniya.

"Hindi na. Kung pupunta man ako rito, it's because I want to visit you," sabi ni Stella.

"Sige na, mukhang hinihintay ka na ng pinto papalabas."

Sabay nilang pinagmasdan ang exit. Bumakas sa mukha ni Stella ang pag-asa matapos ang ilang taong pagtitiis sa loob ng piitan. Masisilayan na niyang muli ang kanyang anak at si Evo. Makakasama na niyang muli ang sariling pamilya. That was the happiest day of her life. She would never regret every memories inside that jail because she learned a lot of things inside but she needs her life outside.

"Mag-iingat kayo rito," wika niya kay Luz nang muling magtama ang kanilang mga mata. Ngumiti lang ito na may luha sa mga mata. Luz admired her so much despite the misunderstandings happened to them before. Naging matalik na rin silang magkaibigan kaya naging importanre na sa kanya si Stella.

"Paalam, Stella." Sabay-sabay na kumaway ang mga nakasama niyang preso sa loob bago siya humakbang papalabas. Nakangiti namang pinagbuksan ng babaeng pulis si Stella ng rehas at hinawakan siya sa braso.
Unti-unti na niyang nasisilayan ang labas ng city jail kung saan siya napiit. Ipinangako niya sa sarili na babaguhin na niya ang kanyang buhay sa pangalawang pagkakataon. Inalis na niya ang poot sa kanyang damdamin. Ang karanasang iyon ang nagturo sa kanyang maging mabuting tao kaya hindi niya sasayangin ang tiyansang ibinigay sa kanya.

"Mommy!" Masayang sumalubong sa kanya ang anak na si Leticia. Sabik ang batang yumakap sa ina kaya hindi nito napigilang mapaluha nang lapitan siya ng labindalawang taong anak.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon