Chapter 18

408 5 0
                                    

HINDI pamilyar ang lugar na nakita ni Evo nang imulat niya ang kanyang mga mata. Saka lang niya napansin na wala siya sa sariling bahay nang masilayan niya ang ibang kulay ng kurtina ng bintana at pintura ng pader. Saka lang niya naalala na sa hotel nga pala siya nag-stay.

Nang bumangon sa kama ay agad niyang tiningnan ang cell phone. Nakailang missed calls at texts na pala ang asawa pero kahit isa sa mga iyon ay hindi man lang siya nag-abalang sagutin o basahin. Ayaw din muna kasi niyang makausap ang asawa at baka kung ano lang ang masabi niya rito.

Uminat-inat pa siya at pinakiramdaman ang paligid nang magpasyang bumangon mula sa kama. Dama niya ang malamig na panahon dala ng paparating na Pasko kaya ang una niya agad hinanap ay ang coffee maker. Sinubukan niyang halughugin ang buong pantry ng kitchen pero wala siyang mahanap na bagay na p’wedeng maibsan ang lamig na nararamdaman.

“Bakit ba kasi walang coffee rito?” reklamo niya. Napakamot na lang siya ng ulo. Naisip niyang tawagan sana ang kaibigan na may-ari ng hotel pero simpleng problema lang naman iyon kaya siya na lang ang gumawa ng paraan para makapagkape siya.

Saka lang niya napagtanto na nasa kabilang unit nga lang pala si Serene at baka p’wede niyang mahingan ng tulong. Kaagad niyang tinungo ang kabilang unit kung saan naka-check in si Serene.

“Serene,” tawag niya rito habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell subalit walang kahit ano'ng komosyon siyang nakikita. Mukhang mahimbing pa ang tulog ng dating kasintahan.

Siya namang pagdating ng isang staff at lumapit sa kanya. “Sir, wala na pong tao riyan. Kanina pa po nag-check out,” sambit nito.

“A-Anong oras pa, miss?” tanong ni Evo.

“Kanina pa pong alas-sais.”

Napatingin si Evo sa wrist watch niya at napagtantong alas-syete y media na. Medyo na-late na siya ng gising kaya hindi na niya naabutan pa si Serene.

“Gano'n ba? Sige, salamat.”

Akmang babalik na si Evo sa loob ng hotel pero pinigilan siya ng staff. “Sir, bilin po pala ni ma'am na ibigay ko raw po ito sa inyo.” Hawak ng staff ang isang tray na may pagkain at may kasamang mainit na tasa ng kape.

Napangiti si Evo sa nakita. “Thank you.”

Agad na kinuha ni Evo ang tray at pumasok sa loob ng unit niya. Ipinatong niya iyon sa mesa at pinagmasdan. Hindi niya alam kung bakit parang simpleng bagay lang iyon pero hindi niya napigilang ngumiti. Serene was still caring for him after all. Hindi pa rin nito nakakalimutan na gustong-gusto niya ng kape kapag gigising siya sa umaga.

“You are still the Serene I know,” wika niya. Dinampot niya ang tasa ng kape at hinigop iyon. Mas lalo siyang napangiti nang malasahan ang mainit na kape. Saulado pa niya kung gaano kasarap magtimpla si Serene at kung ano ang nalasahan niyang timpla noon sa kanya ay iyon din ang nalalasap niyang lasa ng coffee niya ngayon.

*****

“OH. . . HI, STELLA!” Ikinagulat ni Stella ang biglang pagdating ni Serene. Wala sa isip niyang makikita niya si Serene sa lugar na iyon sa pag-aakalang kasama nito ang asawa niya.

“H-Hi, Serene!” Agad naman siyang nakipagbeso-beso rito na parang normal lang.

“What brings you here? Hindi mo yata kasama si Evo?” tanong ni Serene sa kanya.

“He. . . he’s in the office right now.” Tulad ng sinabi niya kay Eric, ganoon na lang din ang pagsisinungaling niya kay Serene. Pero lingid sa kaalaman ni Stella ay alam ni Serene kung nasaan si Evo at ano ang dahilan niya kung bakit hindi niya kasama ang asawa.

“I see. I heard maganda ang pagsasama ninyo after mong makalaya?” It sounds sarcastic for her the way Serene said it. Ngunit hindi niya dapat ipahalata na may problema silang mag-asawa at si Serene iyon ganoong wala naman siyang pruweba sa iniisip.

“Y-Yeah! Yes! We’re actually planning to have a vacation after his project with you.”

“That's nice!” Stella thought it would be the last thing that Serene said. Pero hindi pa pala iyon natatapos doon. She was about to say goodbye when Serene said, “Bakit hindi na lang tayo magbakasyon nang sama-sama. After all, we’re family. Right, honey?”

Sabay na nabaling ang atensyon nilang dalawa kay Eric. The man standing beside them was unaware of that question, kaya ganoon na lamang ang pagkabigla nito.

“Y-Yeah! Why not?” Tiningnan pa nito ang mukha ng dalawa na tila magkaiba ang sinasabi depende sa ekspresyon ng mga mata nina Stella at Serene. Pero dahil asawa nito si Serene ay hindi niya magagawang makatanggi sa request nito.

“Good!” nakangiting wika ni Serene bago muling ibinalik ang tingin kay Stella. “I hope that’s okay with you, Stella.”

Ilang segundong natigilan si Stella. Halatang hindi niya alam kung paano sasagutin si Serene. “Sure! It would be fun kung sama-sama tayo sa bakasyon.”

“Well. . . you should tell Evo our plans. Sigurado akong matutuwa ’yon.”

“Sige,” she said anxiously. “I should go. Susunduin ko pa si Leticia.”

“Okay. . . take care,” wika ni Serene at pagkatapos ay muling nakipagbeso-beso sa kanya.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay mabilis na sumakay ng sasakyan si Stella. Pakiramdam niya ay masu-suffocate siya sa loob ng ospital hindi dahil sa amoy nito kundi dahil nasa harap niya ang dahilan kung bakit nag-aaway sila ng kanyang asawa.

“Girl, ’yon na ba si Serene?” usisa ni Lindsay.

“Bakla, ang bongga ng glow-up niya, ha? Dinaig niya pa si Anne Hathaway sa ganda niya!” dagdag naman ni Keeno.

Noon lang narinig ni Stella na pinupuri ng dalawa niyang kaibigan ang naging mortal niyang kaaway. Pero kahit siya sa sarili ay hindi rin maintindihan kung bakit parang nabahag ang buntot niya nang makaharap si Serene. Kung noon ay halos laitin at alipustahin niya ang dating kasintahan ng asawa, ngayon ay parang wala itong takot na sabihin ang gusto nitong sabihin sa kanya.

“Tumigil nga kayo!” saway ni Stella sa dalawa. “Hindi ako papayag na basta lang niya ipamukha sa akin na wala akong k'wenta.” Naningkit ang mga mata ni Stella at tila may malalim na iniisip. Ano kayang balak niya?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon