Chapter 41

449 3 3
                                    

NALALAPIT na ang pagbubukas ng itatayong jewelry store nina Stella. Lahat ay maayos na at may mga nakalatag na ring plano para sa mga darating na event kung saan ima-market nila ang mga jewelries. Pero mukhang aabutin pa ng isang buwan bago ito pumatok sa merkado kaya naisip nilang kumuha ng endorser upang nang sa ganoon ay magkaroon ng magandang marketing ang kanilang produkto.

Habang abala ang tatlo ay siya namang nag-ring ang kanyang cell phone. Nang silipin niya ang caller ID kung sino ang tumatawag ay sumilay ang napakaganda niyang ngiti. Nandiyan na kasi ang inaasahan niyang bisita.

“Hi! Are you here na?” tanong niya sa kausap sa phone. Saglit muna niyang tinakpan ang mic ng telepono at humarap kina Lindsay, Keeno, at Christian. “Wait lang, guys, I have to fetch someone outside,” dagdag niya bago ibinalik ulit ang atensyon sa kanyang phone.

"Sino naman kaya 'yon?” usisa ni Keeno nang makalabas si Stella sa Mestizano Café. Nagkibit-balikat lang ang dalawa sa tanong ni Keeno.

Hindi naman lumipas ang ilang minuto ay bumalik na si Stella sa loob kasama ang isang pamilyar na mukha. Pamilyar dahil madalas itong makita sa social media.

“Hi, everyone! I want you to meet Stacey,” pakilala ni Stella ng kasama sa tatlo.

“Hello po!” Magiliw na kumaway sa tatlo ang babaeng kasama ni Stella. Magkakasabay na umawang ang bibig ng tatlo sa nakita. The three were like struck by the girl who was standing in front of them.

“Oy my God! Stacey as in Stacey TV?” ani Lindsay na nabigla sa nakita.

“Ikaw ’yong sikat na vlogger, right?!” dagdag naman ni Keeno.

“Yeah! Siya nga!” sagot ni Christian. Mahilig din kasi itong manood ng vlogs ng nasabing sikat na vlogger.

Lingid sa kaalaman ng tatlo, matagal nang kakilala ni Stella ang social media star na ipinakita ni Lindsay sa kanya noong araw bago niya mahuli si Evo kasama so Serene.

“She was my mentee when I was in modeling. She’s one of the best model I knew. Kaya alam kong hindi tayo bibiguin ng batang ’to. Right, Stacey?” ani Stella.

“Of course, Ate. And noong tumawag ka sa akin, hindi ako nag-hesitate na tanggapin ang offer mo,” sambit ni Stacey

"Thank you, Darling,” wika ni Stella. Kaagad namang tumayo ang tatlo at nakipagkamay kay Stacey.

“Thank you so much po for offering me this project. I will promise na hindi ko po kayo bibiguin.” Natuwa ang apat sa attitude na ipinapakita ni Stacey sa kanila. Mukhang magiging smooth ang proseso ng gagawin nilang promotion kaya kompiyansa si Stella na maraming tatangkilik sa kanilang produkto.

Agad na ipinakita ni Keeno ang jewelry designs na susuotin ni Stacey para sa photoshoot. Kailangan niya ring gawan iyon ng content at bawat video content na gagawin niya para sa promotion ng jewelries nila ay babayaran nila.

Sa kabilanh bahagi naman ng mesa ay nag-uusap sina Christian at Lindsay kung saan magandang magkaroon ng photoshoot nila. Seryoso ang lahat sa ginagawa habang si Stella ay pinagmamasdan lang sila. Nakikinita ba niya kung paano magiging maganda ang takbo ng kanyang karera.

Leticia's Collection. Iyon ang magiging pangalan ng jewelry store na itatayo niya na isinunod niya sa pangalan ng anak.

*****

“SA WAKAS! Makakalabas ka na rin, pare!” Masayang pinagmamasdan ni Franco ang kaibigan habang inaayusan siya ni Serene. Ngayon kasi ang araw na pinayagan siyang makauwi na ng bahay upang doon magpalakas para sa kanyang chemoteraphy.

Hindi na rin makapaghintay si Eric na masilayan muli nito ang tahanan. Sa ilang araw ba naman nitong pamamalagi sa ospital ay pihadong nainip siya nang sobra.

“Oo nga, eh. Gusto ko nang makalanghap ulit ng sariwang hangin sa labas,” masayang wika ni Eric.

“Siya nga pala, may balita ako sa iyo,” ani Franco na bahagyang lumapit sa kaibigan.

“Ano ’yon?”

“Alam mo ba ’yong pasyente mong si Teri Awitan? Iyong bilyonaryong mayabang na akala mo kung sino,” usal ni Franco rito na tila akala mo’y importante ang sasabihin.

“Sino? Iyong nagka-cardiac arrest pero naka-survive?”

“Oo, iyon nga! He's already dead!” kumpirmasyon ni Franco. Gulat ang ekspresyon ng mukha nito habang nagkukuwento.

“Cardiac arrest again?”

“No. Ang balita, pinagbabaril daw sa bahay dahil may nakaaway. Gahaman kasi 'yong taong 'yon!” lahad ni Franco sa kaibigan nito.

“Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa personal na buhay ng mga pasyente natin? Hindi naman ako aware na tsismoso ka na rin pala.” Natawa na lang si Eric sa naririnig mula sa kaibigan.

“Narinig ko lang. Kapitbahay niya kasi iyong nurse natin dito.” Napailing na lang ng ulo si Eric sa kaibigan.

“Boys, tama na muna 'yang kwentuhan ninyo. Nandito na ang wheel chair.” Siya namang singit ni Serene nang pumasok ang isang nurse dala ang gagamiting wheel chair ni Eric.

"Hon, can I go to the rest room first?” ani Eric.

“Sure, Hon.” Agad namang inalalayan ni Seren ang asawa. Katulong s Franco ay inakay nila si Eric na makatayo sa kama hanggang makapasok ito ng banyo.

"Are you sure you don't want me to help you?” paninigurado ni Franco.

"Hindi na, kaya ko na 'to,” pagtanggi ni Eric.

Nang maisarado na nito ang pinto ay kaagad na bumalik si Serene sa pag-aayos ng gamit ng asawa.

“Ahm. . . Serene, I want to show you something. This is very important.” Halatang kabado si Franco habang kinukuha ang phone sa bulsa ng lab gown niya.

“Ano 'yon?”

Kaagad na binuksan ni Eric ang gallery ng phone at nag-play ng video bago iyon ibinigay kay Serene upang mapanood ang nakuhanan niya nitong mga nakaraang araw lamang. Hindi mawari ni Serene kung ano ang magiging reaksyon niya sa napapanood na video. Kuha iyon noong sinugod siya ni Stella sa ospital kasama si Evo. Rinig na rinig niya kung paano ipangalandakan ni Stella sa lahat ang nangyari.

“Oh, God!” Napatakip si Serene ng bibig. Halos manlamig ang buo niyang katawan habang pinanonood ang video. Nang matapos iyon ay nanginginig niyang ibibalik kay Franco ang phone.

Hindi niya akalaing magiging ganoon kalala ang kahihinatnan ng lahat. Isa lang ang dapat niyang siguraduhin sa pagkakataong iyon. Hindi dapat iyon malaman ni Eric.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon