Chapter 52

430 4 0
                                    

“I-I’M SORRY, Christian. Hindi dapat mangyari ito.” Stella was shocked after Christian kissed her. Hindi niya akalaing madadala siya sa mapusok na damdamin. What they did was wrong but she was not aware. Para bang tumigil ang oras nang maglapat ang kanilang mga labi. Hindi rin niya maintindihan kung bakit mabilis ang naging pagtibok ng kanyang puso.

Patakbo niyang tinungo ang pintuan at mabilis na lumabas ng kuwarto ni Christian. Narinig pa niyang tinatawag siya nito pero parang bingi lang siyang nagmamadaling lumayo. Kaagad niyang tinungo kung saan naroron sina Lindsay at Keeno. Agad siyang pumasok sa hotel-room ng dalawa niyang kaibigan at pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad siyang napasandal doon na tila ba nakakita ng multo. Napahawak pa siya sa labi nang mga sandaling iyon. Laking pagtataka naman nina Keeno at Lindsay sa biglaan at hindi inaasahan niyang pagpasok sa kuwarto.

“Girl, okay ka lang?” usisa ni Keeno habang naglalagay ng face cream sa kanyang mukha.

“H-He kissed me,” saad niya.

Magkasabay na nagtinginan ang dalawa at kunot-noong bumalik ang atensyon sa kanya.

“Ha? Kissed? Sino?” sunod-sunod na usisa ni Lindsay.

“Christian kissed me,” she mumbled in confussion.

“What the f*ck!” Napamulagat si Lindsay.

“Are you serious?!” sigaw naman sa pagkagulat ni Keeno.

Hindi nila akalaing magagawa ni Christian ang bagay na iyon kay Stella. Mabilis na lumapit ang dalawa sa kanya at inabot ang kanyang kamay papunta sa kama upang doon ay paupuin. Halos manginig kasi ang tuhod niya sa sobrang kaba.

“Bakit ka naman niya hinalikan? Nakakaloka!” eksaheradang wika ni Keeno.

“Oh, tapos? Ano’ng mga sumunod na nangyari?” usisa naman ni Lindsay.

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga katanungang iyon ng dalawa niyang kaibigan. Pero isa lang ang nasisigurado niya. Isang malaking pagkakamali ang nangyaring iyon sa pagitan nilang dalawa at kung may dapat sisihin sa naganap, iyon ay walang iba kung hindi siya.

Bakit?

Dahil hinayaan niya ang sarili na magpadala sa emosyong hindi niya dapat maramdaman. Marahil ay nadala lang siya ng pagkasabik dahil matagal na rin ang panahon nang huli siyang makalasap ng halik mula sa isang lalaki. Pero bakit kay Christian pa? Hindo niya rin maunawaan ang sarili kung paano siya nadala ng nararamdaman. Muntik na. Malapit na sana siyang bumigay subalit mabuti na lamang at nagising siya sa realidad. Dahil kung hindi ay baka may hindi magandang mangyari.

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay mali ang nangyari?” Iyon lamang ang tangi niyang naging tugon sa mga katanungan ng dalawa.

“Ibig mong sabihin, you kissed him back?”

Lumipat namang ang atensyon niya sa tanong na iyon ni Lindsay pagkatapos ay tumango siya bilang tugon sa tanong nito.

“Syet na malagket! Girl, kailan ka pa naging marupokpok. Akala ko ba ay strong ka? Bakit ngayon, para kang lumalambot na tinapay kay Christian?” pag-uusisa naman ni Keeno.

“Hindi ko alam! Ayaw kong isipin. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari.” Litong-lito na si Stella. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap kay Christian ngayon.

*****

“YOU REALY DID THAT?!” Awtomatikong umawang ang bibig ni Gio matapos marinig ang kuwento ni Christian sa kanya. Bigla kasi siyang nagpunta sa opisina ni Gio at nag-ayang mag-inom ng beer. Alam na kaagad ng matalik niyang kaibigan na may problema siya kaya naglabas kaagad ito ng dalawang serbesa. Hindi nga ito nagkamali. Dahil malaki nga ang problema ni Christian.

“It wasn't my intention to kiss her,” depensa ni Christian.

“Pare, intentionally or not, you still kissed her. Kung hindi mo ako kaibigan, baka nasapak kita sa ginawa mo,” sambit ni Gio bago nilagok ang bote ng beer na hawak niya.

Saglit na natahimik ang dalawa. Nakatitig lang si Gio sa kanya na tila inoobserbahan. Alam ni Christian na hindi ang tipo ni Gio ang taong mabilis manghusga ng kapwa lalo't kaibigan nito. Kaya kampante siya na sabihin dito ang lahat ng kagaguhan niya sa buhay dahil si Gio lang ang taong tanging nakakaunawa sa kanya.

“Ano'ng balak mo ngayon? After what happened, magagawa mo pa ba siyang harapin?” usisa ni Gio sa kanya.

Napabuga nang malalim na hangin sa kanya dibdib si Christian bago nakasagot. “Hindi ko alam, Pare. Sobrang nakakahiya ng ginawa ko. Sa totoo lang, nadala lang ako ng emosyon ko kaya nagawa ko 'yon. Or maybe, naawa ako dahil sa ginawa sa kanya ng asawa niya.”

Napaismid si Gio sa narinig na paliwanag sa kanya. Napailing pa ito bago iniangat ang sarili mula sa pagkakasandal sa swivelling chair. “Hindi ka nga pumayag sa deal ng asawa niya. Pero para ka na ring nagbigay ng motibo kay Stella dahil sa ginawa mo. Sino ngayon ang jerk? Ang asawa niya. . . o ikaw?”

“Akala ko ba, kakampit kita?” angal ni Christian.

“Oo nga! Pero hindi ibig sabihin niyon ay susuportahan kita sa ginawa mo. Malaki ka ka na kaya dapat alam mo na kung paano magdesisyon ng tama para sa sarili mo,” sermon nito sa kanya bago pinagdaop ang dalawang kamay saka ipinatong ang mga siko sa office table nito. “Tandaan mo, Pare. Hindi masosolusyonan ng isa pang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Kaya kung ako sa iyo, gumawa ka ng paraan para itama ang nagawa mo.”

“Alam ko. ” Iyon lamang ang tangi niyang naging sagot. Hindi rin kasi maunawaan ni Christian kung paanong nadala siya ng emosyong hindi niya dapat maramdaman.

Bawat lagok niya ng alak ay senyales ng kaba sa dibdib at pag-aalinlangan sa kanyang sarili. Mas lalo pang nakadagdag sa kanyang dinadala ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan tulad na lamang ng inalok sa kanya ni Evo. Paano niya nagawang tumanggo rito kung sa huli ay gagawin naman niya ang kagustuhan ng asawa ni Stella?

“Pero alam mo, kung ako lang naman ang nasa katayuan mo, mahihirapan din akong masolusyonan iyan. Mas lalo pang magiging komplikado ang lahat kung pumayag ka sa alok ni Evo,” ani Gio na tumayo na sa upuan at kumuha ng isa pang bote ng beer sa kanyang refrigiratot at binuksan. “Pero matanong kita, Pare. Are you still into her?”

Masasagot ba ni Christian ang tanong na iyon ng kaibigan?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon