Chapter 29

375 5 0
                                    

NAKATITIG lang si Serene sa wala pa ring malay na si Eric. Hindi niya akalaing hahantong sa ganoong sitwasyon ang asawa. Inilapat niya ang ulo sa unan nito habang pinagmamasdan niyang mabuti ang mukha ni Eric.

“Hon, gising ka na,” pakiusap niya. Alam niyang kahit natutulog ito ay naririnig naman siya ng asawa. Hindi niya kayang iwan o mahilay man lang sa tabi nito kahit isang saglit.

Hinda na napigilan ni Serene na mapaiyak nang maalala ang mga nakaraan kung paano siya napasaya ni Eric simula nang magsama sila at magpakasal sa ibang bansa. Naroong mas nauuna pa itong gumising sa kanya para lang ipagluto siya. May pagkakataong imamasahe siya nito kapag pagod siya. Lahat ng klase ng pag-aalaga ay nagawa na ni Eric sa kanya. Kaya naisip niyang bigyan ng puwang sa puso niya si Eric. Noong una ay nahirapan siya pero kalauna'y unti-unti niyang natututuhan itong mahalin.

Hinawakan niya ang kamay ni Eric. “Hon, you made a promise to me that you won’t leave me, right?” Hindi na niya napigilan pa ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. “Pease. . . huwag mo akong iiwan. Hindi ko kayang mawala ka.” Kasabay ng pagluha ang bawat hikbi na siyang nagpapabigat lalo sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan siya hahanap ng lakas ng loob upang mapaglabanan ang sakit na nararamdaman.

Habang nakalugmok siya sa tabi ng walang malay na asawa, naramdaman naman niya na may dahan-dahang humaplos sa kanyang balikat. “Serene.”

Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya nang lingunin niya ang nagmamay-ari ng boses. “T’yang Julia,” sambit niya at pinunasan ang mata na basang-basa ng luha. Hindi niya namalayan ang pagdating ng bisita. Inayos niya muna ang sarili at saka siya tumayo para salubungin ng yakap ang tiyahin.

“Kumusta ka na?” Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng tiyahin. Hindi siya okay sa totoo lang kaya nang madinig niya ang tanong na iyon ay muling nagkusa ang luhang pumatak sa kanyang mga mata.

“T'yang, hindi ko kaya. . . hindi ko kayang mawala si Eric!” Sa mga oras na iyon ay si T'yang Julia lang ang tangi niyang masasandalan.

“Laksan mo lang ang loob mo, Serene. Ipagdarasal ko na makayanan ni Eric ang lahat,” sambit ni T'yang Julia niya.

Saka lang kumalas si Serene sa pagkakayakap sa tiyahin nang marinig ang mga katagang iyon. “Salamat, T'yang.”

Binigyan siya nito ng tipid na ngiti. Kitang-kita sa mga mata ni T'yang Julia ang awang nararamdaman nito sa kanya.

“Siya nga po pala, sinong kasama n'yong pumunta rito?” tanong ni Serene.

Mas lumapad ang ngiti ni T'yang Julia sa tanong na iyon. “Kasama ko si Sam,” sagot niya.

“Talaga po?”

Tumango si T'yang Julia. Hindi pa man nakakalingon si Serene ay agad na bumukas ang pinto ng kuwarto at ang kapatid niyang si Sam ang agad na bumungad sa kanya.

“A-Ate!” Sam has an autism kaya hindi ito tuwid magsalita. Kasama niya ang kapatid noon sa ibang bansa para doon ipagamot ang kapatid pero dahil mas gusto nitong manatili sa Pilipinas ay pinayagan niya itong makauwi kasama ang kanyang T'yang Julia.

Ipinagpagawa niya ng bahay ang tiyahin at ang kanyang kapatid dito sa Pilipinas at doon sila namuhay kasama ng mga anak ni T'yang Julia. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa tiyahin dahil inalaagan at itinuring niyang tunay na anak si Sam kahit malayo ito sa kanya. Kahit alam niyang mahihirapan si T'yang Julia sa pag-aalaga ay hindi niya sinukuan si Sam kaya kahit anong hingin nitong kapalit ay ibinibigay niya. Laking pasasalamat na lang din niya at hindi abusado ang kanyang tiyahin pagdating sa pera dahil pinalago naman nito ang tindahang ipinatayo niya para sa kanila.

“Sam!” Isang mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa kanya mula sa kapatid. “I missed you!”

“A-Ate, may. . .  may pasa. . . pasalubong pala ako sa iyo,” sambit ng kapatid.

“Ano 'yon?”

“He. . . heto, oh.” Agad na kinuha ni Sam sa bag niya ang isang painting kung saan nakapinta ang wedding photo nila ni Eric noon.

Manghang-mangha si Serene nang masilayan ang painting na gawa ni Sam. Kahit may kondisyon si Sam ay napakatalentado naman nito. Wala siyang kopya ng wedding photo nila ni Eric pero nagawa niyang ipinta iyon sa pamamagitan ng kanyang memorya. Naroon kasi si Sam sa kasal nila noong ginanap ito.

“Thank you.” Kahit paano ay gumaan ang loob niya sa ibinigay ng kapatid. Alam talaga ni Sam kung paano pagaanin ang loob niya kaya nagpapasalamat siya rito.

“Ka. . . kaya, hu. . . huwag k-ka na sad, ha?” mautal-utal nitong wika.

Tumango lang si Serene at muling yumakap sa kapatid. Sa wakas, may mga taong naroon upang palakasin pa lalo ang loob niya. Kahit sino naman siguro ay panghihinaan ng loob kapag ang pinakamamahal nila ay nasa bingit na ng kamatayan. Masuwerte lang talaga si Serene at may mga taong nakapaligid sa kanya para palakasin ang loob niya.

Habang pinagmamasdan ni T'yang Julia ang magkapatid ay napansin niya ang paggalaw ng hintuturo ni Eric. Bahagya itong nagulat sa nangyari at naisip na namalikmata lang siya pero bigla ulit umangat ang daliri nito kaya kaagad nitong kinuha ang atensyon ni Serene.

“Serene.” Itinuro ni T'yang Julia si Eric sa kanya na noo'y dahan-dahan nang iminulat ang mga mata.

“Eric!” Agad na nilapitan ni Serene ang asawa. “T'yang, patawag naman ako ng doktor, please,” pakisusap ni Serene sa tiyahin.

“Sige, sandali lang.” Tumalima si T'yang Julia at kaagad na tumawag ng doktor.

“Eric, Hon, salamat sa D'yos at gising ka na,” sabik na wika ni Serene nang masilayan ang asawa na nagkamalay na.

“Excuse me, Serene,” sambit ni Franco na kinuha kaagad ang vital signs ni Eric.

Kaagad namang umatras si Serene para hayaan ang doktor sa ginagawa. Nang matapos nitong tingnan ang pasyente ay kaagad itong humarap kay Serene.

“Is he okay?” tanong ni Serene na naroon pa rin ang pag-aalala sa mga mata.

“He's okay right now but we need to observe him. Mas mabuting hayaan na muna natin siyang makapagpahinga,” suhestiyon ni Franco.

Sumang-ayon naman si Serene sa sinabi nito. Laking pasasalamat niya at nagkamalay na si Eric. Hiling ng lahat na sana'y makayanan ni Eric ang gamutan. Subalit hindi biro ang stage four cancer. Milagro na lang kung makakaligtas ang taong dadapuan ng ganoong klaseng sakit. Kayanin kaya iyon ni Eric?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon