Chapter 37

355 3 0
                                    

UNTI-UNTI nang nakababawi ng lakas si Eric. Mula nang ma-ospital ito ay hindi na siya iniwan ni Serene. Inaalagaan niya ito mula umaga hanggang gabi kung kaya't madali itong nakaka-recover. Kailangan kasi nitong magpalakas upang makayanan ang proseso ng chemoteraphy ng kanyang katawan. Batid ni Serene ang sakit na nararamdaman ni Eric sa bawat araw na dumaraan. May mga oras na bigla na lang sumasakit ang sikmura nito at ang tangi lang niyang magagawa ay tawagin ang nurse na siya namang magbibigay ng pain reliever dito. Halos ganoon ang naging routin nila araw-araw. Pero kahit parang nakakapagod ay hindi pa rin tumitigil si Serene na alagaan ito.

“Guwapo pa rin ba ako sa paningin mo kapag wala na akong buhok?” pabirong wika ni Eric sa kanya.

Mahinang napatawa naman si Serene sa narinig mula rito. “Ano namang klaseng tanong ’yan, Hon? S'yempre, oo!” wika niya.

Hindi naman lingid sa kaalaman nila na ang side effect ng chemotherapy ay manlagas ang buhok. Kaya idinaan lang siguro ni Eric ang lahat sa biro para kung sakali man na mangyari ngang manlagas ang kanyang buhok ay magiging magaan para sa kanya ang bagay na iyon.

“Talaga ba?” paninigurado ni Eric.

Bahagyang inilapit ni Serene ang mukha sa asawa at hinaplos ang pisngi nito. “Kahit ano pang hitsura mo, guwapo ka pa rin sa paningin ko. Okay?”

“Thank you, Hon.” Eric’s face was still gorgeous. Kahit medyo naging maputla ito dahil sa panghihina. Naroon pa rin ang napakatangos nitong ilong at mapupungay na mata.

“You’re welcome.” Serene kissed him. “Oh, ubusin mo na 'tong pagkain mo para makainom ka na ng gamot at makapagpahinga,” bilin niya sa asawa bago isinubo ang huling kutsara ng arozcaldo na iniluto niya para  rito.

Nang maubos ang kinain ay inalalayan ni Serene ang asawa na makahiga sa kama nito. Akma sanang ilalagay ni Serene ang pinagkainan ni Eric sa sink pero bago pa man suya makahakbang palayo ay mabilis na nahawakan ng asawa ang braso niya kung kaya't napatigil siya sa paghakbang.

“Kapag nawala ako, magmahal ka ulit.” Ang anim na salitang iyon ay tila ba pumunit nang paunti-unti sa puso ni Serene. Hindi niya kayang marinig ang mga katagang iyon mula kay Eric. At mas lalong hindi niya kayang isipin na mawala ito sa tabi niya kahit isang segundo man lamang.

Inilapag niya muna sa side table ang ginamit niyang pinggan ar muling nilapitan ang asawa. “Hon, don’t say that, please. . .”

“I'm just telling the posibilities, Serene.” Tipid ang ngiti ni Eric pero ramda ni Serene na nahihirapan itong tanggapin ang posibilidad na mangyari.

“No. Please. . . don't ever think about it. Gagaling ka. Mabubuhay ka. Gagawin ko ang lahat para hindi ka mawala sa akin.” Pilit na pinapatatag ni Serene ang kanyang sarili at ang loob ni Eric. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa lalo't mas kailangan niya ang asawa.

“Hon, just promise me na magiging maligaya ka kahit wala na ako.”

“No. . . I can't. I. . . I can't promise that. Mas gugustuhin ko pang makasama ka sa hukay kaysa mawala ka sa akin, Eric,” she said. Hindi niya mahagilap kung saan siya kukuha ng pag-asa ngayong tila si Eric na mismo ang gustong sumuko.

“Okay.” Ngumiti lang ito sa kanya at pagkaraa'y pumikit na. Marahil ay napagod na ito kaya hindi na nakipag-argumento pa sa kanya.

Nang tuluyang makatulog ang asawa ay saka pa lamang kinuha ni Serene ang pinggan at inilapag sa lababo. Habang hinuhugasan niya iyon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga katagang binitiwan ni Eric. Kaya kasabay ng paglagaslas ng tubig sa gripo ay ang mabilis na pagtulo ng kanyang luha. Pilit niyang pinoproseso sa isipan ang maaaring mangyari. Pero kahit anong pilit niya sa sarili na tanggpin ang mga posibilidad na maganap ay hindi pa rin kaya ng kanyang damdamin na tanggapin na lamang iyon nang ganoon kadali.

Panay ang punas niya ng luha sa mata habang abala sa ginagawa. Mabuti na nga lang at mahimbing na ang tulog ni Eric kaya hindi na siguro nito mapapansin ang malalakas niyang hikbi. Pero kahit yata anong gawin niyang pagpahid sa luha ay nahihilam ang kanyang mga mata sa walang tigil ng pag-agos ng likido mula roon.

“Serene. . .” narinig niyang tinig mula sa kanyang likuran. Mabilis na pinahid ang luha bago hinarap ang nagmamay-ari ng boses.

“Evo, nandiyan ka pala. Kadarating mo lang ba?” tanong niya na hindi man lang magawang tingnan si Evo sa mga mata. Hindi dahil naiilang siya rito kung hindi dahil ayaw niyang ipahalata na galing siya sa pag-iyak.

“Kumusta na si Eric?” tanong nito sa kanya.

“Medyo umo-okay na siya. Kailangan niya na lang i-ready para sa chemoteraphy. Siguro mga three days bago kami umuwi,” paliwanag ni Serene.

“Ganoon ba?” ani Evo na tila hindi mapakali. Pero hindi iyon pinansin ni Serene.

“Bakit ka pala nandito?” tanong niya rito. Obvious naman na dumalaw si Evo pero sa pagkakaalam niya ay abala ito sa ginagawang project kaya nagtaka siya sa biglaan nitong pagdating.

“Actually, may gusto sana akong sabihin sa 'yo,” ani Evo. Halata ang pagkabalisa nito na para bang atat na sabihin ang gustong sabihin.

“Ano 'yon?” tanong ni Serene.

“P'wede bang sa labas tayo?” hiling ni Evo. Nagsalubong ang kilay ni Serene at bumakas ang pagtataka sa mukha nito. Ano ba iyong sasabihin nito at tila napakaimportante yata?

Walang nagawa si Serene kung hindi ang pagbigyan na lamang ang dating kasintahan. “Come with me,” utos niya.

Kaagad naman siyang sinundan ni Evo at nang makalabas na. Nakaharap ito sa kanya at para bang kinakabahan sa gustong sabihin.

“Serene. . . kasi. . .”

Pinalakhan na niya ng mata si Evo. “Evo, I have so many things to do. Kung sasayangin mo lang ang oras ko, you better go home!”

“Serene, mahal pa kita!” Nanlaki pa lalo ang mga mata ni Serene sa narinig. Pero bago pa man siya makapagsalita ay hindi na niya nagawa pang mailabas sa bibig ang salitang naiisip nang dumampi sa labi niya ang marubdob na halik ni Evo.

Hindi niya nagawang makagalaw sa kinatatayuan habang magkadikit ang kanilang mga labi. Ano ’tong nararamdaman ko?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon