Chapter 16

438 4 0
                                    

PANAY ang dutdot ni Stella sa phone niya. Halatang hindi siya mapakali at kanina pang balisa. Mabababanaag din sa mukha niya ang pag-aalala at bakas din na wala pa siyang gaanong tulog dahil sa nangyaring away nila ni Evo kagabi. Hindi niya alam kung saan hahagilapon ang asawa. Tinawagan na niya ang halos lahat ng kaibigan nito pero iisa lang ang sinasabi ng mga ito — hindi nila alam kung nasaan si Evo.

She was trying to call him again that night but still, he wasn't answering her call. Labis ang pag-aalalang naramdaman niya. Magkahalong pagsisisi at pangamba ang bumalot sa kalooban ni Stella. Sinisisi niya ang sarili sa inisip niyang nakikipagkita pa ang asawa niya sa dati nitong kasintahan. Nag-aalala rin siya dahil buong magdamag niyang tinatawaagan si Evo pero hindi pa rin nito sinasagot.

“Baka kung ano'ng nangyari sa kanya.” Pabalik-balik si Stella sa harap ng bintana ng kuwarto habang paulit-ulit na dina-dial ang phone number ng asawa. Alumpihit si Stella sa mga oras na iyon dahil wala siyang ideya kung saan hahanapin ang asawa. Nagri-ring naman ang phone nito pero hindi man lang sinasagot.

Maya-maya’y may kumatok sa pinto na naging dahilan para siya ay matigilan sa ginagawa. Kumabog nang mabilis ang kanyang dibdib sa pag-asang si Evo ang kumakatok kaya nagmamadali niyang tinungo ang pinto para buksan iyon. But to her surprise, it wasn't Evo.

“Mom, hindi pa ba tayo magbi-breakfast?” tanong ng anak na sumalubong sa kanya nang buksan niya ang pinto. Kinukusot pa ng dalagita ang mata at halatang bagong gising.

“Ah, yes! Magbibihis lang ako, anak. Tapos bababa na ako. You also should fix yourself first before we eat,” bilin ni Stella.

Iginala ni Leticia ang mga mata sa paligid ng silid ng mga magulang nito at tila nagtaka nang mapansing wala ang presensya ng ama. “Where’s dad?”

Hindi nagawang tingnan nang diretso ni Stella ang anak dahil sa tanong nito. Ayaw naman niyang isipin ng anak na may problema silang mag-asawa dahil alam niyang makakaapekto iyon kay Leticia.

“He’s in the office right now. Marami daw kasing aayusing trabaho kaya maaga siyang umalis. But he promised to go home early,” pagsisinungaling niya.

Ayaw man niyang magsinungaling sa anak ay wala siyang magagawa. Iyon lang ang tanging paraan upang hindi mag-isip ng kung ano-ano pa ang si Leticia.

Napabuntonghininga naman si Leticia sa narinig. “Dad as always,” walang gana nitong sagot. Bagsak ang balikat na naglakad palabas si Leticia. Hindi man lang nito nilingon ang ina.

Sa totoo lang, si Stella ang nasasaktan sa dismayang nararamdaman ng anak. Pero mas madidismaya ito kung sasabihin niya ang totoong dahilan kung bakit wala roon ang kanyang ama. Ilang buwan pa niyang nakakasama ang sariling pamilya ay puro problema na agad ang iniisip niya.

Mas mabuti pa sa kulungan, panatag ang loob niyang hindi mawawala sa kanya ang kanyang pamilya. Hindi tulad sa labas na malaya nga siya pero abot-langit naman ang kanyang pangamba na baka mawala sa kanya ang kanyang pamilya.

*****

“WHAT do you mean na hindi umuwi ang asawa mo kagabi?” gulat na tanong ni Lindsay habang kausap si Stella. Nagkita sila matapos ihatid ni Stella ang anak sa eskwelahan.

“Did you call him?” sabat naman ni Keeno.

Pairap na tumingin si Stella kay Keeno. “I called him multiple times. Halos mapudpod na nga ang daliri ko kakadutdot sa phone but it’s useless.” Isang mabigat na buntonghininga ang ibinuga ni Stella. “Hindi ko na dapat pinag-isipan siya nang masama. Hindi sana ito nangyari.”

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Lindsay.

“I thought she was with Serene yesterday. Hindi man lang kasi siya nagpaalam na gagabihin siya ng uwi. Tapos lasing pa siya noong umuwi.”

“Nagger ka rin pala, girl. Bakit kasi ganyan ka mag-isip,” ani Keeno.

“Eh, baka naman totoong magkasama sila,” segunda naman ni Lindsay.

“May proof ka ba, bakla?” Sa pagkakataong iyon ay sina Keeno at Lindsay naman ang nagtatalo.

“Wala.”

“Wala naman pala, eh,” wika ni Keeno sa kaibigang si Lindsay.

“But we all know na magkasama sa trabaho si Evo at Serene. So, may possibility nga na magkasama sila.”

“Kung sa bagay,” sang-ayon naman ni Keeno.

Natigilan ang dalawa nang mapansing tulala si Stella. Sabay na pumaling ang atensyon ng mga ito sa kaibigan na tila may malalim na iniisip.

“Girl, okay ka lang?” tanong bi Keeno.

Isang malalim na hangin mula sa dibdib niya ang ibinuga ni Stella. Maging siya ay naguguluhan sa mga nangyayari. Kung hindi niya sana pinaghinalaan si Evo, hindi sana ito umalis kagabi.

“Hindi ko alam. Ang hirap buoin ng pamilya ko pagkalipas ng dalawang taon. Ayaw ko namang mawala sa akin si Evo nang ganoon lang. Pero hindi naman maaalis sa akin na baka nga may ugnayan pa rin sila ni Serene.” Halata kay Stella ang bigat sa dibdib. Bilang isang ina at asawa, pakiramdam niya ay nag-uumpugan ang dalawang bato at siya ang nasa gitna. Tinitimbang niya kung saang anggulo ng buhay may-asawa siya p’wedeng lumugar. Baka kasi may pagkakataong nasasakal na si Evo kaya ganoon na lamang kung iwan siya nito.

“I need to be sure na hindi masisira ang pamilya ko. Siguro nga may mali rin ako kaya dapat kong itama ’yon.” Mabilis na tumayo si Stella sa kinauupuan at naglakad palabas ng restaurant.

“Stella, saan ka pupunta?!” sigaw ni Keeno na nagmamadaling sinundang si Stella. Kasunod naman niya si Lindsay na halos matapilok pa sa pagmamadali maabutan lang siya.

Sumakay si Stella sa sasakyan. Mabuti na nga lang at nakaabot sina Keeno at Lindsay bago pa niya sinimulang paandarin ang kotse. Walang ideya kung ang dalawa kung saan sila pupunta nang sandaling pinaharurot ni Stella ang oto iya.

“Girl, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Keeno na halos mapakapit na sa upuan ng kotse dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Stella.

“Girl, kung balak mong pumuntang langit, p’wede bang dito muna ako sa lupa?” pabirong wika ni Lindsat na nasa likod ng kotse.

“Gaga! Ano’ng langit? Sa impyerno ka pupunta!” angil naman ni Keeno.

“I need to be sure na walang sisira sa pamilya ko.” Matalim ang mga mata ni Stella. Kung saan man sila pupunta, hindi siya manggugulo. . . gusto lang niyang makasigurado.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon