Chapter 53

400 4 0
                                    

Five years ago. . .

“SAAN ka galing?! Bakit lasing ka na naman?! Nambabae ka na naman, ano?!” Sunod-sunod ang bulyaw ni Christian mula sa kanyang asawang si Janna. Paano'y umuwi na naman itong lasing na lasing. Gabi-gabi ay ganoon ang naging gawain niya simula nang malamang ikinasal na at may sarili nang pamilya ang babaeng matagal na niyang gusto — si Stella.

“Wala ako sa mood para makipag-away, Janna. Masakit ang ulo ko. Matulog na tayo,” saad niya habang pasuray-suray ang paglakad sa hagdan. Hindi niya inalintana ang nakabibinging sigaw ng asawa.

Janna was married to him because of their parents. It was a fixed marriage and everything was planned since they were a child. Walang nagawa noon si Christian dahil Chinese ang kanyang pamilya at kultura na nila ang ipakasal sa ipinagkasundo sa kanila kahit labag sa kalooban nila.

Naging masaya naman ang unang taon ng pagsasama nina Janna at Christian. Unti-unti na sanang natutuhan ni Christian na mahalin ang asawa pero nang matuklasan na ang ang babaeng dati niyang binalak na ligawan ay nagkaasawa’t anak na, bigla na lang nagbago ang lahat. Inaamin niya, nasaktan siya sa mga nalaman pero wala siyang nagawa. Kasalanan din naman niya kung bakit nagkaganoon. Hindi niya sinubukang magpakilala kay Stella at ligawan ito. Isa pa, siguradong hindi rin papayag ang mga magulang niya kung sakaling maging sila dahil simula pagkabata ay nakaplano na ang lahat na ipakasal siya kay Janna. Kaya pakiramdam niya ay walang silbi ang pagiging lalaki niya  dahil hindi niya naipaglaban ang totoong nararamdaman sa mga magulang simula’t sapul.

“Nambabae ka na naman ba?” Natigilan si Christian sa tanong na iyon ni Janna.

Nambabae? Simula nang maging mag-asawa sila ay hindi sumagi sa isip niyang mambabae. Oo nga’t may nararamdaman pa rin siya kay Stella pero kahit ganoon ay wala sa bokabularyo niya ang lapitan ito at magpakilala dahil may asawa siyang tao.

“Saan naman ba nanggaling ’yan, Janna?” inis na tanong niya.

“Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?” Halos pabagsak na ang luha sa mga mata nito habang nagbibitiw ng mga salita.

“Janna, you’re starting to be delusional. Hindi ako nambababae,” giit niya.

“Talaga ba? Kaya ba nagkaganyan ka dahil nalaman mong may iba nang pamilya si Stella.”

Yes. She knew Stella. Madalas kasi niyang ikuwento rito ang tungkol sa dati niyang nagugustuhan. Kaya hindi na naging lingid sa kaalaman ni Janna ang lahat.

“What?! Janna, puwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan? Masakit ang ulo ko ngayon at ang gusto ko lang ay matulog na,” saad niya.

“No. I'm not going to sleep with you anymore.”

“What do you mean?” Nagawi ang mga mata niya sa likod ng asawa at nakita ang mga maleta nito. “Where do you think you’re going?”

“Hindi mo na kailangang malaman.” Bago pa man siya makapagsalita ay agad na kinuha ni Janna ang kanyang mga maleta at lumabas ng bahay. Sinundan niya ito para sana pigilan pero nakasakay na si Janna sa kotse at walang habas na pinatakbo ang sasakyan.

Sa bilis ng pagpapatakbo ni Janna ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga ang sinasakyan nitong kotse sa poste. Sa lakas ng impact, nabasag ang unahang salamin ng sasakyan at tumalsik palabas si Janna.

“Janna!” Halos manlamig ang buong katawan ni Christian sa nasaksihan. Kitang-kita niya kung paano nawalan ng buhay ang asawa noong mga oras na iyon.

****

Ilang taon na ang nakalilipas subalit sariwa pa rin sa isipan ni Christian ang lahat. Kaya hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa mga nangyari. Walang araw at gabi na hindi niya naiisip ang trahedyang dumating sa huhay niya noon. Kasalukuyan siyang nasa harap ng puntod ni Janna at matamang tinititigan ang pangalang nakaukit sa batong marmol na nasa harapan niya.

“Parang kailan lang. . .” wika niya sa hangin. Alam niyang kahit wala na ang asawa ay naririnig pa rin siya nito kung saan man siya naroroon.

Hinubad niya ang suot na sunglasses at pinunasan ang mga matang kanina pa nababasa ng luha. Lumuhod siya sa puntod at hinaplos iyon. Hanggang ngayon ay minumulto pa rin siya ng nakaraan. Hindi niya mawaglit sa isipan ang mga eksenang nakita niya limang taon na ang nakalilipas. Sinubukan pa niyang itakbo sa ospital si Janna pero huli na ang lahat.

“I-I’m so sorry, Janna.” Garalgal ang boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon. “Gusto kong bumawi pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Sana ako na lang ang nandiyan at hindi ikaw,” saad pa niya. Kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata ang pangnginig ng kanyang labi. Pakiramdam niya'y sumisikip ang kanyang dibdib habang inaalala ang nakalipas.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya nagawang iahon ang sarili sa pagkakalugmok. Hindi niya alam kung saang parte ng katawan niya kukunin ang lakas para makatayo. Nang magawa na niyang pagaanin kahit paano ang sarili ay saka niya pinunasan ang mga mata bago muling isinuot ang salamin. Naglakad siya papunta sa sasakyan ngunit bago niya tuluyang iwan ang sementeryo sa muli niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng puntod no Janna. Napabuntonghinga pa siya bago pinaandar ang makina ng sasakyan at tuluyang pinatakbo iyon.

Ilang metro lang ang layo ng sementeryo sa resort kaya wala pang isang oras bago siya nakarating doon. May kailangan pa siyang ayusin na pagkakamali kaya hinanap niya kaagad ang taong dapat niyang makausap sa araw na iyon. Eksakto namang pagbaba niya ng kotse ay nasilayan niya kaagas ang babaeng dapat niyang kausapin. Kasama nito ang dalawa pa niyang kaibigan na bumababa ng hagdan. Nagbuga muna si Christian ng hangin upang palakasin ang kanyang loob sa gagawin. Walang halong pagdadalawang-isip ay nilapitan niya ang mga ito.

“Christian?” Tila nagulat ito sa bigla niyang paglapit. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman.

Tulad ng nakagawian, kapag siya’y nagpipigil ng galit o kaya naman ay labis ang kabang nararamdaman, itinatago niya ang kamay sa loob ng kanyang bulsa. Saka pa lamang niya nagawang sambitin ang kanina pa niyang gustong sabihin sa kaharap. “Stella, can we talk?”

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon