Chapter 58

437 3 0
                                    

MATAPOS ang halos isa’t kalahating buwan na paghahanda ay naganap na ang pinakahihintay na sandali ni Stella. Napuno ng bisita ang convention center ng hotel na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya. Magarbong dekorasyon, makikinang na mga kasuotan ng mga panauhin at masasarap na pagkain ang siya ngayong nasasaksihan niya. Walang pagsidlan ng saya sa dibdib si Stella habang pinagmamasdan ang napagtagumpayan. It was indeed a wonderful evening to celebrate.

Hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti habang nilalapitan isa-isa ang mga bisita. Sinasalubong siya ng mga ito ng pagbati. Naroon din ang mga magulang niya na umuwi pa galing America para lang dumalo sa nasabing pagtitipon. Kahanga-hanga rin ang orchestra na siyang nagbibigay buhay sa gabing iyon.

“Girl, I love it! Sobrang worth it lahat ng pinagpaguran natin,” natutuwang saad ni Keeno.

“I know, right?” segunda naman ni Lindsay.

“I’m so proud of you, guys. I can’t do this without you. And thank you for pushing me to do this,” saad niya sa dalawa.

Umarte naman ang dalawa na parang natutunaw ang puso sa kilig dahil sa mga sinabi niya.

“Ahh. . .  should I cry?” pabirong sabi ni Lindsay.

“Sige, para mabura ’yang makeup mo na halos isang oras ginawa,” singit naman ni Keeno.

Natatawa lang si Stella kung paano magbangayan ang dalawa sa harap niya. But the truth is, she was really happy with the help of her friends.

“Siya nga pala, bakit wala pa si Christian?” tanong ni Stella. Luminga-linga siya sa buong paligid at umaasang makikita ang hinahanap.

“Nag-chat siya sa akin. Baka daw ma-late siya nang kaunti dahil galing pa siya sa resort,” sagot ni Keeno.

“Ganoon ba? Sana naman, umabot siya bago ako magbigay ng speech.”

Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang asawa na mag-isang umiinom ng alak sa cocktail table. Halatang hindi ito masaya sa gabing iyon. Pero alam naman niya na ganoon ang magiging asal ni Evo kaya napangisi na lang siya. Wala naman kasi itong magagawa kung hindi ang dumalo sa launching event.

“Girls, iwan ko muna kayo,” paalam niya sa dalawa. Tumango lang ang mga ito bago siya naglakad palapit kung nasaan si Evo. Naramdaman naman nito ang presensya niya kaya napabuntonghininga na lang ang asawa. Hindi niga alam kung bakit sa tuwing malamig ang pakikitungo sa kanya ni Evo ay parang nasasanay na siya. Kubg dati ay parang tinutusok ang dibdib niya, ngayon ay tila nagiging manhid na siya.

“Can I just leave now? Mas gusto ko na lang matulog kaysa pumunta rito,” reklamo ng asawa.

Magkasabay na umangat ang isang dulo ng kanyang labi at ng kanyang kilay. “And you think, papayag ako? You stay here whether you like it or not.”

Evo took another sip of wine. “Okay, whatever.”

“Hindi ka ba natutuwa. I invited Serene to come here. Don’t you wanna see her?” ani Stella. Sa wakas ay napunta n sa kanya ang atensyon ni Evo nang sinabi niya na darating ang dati nitong kasintahan.

“What? You invited her? Why?” Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay may halong tuwa ang naiinis na tono ni Evo sa mga tanong na iyon na ipinukol sa kanya.

“Yes. Ayaw mo ba siyang makita?” tanong ni Stella na may nakakalokong ngiti sa labi.

Mabilis na hinablot ni Evo ang kanyang mga braso at hinila siya palapit. “What were you planning, Stella? Kung ano man ’yang pinaplano mo, huwag mo nang ituloy,” usal nito sa kanya habang matamang tinititigan ang mga mata niya.

“Relax. Wala akong plano. I just want to invite them para naman walang isipin ang ibang tao,” saad niya at bahagyang itinulak si Evo.

Matapos kausapin ang asawa ay bumalik na siya sa table kasama sina Keeno at Lindsay. Namataan naman niya ang pagdating ni Serene. As expected, ito lang ang nakapunta dahil may sakit si Eric.

Lalapitan sana niya ito ngunit bago pa man siya makahakbang ay nagsalita na ang emcee sa stage.

“Good evening, ladies and gentlemen. We are gathering here to witness the successful launching of Leticia’s Collection. And without any further adue, let’s welcome on stage the CEO of Leticia's Collection, Ms. Stella Villaflor-Dela Vega!” Masagigabong palakpakan agad ang sumalubong kay Stella at naglakad patungo sa stage.

Nakangiti siyang humarap sa mga bisita at hinawakan ang mikropono. “Thank you so much, everyone. You made this night very special to me. And I want to make this event a very memorable for us. Kaya hindi ko na patatagalin pa ang speech ko rito because I want to present to you. . . Leticia’s Collection!” Itinaas ni Stella ang kamay sa harap ng malaking monitor sa kanyang likuran at nagsimulang mag-play ang introduction video kung saan makikita ang iba't ibang disenyo ng mga alahas na sila mismo ang gumawa. Ngunit maya-maya lamang ay biglang naputol ang video at napalitan ng panibagong video kung saan makikita sina Evo at Serene na naghahalikan sa harap ng hospital room na pagmamay-ari mismo ni Eric. Napasinghap ang karamihan sa nasaksihan dahil sa pagkabigla. Sari-saring bulungan ang nangyari sa paligid.

Maging si Stella ay hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa napapanood niyang eskandalo. Hindi niya kayang makita ang lumalabas sa video kaya kahit nanginginig ang tuhod ay tumakbo siya palayo at hinabol naman siya nina Lindsay at Keeno.

Tinakpan ni Stella ang mukha dahil ayaw niyang makita ng mga tao na umiiyak. Panay ang hikbi niya nang makapasok sa ladies room kasunod ang dalawa.

“Stella, okay ka lang?” alo ni Keeno sa kanya habang hinahaplos ang likod. Ngunit ang iyak ni Stella ay biglang napalitan ng halakhak. Laking pagtataka ng dalawa sa biglaang pagbabago ng emosyon niya.

“Girl, are you crazy? Ano’ng nakakatawa sa nangyari?” nagtatakang tanong ni Lindsay sa kanya.

“They deserved it. Ngayon, tingnan natin kung sino ang mapapahiya.” Lingid sa kaalaman ng dalawa, sinadya niyang i-edit ang kalahati video at palitan ng CCTV footage ng ospital kung saan nakuhanang hinalikan ni Evo si Serene.

“You mean, sinadya mong gawin ang bagay na ito para isipin ng mga tao na may affair sina Evo at Serene?” hinuha ni Lindsay.

“Yes. Of course!” Proud pa siya sa mga sinabi niya. Nobody knows how far can Stella go. Kung nagawa niya ang bagay na iyon, ano pa kaya ang kaya niyang gawin sa mga susunod pa?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon