Chapter 56

410 3 0
                                    

“CAN we invite Evo and his family?” Why all of a sudden Eric thought of inviting his brother. Napaisip tuloy si Serene sa gustong mangyari ng asawa. She was not planning to invite them because of the conflict that happened a few days ago. Buong akala ni Serene ay galit si Eric sa kapatid nito pero sa mga nakikita niya, he’s really serious about it.

“Are you sure?” paninigurado niya.

“Do I look like I'm not serious about it?” Tanong din ang naging sagot nito sa kanya.

“N-No. I was just surprised you wanted me to invite them. I thought, galit ka kay Evo,” wika ni Serene.

Bumuntonghininga muna si Eric bago ngumiti sa kanya. “I was. But I realized, after all, he’s my brother.”

Alam ni Serene na hindi mapagtanim ng galit si Eric pero sa ganoong pagkakataon, hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Evo. Baka magpahatid na lamang siya ng invitation letter dito o kaya naman ay mag-email sa kanya para lang maimbitiahan ito. Sigurado naman kasing hindi niya kayang harapin si Evo kaya mas mabuting ganoon na lamang ang gawin niya.

Serene tapped Eric’s shoulder and said, “I will invite him. Don’t worry,” she assured.

“Thank you,” Eric said.

“Anything for you, Hon.” Binigyan nila ng matamis na ngiti ang isa’t isa na siyang nagbigay ng saglit na katahimikan. “You need to get ready. Maaga pa ang chemo therapy mo,” dagdag ni Serene.

“Sige.” Kaagad namang tumayo si Eric at kinuha ang kanyang towel bago nagtungo sa banyo para maligo.

Nang mapag-isa si Serene ay napapaisip pa rin siya sa gustong mangyari ni Eric. Hindi niya rin alam ang mangyayari oras na makaharap niya ito at ang asawa nitong si Stella. She needs to do something. Pero ano’ng gagawin niya? Sa gitna ng malalim na pag-iisip ay may biglang pumasok sa utak niya. She grabbed her phone and dialed a number.

“Hello, Felicity?” agad niyang bati nang sagutin ng kaibigan ang tawag.

“Girl, what’s up?” saad nito.

“Where are you? Are you in your office?” tanong niya.

“I have an early business meeting today. I’m heading to a restaurant. Why? Is there anything wrong?” Halatang nagmamaneho si Felicity dahil rinig na rinig niya ang tugtog ng speaker sa kotse nito.

“Ahm. . . can you do me a favor?” Napakagat si Serene ng pang-ibabang labi dahil sa hiya sa kaibigan. For the nth time, hihingi na naman siya ng pabor dito.

“Yeah, sure. What’s that?”

Nag-aalinlangan siyang sabihin ang mga sasabihin pero wala siyang magagawa kung hindi pakiusapan ang kaibigan sa nais niya sanang mangyari.

“Can you cover me up sa event?” she asked.

Ah. . . what?” Halata sa boses ni Felicity na naguguluhan ito kaya mas kailangan niyang ipaliwanag ang gusto niyang ipabatid at ang dahilan kung bakit kailangan niya itong gawin.

“Eric wants me to invite his brother.”

What? You mean, Evo? Seryoso ba? I thought they were not on good terms right now after the incident?”  Felicity asked.

“Iyon din ang akala ko. But just this morning, he asked me about it.”

Narinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ni Felicity sa kabilang linya. “All right. Let me see what I can do.”

Saka pa lamang nakahinga nang maluwag si Serene sa narinig. Matapos ang usapan ay saka pa lamang nagbihis si Serene para samahan si Eric sa ospital.

*****

“RELAX, I will not leave you.” Serene was holding Eric’s hand while doing the  infusion of medicine through his veins. Kitang-kita niya ang paminsang-minsang pagngiwi ng asawa dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi niya maiwasang mag-alala sa asawa sa tuwing mapapaangil ito sa kirot. Kaya hangga't maaari, hindi niya iiwan ang asawa kahit ano’ng mangyari.

“H-Hold my hand, Hon,” pakiusap ni Eric habang tinitiis ang mabilis na pagdaloy ng gamot sa kanyang mga ugat. Pakiramdam nito'y sasabog ang mga iyon ano mang oras. Pero alam nito na isa iyon sa epekto ng chemo therapy.

“Yes, relax ka lang. Kaya mo ’yan.” Serene was trying to cheer him up but how can she do that if she wasn’t that strong to see him in that agonizing situation. Agad niyang iniwas ang tingin sa asawa at ibinaling ang atensyon sa likurang bahagi niya para lang hindi makita ni Eric ang kanyang pagluha. Dinig na dinig niya ang paminsang-minsang pag-aray nito na hindi niya kayang pagmasdan. Hawak pa rin niya ang kamay ni Eric pero hindi niya itinutuon ang atensyon dito.

Ilang sandali lang ang nakalipas ay natapos din ang prosesong ginawa kay Eric. Pinatulog muna ito sa emergency room para kahit paano ay makapagpahinga ito. Habang pinagmamasdan niya ang natutulog na asawa ay napapaisip pa rin siya. Matatag ang loob ni Eric na mapaglabanan ang sakit na nararamdaman. Unang sabak pa lang iyon at alam niyang marami pang maaaring mangyari at pagdaanan sa mga susunod na araw kaya kailagan niya ring palakasin ang loob niya.

“Serene, can I talk to you in a minute?” Siya namang pagdating ni Franco.

Saglit niyang tiningnan ang asawa ba mahimbing pa ring natutulog.“Yeah, sure.” Agad niyang sinundan si Franco palabas ng emergency room.

“I need to discuss something with you,” wika ni Franco na seryoso ang tono. Kaagad na kinabahan ni Serene dahil nababasa niya sa mga mata nito na hindi maganda ang ihabalita nito sa kanya.

“A-Ano ’yon?”

Nagbuga ng mabigat na hangin si Franco sa kanyang dibdib at tila ba naluluha ito. “We have the result of his current condition. And. . .” Hindi magawang maituloy ni Franco ang sasabihin.

“And what?” Serene was being frustrated. Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman noong mga oras na iyon. Bakas sa mukha ni Franco ang pag-aalala sa kaibigan at halos mamula ang mga mata nito sa pagpigil ng luha.

“Serene, promised me not to leave beside him. Not even a single second, okay?”

“Franco, ano bang nangyayari? Please tell me what’s happening.” Nanginginig ang buong katawan ni Serene habang pingmamasdan si Franco.

“Serene, Eric’s condition is getting even worse.” Halos manghina ang tuhod ni Serene sa narinig. Habang tumatagal, lalong dumarami ang pagsubok sa buhay niya. Paano nga kaya niya kakaharapin ang dagok na iyon sa kanya?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon