Chapter 19

415 6 3
                                    

MAHAHALATA ang pagkabalisa sa mukha ni Evo nang makarating siya sa sariling pamamahay. Buong magdamag niyang inisip kung paano niya nagawang talikuran at hindi ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Serene noon. Mabigat sa dibdib na ang dating kasintahan ay muli niyang nakita pero kahit kailan ay hindi na mapapasakanya pang muli.

Ginugulo rin siya ng damdamin sa kung paano niya magagawang iwaksi sa isipan si Serene nang gabing makausap  niya ito at makadaupang-palad. Hawak man ang manibela ng kotse ay lutang naman ang isipan niya sa kung saan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit kahit saan siya lumingon ay mukha at mukha pa rin ni Serene ang nakikita niya.

“Bakit kasi sa dami ng lugar dito sa Maynila, sa hotel pa talaga kami nagkita?” tanong niya sa sarili.

Wala na sana siyang balak pang makipag-ugnayan pa kay Serene pero dahil nakiusap si Eric na siya ang humawak ng project na balak ni Serene ay hindi siya makatanggi. Kapatid na niya ang humiling kaya hindi na siya makahindi pa. Pero hindi niya inaasahan na sa nangyaring iyon ay tila ang tadhana na talaga ang nagtutulak upang magkaroon muli sila ng ugnayan. Una, kaibigan ni Serene ang isa pa niyang kliyente na su Felicity. Ngayon naman ay nagkita sila sa iisang lugar na hindi niya inaasahan. Paano niya magagawang iwasan ang dating kasintahan kung may mga insidenteng nagkikita sila nang hindi sinasadya?

Nang makarating siya sa bahay ay una siyang tumungo sa kusina. Kaagad siyang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig. Hindi niya maunawaan ang pagkauhaw na naramdaman matapos ang malalim niyang pag-iisip.

Siya namang pagpasok ng kanilang kasambahay sa kanilang kusina at nadatnan siya. “Sir, nand’yan na po pala kayo? Gusto n’yo po bang kumain? Ipaghahandan ko po kayo,” wika ng kasambahay.

“Hindi na, Manang. Busog pa ako. Ang Ma'am mo, nasaan?” tukoy nito kay Stella nang madatnang walang tao sa bahay kung hindi silang dalawa lang ng kasambahay nang dumating siya.

“Ah, inihatid po si Leticia sa school kasama po nina Sir Keeno at Ma'am Lindsay,” sagot ng kasambahay sa kanya.

“Gano’n ba? Ano’ng oras daw uuwi?”

“Hindi po sinabi, eh. Baka siya na rin po ang sumundo sa anak n’yo.”

Tiningnan ni Evo ang wrist-watch niya. Sa pagkakaalam niya ay dapat nakauwi na si Stella sa ganoong oras. “Baka namasyal pa silang magkakaibigan.”

“Baka nga po,” sang-ayon naman ng kasambahay.

“Anyway, akyat muna ako sa kuwarto. I need to take a shower. Aalis din ako dahil may kailangan akong asikasuhin sa office,” paalam niya sa kasambahay.

“Sige po, Sir.”

Mabilis na umakyat si Evo sa kuwarto. Agad din siyang naghanap ng susuotin dahil late na siya sa opisina. May mga meeting pa siyang dapat puntahan at kliyenteng dapat kausapin kaya hindi siya dapat magsayang ng oras.

Bumuhos ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Gusto niya ang mainit na temperatura ng tubig na siyang nakapagpapakalma sa kanyang isipan. Lantad ang kabuoan niya at walang kahit ano mang saplot na suot kung kaya’t kung sino man ang pumasok ay hindi lang ang mainit na tubig ang maglalarawan sa loob ng palikuran kung hindi pati na rin ang napakakisig na katawan ni Evo. Kahit sinong babae ay hindi mapipigilang makasiping ang isang tulad niya kung sakaling makasama siya sa iisang lugar at walang kahit anong kasuotang dala.

Ganoon ang naramdaman ni Stella nang madatnan ang asawang basang-basa at hindi namalayan ang kanyang presensya nang bukas nito ang pinto habang siya ay naliligo. He was wearing nothing but the water flowing on his body. Nagsimulang mag-init ang mukha ni Stella hanggang sa umabot ito sa buong katawan.

Para maibsan ang init na nararamdaman ay isa-isa nitong hinubad ang kasuotan at itinapon sa kung saan. Pero hindi iyon maiibsan dahil mas lalo pa itong nag-init nang pulgada na lang ang naging pagitan ng hubad nilang katawan. Hindi na nito napigilan ang sarili na hawakan ang balikat ng lalaking nakatalikod dito. Noong una ay nagulat pa si Evo nang maramdaman ang mainit nitong palad na siya naglandas sa kanyang dibdib at lumapat sa kanyang likod ang katawan nito.

Hinayaan ni Evo na damahin ng asawa ang kanyang matipunong dibdib. Pagkara'y dumampi sa kanyang kaliwang tainga ang mainit nitong labi kasabay ng isang bulong. “I missed you. . .”

Nahuli na agad ni Stella ang kiliti niya hanggang sa hinayaan na niyang halikan siya nito sa leeg. Pikit ang matang dinama ang mainit nitong halik at pinasinayahan ang kamay nito patungo sa kanyang kaselanan. Sa sandaling iyon ay tuluyan na ngang nawala sa sarili si Evo.

“S-Stop it, Stella. . .” Evo said but instead of following him, Stella continued what she was doing.

“What if I don’t like to stop?” Mukhang hindi matitinag si Stella. Walang habas na gumapang ang palad nito sa nagmamatigas niyang pag-aari. Buong tapang na hinawakan iyon at marahang pinadulas ang kanyang mga kamay na siyang lalong nagbigay na nakakaaliw na sensasyon.

Hindi na nagawa pang makakontra ni Evo nang marahas siyang itulak ni Stella at iharap sa kanya. Kitang-kita niya ngayon ang kabuuan ng asawa at ang kagustuhan nitong maangkin siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nanghihina siya sa tuwing gagawin iyon ni Stella. Para bang may kung anong enerhiya ang siyang nawawala sa kanyang katawan kaya hinahayaan niya lang ang asawa na gawin ang nais nito.

“Kiss me,” Stella requested.

Kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata ay ang paglapat ng mga labi nilang dalawa. Dinadaig pa ng mainit na apoy ang nakakadarang nitong halik. Nag-iinit ang damdamin at bawat haplos ng mga kamay sa kani-kanilang katawan ay tila ba nagkaroon ng sariling pag-iisip. Hindi na nila kontrolado ang sitwasyon dahil nalukob na sila ng nakakapasong emosyon.

Nang saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi ay ganoon na lamang ang pagkagulat ni Evo nang presensya ni Serene ang nakita niya sa halip na si Stella. Marahan niyang itinulak ang asawa at tila nahimasmasan.

“Why? What's wrong?” gulat na tanong ni Stella.

“S-Sorry. I will be late.” Kaagad na kinuha ni Evo ang bath-robe at isinaplot ang kanyang katawan. Hindi niya mawari kung bakit bigla na lang niyang nakita si Serene habang si Stella naman ang kasiping.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon