Chapter 30

446 5 0
                                    

HINDI na halos matanggal ang tingin ni Serene sa asawa simula nang magkamalay ito. Hindi na niya pinalagoas ang bawat sandaling iyon. Napanatag na ang kalooban niya dahil sa wakas ay gising na si Eric. Pero tulad nga ng sinabi ni Franco, kailangan pang obserbahan si Eric kaya hindi muna sila makalalabas ng ospital.

“Sorry, Hon, kung hindi ko sinabi kaagad sa iyo. Ayaw ko kasing mag-alala ka. . . kayo nina Evo,” wika ni Eric habang hawak ang kamay ni Serene.

“Hon, hindi mo dapat sisihin ang sarili. All we need to do now is to have faith na gagaling ka,” saad naman ni Serene.

“Paano kung hindi na ako gumaling? Paano kung—”

“Stop,” saway ni Serene sa mga susunod sana nitong pangungusap. “We will never let that happen. Wala akong pakealam kung maubos man ang pera ko basta ang mahalaga sa akin ay gumaling ka,” kompiyansang wika ni Serene. Ang tangi lang nilang magagawa sa ngayon ay magpakatatag at maniwala na malalagpasan nilang mag-asawa ang pagsubok na iyon.

“Hon, I’m just thinking about the possibilities. Kung sakaling mawala ako sa mundong ito, promise me that you will let someone love you again. Okay?” Eric said.

“No and it won’t happen. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin, Hon. Kaya please, fight for me.” Nabanaag sa mga mata bi Serene ang pakiusap sa asawa. Habang tinititigan siya nito, mas lalo niyang naramdaman ang awa. Noon lang niya napansin ang paglalim mata ni Eric dahil sa biglaang pagbaksak ng timbang nito. Hindi tuloy niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari. Kung sana'y napansin niya kaagad ang mga senyales na may sakit ito, siguro'y kahit paano ay naagapan nila ang paglala ng sakit ni Eric. Hindi sana mangyayari ang bagay na iyon sa asawa kung may ginawa na siya noon pa.

“Yes, Hon. I will,” he promised.

Ngiti lang nila sa isa't isa ang naging daan para kahit paano ay maging magaan ang mabigat na nararamdaman sa sitwasyon nila.

Siya namang pagpasok ni Franco sa loob ng kuwarto ni Eric. Tipid na ngiti ang isinalubong ng kaibigan nito. Halatang may lungkot pa rin sa mga mata ni guwapong doktor dahil sa nangyari sa kaibigan. Kahit sa kanya ay  mahirap din ang sitwasyon dahil hindi nito alam kung paano ba mapapagaan ang nararamdaman nang malaman at makita nito kung gaano naghihirap ang kaibigan.

“Kumusta pakiramdam mo?” unang tanong kaagad nito kay Eric sabay tapik sa balikat.

“Okay lang. Medyo masakit lang ang kalamnan ko,” sambit ni Eric.

“Natural lang ’yan,” wika ni Franco.

“Bakit ka nga pala nandito? Wala ka na bang clinic?” Dinaan na lang ng dalawang magkaibigan sa pormal na usapan ang lahat. Siguro marahil ay para hindi maalala ang mabigat na sitwasyon. Lalaki nga sila, itinatago ang bigat na nararamdaman.

“Wala na. Tsaka medyo toxic na rin sa E.R. kaya. . . tumakas muna ’ko,” sambit ni Franco sabay bulong sa huling tatlong salitang sinabi.

Mahinang napatawa naman sina Eric at Serene sa birong iyon ni Franco.

“You know I can fire you for what you did, Pare,” pabirong pagbabanta ni Eric sa kaibigan.

“But you won’t. Alam ko namang hindi mo kayang alisin ako rito,” sagot naman ni Franco.

Sa mga sandaling iyon ay nakalimutan nila kahit paano na may sakit si Eric.

Hindi pa man nakalilipas ang ilang minuto ay may dumating muli na hindi inaasahang bisita si Eric. Bumungad sa pinto si Evo kasama ang asawang si Serene at ang anak nila na si Leticia. Naunang pumasok si Evo at nilapitan ang kapatid.

“Eric, kumusta ka na?” Lahat na lang ng pumapasok sa kuwartong iyon ay palaging bungad ang salitang 'kumusta ka na'. Hindi malayong marindi si Eric sa mga katagang naririnig sa bawat bisitang pumupunta sa kanyang silid.

“Heto, nagpapalakas para maupakan ka,” pabirong wika ni Eric. Bahagyang natawa si Evo. Sa totoo lang, bawat salitang naririnig nila kay Eric ay nagpapahiwatig ng pag-asa.

Makikita sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman pero kahit paano’y kakikitaan naman ito ng pag-asa. Kung lumalaban si Eric sa malubhang sakit, dapat ay mapaglabanan din ng mga tao sa paligid nito ang mabigat na sitwasyon para sa kanila.

“Hi, Serene,” bati ni Stella kay Serene nang lumapit ito sa kanya. Nakipagbeso-beso at ngumiti pa sa isa't isa ang dalawa.

“Thank you for visiting us,” wika ni Serene.

“Hi, Tita.” Siya namang paglapit ni Leticia at nagmano. “We bring some fruits for Tito Eric. I hope this could help him to recover,” dagdag nito sabay abot ng basket ng prutas.

“Thank you, Leticia,” she said before she took the basket of fruits.

Bigla namang nag-ring ang phone ni Stella matapos ilagay ni Serene sa side table ang prutas na dala nh anak nito.

“Excuse me, I have to take this call,” paalam ni Stella.

“Sure.”

Pagkaaraa'y nagmamadaling lumabas si Stella. Marahil ay importanteng tawag iyon. Hinayaan nablang ni Serene si Stella at maya-maya'y nilapitan ang nag-uusap na magkapatid kasama si Franco.

“Boys, Evo, I want to tell you something,” wika ni Serene nang humarap siya kay Evo.

“What’s that?” tanong ni Evo.

Muli niyang tiningnan ang asawa bago sabihin ang susunod niyang kataga. “Naisip ko lang na baka p’wedeng i-delay muna natin ang launching. With Eric’s condition, hindi ko yata kaya munang i-handle lahat,” sagot ni Serene.

“Ha? Sayang naman,” may panghihinayang na sambit ni Evo. “Everything is ready. Baka biglang mag-back out ang ibang clients mo kung ide-delay natin ang launching ng business mo?”

Siya namang pagsingit ni Eric sa usapan. “Oo nga naman, Hon. Huwag mo akong alalahanin. Kahit may cancer ako, nagagawa ko pa rin namang makalakad,” pagsang-ayon ni Eric sa kapatid.

Hinawakan ni Serene ang kamay ng asawa. “Pero, Hon—”

“Hon, ituloy mo,” pagputol nito sa dapat sanang sasabihin niya at ipinatong ang isa pa nitong kamay sa ibabaw ng kamay ni Serene. “Matagal mo na ’tong pangarap. And I don't want you to mistook the chance just because I have this f*cking cancer. Just continue your passion,” he continued.

“Si Eric na ang nagsabi,” Evo said shrugging his shoulder.

“Okay. But promise me na bago ang launching, malakas ka na. Gusto ko, ikaw ang kasama ko sa araw na iyon, okay?” Serene said.

“Okay.” Ngumiti lang si Eric.

Ngayong nagkamalay na si Eric, nagkaroon na muli ng pag-asa ang lahat. Isa lang ang dapat nilang ihanda ngayong nalaman na nila ang tunay na kondisyon nito: iyon ay ang paghandaan ang masakit na pagdaraanan ni Eric sa gamutang magaganap.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon