Chapter 11

462 4 0
                                    

WALA na halos makitang posibilidad pa si Stella na magkabalikan muli sina Serene at ang asawa niyang si Evo. Sagrado ang kasal sa Pilipinas at hindi legal sa bansa ang divorce. Pero hindi pa rin siya makampante na umaaligid pa rin ang dating kasintahan sa kanyang asawa. Hindi rin niya lubos maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng construction firm sa bansa ay ang firm pa ni Evo ang napili niya. Kung sabagay, kahit naman siya ay pipiliing magtiwala kay Evo at sa kompanya nito lalo’t alam niyang numero unong pinagkakatiwalaan ng lahat ang Dela Vega Group of Companies lalo na ang DV Construction Incorporated na isa rin sa pagmamay-ari ni Evo.

“Mommy, are you okay?” Leticia asked when she noticed her mom was dumbfounded. Lumalagpaw lang kasi ang tingin niya sa malaking punong nasa harapan nilang mag-ina kung saan sila nakasilong.

“Yes, honey. I’m okay,” she lied.

Matapos kasi silang iwanan na lamang basta ni Evo para sa trabaho ay hindi niya hinayaang masayang ang araw na iyon para kay Leticia — itinuloy pa rin nila ang picnic kahit silang dalawa lang.

“You look so sad. Is there anything wrong?” It felt like she was trying to hide something with her daughter but Stella knows it is the best way for her Leticia to know nothing. Ayaw din naman niyang may pasanin ang mabigat na dinaramdam niya.

“No. Nothing. Don’t worry about me. Kumain ka lang diyan,” wika ni Stella.

Pero hindi na bata ni Leticia para pagsinungalingan pa niya. Kahit anong tago niya sa nararamdaman, mapapansin at mapapansin iyon ng kanyang anak.

“Is it because dad?”

Napabuntonghininga si Stella. Wala na siyang magagawa sa pagkakataong ’yon dahil halata na rin naman sa mukha niya ang mabigat na dinadala. “Leticia, honey, you’re dad and I are okay. May mga hindi lang kami pagkakaintindihan minsan pero inaayos naman namin. I will promise you, hindi na tayo magkakahiwa-hiwalay pa.”

Leticia hugged her tight and said, “Promise ’yan, ha?”

Hinaplos naman ni Stella ang likod ng nakayakap na anak. “Promise.”

Tumatak sa isipan ni Stella ang pangako sa sariling walang kahit na ano o sino ang makakasira sa kanyang binuong pamilya. Gagawin niya ang lahat para hindi mawala sa kanya ang asawa at anak.

“Ay! Pa-join naman kami d'yan!” Siya namang pagdating nina Keeno at Lindsay. Patiling nagsisisigaw si Keeno at tumatakbong nilapitan ang magkayakap na mag-ina. Ilang segundong yakapan ang naganap sa pagitan nilang apat.

“Salamat at dumating na kayo,” sambit ni Stella na pinipigilang tumulo ang luha.

“Ano ka ba, girl. S’yempre! Sino pa bang magdadamayan kundi tayo-tayo lang,” saad ni Lindsay sa kanya.

“Tsaka, isang tawag mo lang sa amin, darating kaagad kami. Remember, hindi kompleto ang powerpuff girls kung wala ang isa,” segunda naman ni Keeno sabay pumorma na ani mo’y superhero sa pelikula. Natatawa na lang ang tatlo sa ginawa ni Keeno sa harap nila.

“Sira ka talaga! Tara na nga rito. Umupo na kayo. Madami akong hinandang pagkain dito,” alok ni Stella sa dalawa.

Pasimple namang sinenyasan ni Keeno si Lindsay sa pamamagitan ng tingin lamang. Tila alam na nilang dalawa ang gagawin sa pamamagitan lamang ng pag-uusap ng kanilang mga mata. Matapos iyon ay inakbayan ni Lindsay si Leticia.

“Baby girl, parang gusto kong bumili ng ice cream? Can you come with me?” anyaya ni Lindsay sa inaanak.

“Sure po!” Magkasabay na tumayo ang dalawa mula sa pagkakaupo sa damuhan at patakbong pinuntahan ang ice cream parlor cart.

Nang maiwan na lang sila ni Keeno at Stella ay panandaliang katahimikan ang nanaig sa pagitan nilang dalawa. Hindi sanay si Stella na ganoon ang kaibigan kaya siya na ang unang nag-insist na magsalita.

“Salamat sa pagpunta,” sambit ni Stella na may lungkot sa mga mata. Pilit ang ngiti niya. Hindi niya kasi puwedeng ipakita sa mga kaibigan, lalong-lalo na sa anak, na mahina siya.

“Ikaw pa ba, girl!” Keeno was trying to cheer her up. Hindi niya maitatago sa kaibigan ang bigat ng nararamdaman. Tipid ang ngiting itinugon ni Stella. Hindi ito sanay na pinanghihinaan ng loob ang kaibigan. Noon lamang nakita ni Keeno ang pagbabagong naganap kay Stella. Kung dati-rati’y kapag nasasaktan ito ay lalo siyang nagiging matapang at gumaganti sa nanakit sa kanya, ngayon ay parang wala siyang balak na lumaban.

Bumuntonghininga si Stella bago nagsalita. “You know what I learned when I was inside?” sambit niya na nakatingin sa kawalan na inaalala ang mga bagay na natutuhan niya sa kulungan. “Natutuhan kong maging matatag sa lahat ng pagkakataon, iisantabi ang pagiging mapusok, at huwag magpadala sa bugso ng damdamin.”

“Wow! Ang lalim n'on, girl. I guess you’re a change woman now,” natatawang sambit ni Keeno. Naninibago ito sa naririnig mula sa kaibigan.

“Ikaw talaga! I just need to trust Evo. Walang mangyayaring maganda kung hindi ko siya uunawain. Trabaho n'ya ’yon,” paliwanag niya. Naintindiagan naman ni Keeno ang gustong niyang ipahiwatig sa mga sinabi. Kaya sa halip na makipagdiskusyon pa ay inakbayan na lamang niya ang kaibigan.

Kinagabihan, nang makauwi sila sa bahay ay walang Evo na nadatnan si Stella.

“Manang, umuwi na ba ang ser mo?” tanong ni Stella sa kasambahay na inabot ang dala niyang basket na naglalaman ng mga ginamit nila sa picnic.

“Hindi pa nga po, ma'am, eh.”

Laking pagtataka ni Stella. Sa pagkakaalam niya ay tapos na ang office hours sa mga oras na iyon. Kung nag-overtime man ito ay nagpaalam sana siya. Pero kahit text o tawag ay wala man lang siyang natanggap.

Apat na oras niyang hinintay ang kanyang asawa na pasado ala-una na ng madaling araw nang dumating. Hindi siya napansin nito dahil nasa madilim na sulok siya ng salas kung saan siya nakaupo at nag-aabang sa pagdating ni Evo.

Napansin ni Stella na tila nawawalan ito ng balanse sa paglalakad — senyales na nakainom ito. Kaya nang buksan ni Evo ay doon siya nagkaroon ng pagkakataon na kuhanin ang atensyon nito.

“Saan ka galing?”

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon