Chapter 50

477 5 1
                                    

“ARE YOU SURE ABOUT THIS, STELLA?” Keeno asked.

Wearing a see-through robe and revealing swimsuits inside, Stella confidently made her sensual pose upon the vanity mirror. Lumipas man ang napakaraming taon, hindi pa rin nagbabago ang alindog ni Stella. She could even turn everyone's attention with her aura.

“Why? Is there anything wrong?” she asked.

“W-Wala naman. I thought you’re not going to make this kind of thing anymore.” Keeno was pertaining to her modeling career a few years back. Stella made a promise to herself not to make any kind of activity that is connected in modeling. But here she is, working on it again.

“Girl, I have to do this. Kung walang gagawa nito, sino sa tingin n'yo ang p'wede?” she asked.

“Leticia can be one of our options,” Lindsay suggested.

“No,” she said.

“W-Why not? I mean, with her physique and gorgeous face like yours, she could even make it,” kompiyansang sagot ni Keeno.

“She’s too young for this. Ayaw kong pagpiyestahan ng kung sino-sino ang mukha ng anak ko,” diin niya habang inaayos ang sarili sa salamin.

“May point siya, bakla!” sabi ni Lindsay sabay hampas sa balikat ni Keeno.

"Aray! Girl, mamaya magkaka-points ka sa akin. Tara na nga! Madami pa tayong aayusin sa set!” Mabilis na hinatak ni Keeno si Lindsay palabas ng tent. Nang maiwang mag-isa si Stella ay ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng makeup sa mukha.

Hindi niya maiwasang mapatingin sa sariling repleksyon. Napaisp siya sa nangyayari sa buhay niya at sa pamilya niya. Lalong-lalo na sa relasyon nila ngayon ni Evo.

Maganda ka nga, pero kahit kailan, hindi ka minahal ni Evo. Parang sa iniisip pa lang niya, hindi na niya masabi sa sarili na kompleto na ang buhay niya. Nakuha nga niya ang gusto niya pero hindi naman niya nagugustuhan ang mga nangyayari kahit pa alam niyang nasa kanya si Evo. Nanumbalik muli ang tanong ni Christian sa utak niya. Hanggang    kailan mo gagawin ito para sa mo? Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo at ang mga taong nasa paligid mo?

Ang katanungang iyon ay hindi pa rin niya masagot hanggang ngayon. Wala kasi sa isip niya ang isuko ang lahat dahil lang mahal pa ni Evo si Serene. Hindi rin siya papayag na basta na lang masisira ang pamilya niya nang ganoong kadali. Wala sa bokabularyo niya ang salitang ‘pagsuko’. Kaya kahit ano mang mangyari, ilalaban niya ang sarili hanggang patayan. Para din sa anak niyang si Leticia ang lahat ng bagay na ginagawa niya.

Bilang isang ina, hindi niya hahayaang lumaki ang anak niya na hindi buo ang pamilya nila. Kahit mahirap, gagawa siya ng paraan.

Saka lang siya nagising sa malalim na pag-iisip nang biglang pumasok ang isa sa mga staff sa tent. “Miss Stella, start na po tayo in ten minutes.”

“Okay.” Pasimple lang niyang nginitian ang staff bago muling ibinaling ang sarili sa salamin. “Let’s do this” wika niya sa sarili bago nagbuga ng mabigat na hangin sa dibdib.

*****

“GUYS, what do you think here—” Natigalgalan si Keeno sa dapat sanang sasabihin nito. Nadako ang tingin nito sa kung saan at nalaglag ang hawak nitong mga larawan ng kanyang design.

Natulala ito at para bang nakakita ng kamangha-manghang bagay sa likod nina Lindsay at Christian.

“Keeno? Are you okay?” tanong ni Christian.

“Girl, ano na?” sita naman ni Lindsay.

Ngumuso naman si Keeno sa likod ng dalawa senyales na itinuturo nito ang nakikita. Sabay na pumihit ang atensyon nina Lindsay at Christian sa likuran at doon ay halos lumaglag ang panga ni Lindsay sa nakita habang si Christian naman ay para bang naging tuod sa kinatatayuan.

Lumabas mula sa tent si Stella suot ang red swimsuit nito at naglakad sa kinaroronan nila. Tila ba nagkaroon ng slow motion ang paligid ni Christian nang masilayan niya sa kauna-unahang pagkakataon si Stella na nakasuot ng ganoon ka-daring na damit — o kung damit pa nga bang masasbi iyon dahil halos kapiraso lang ang nakatakip sa mga maselang bahagi ng katawan niya. Tila nanuyo ang lalamunan ni Christian habang papalapit sa kanya si Stella.

“What do you think, guys? Is it okay?” Umikot pa si Stella sa harap nila. She’s only covering her body with uncovered see-through robe.

“You-are-so-gorgeous!” ani Keeno na pumipilantik pa ang mga daliri.

“Hindi pa rin talaga nagbabago ang sexyness mo, girl. I love it!” sang-ayon naman ni Lindsay.

“Of course!” she confidently said then took Christian’s attention. “Christian, are you okay?”

Saka pa lamang nabasag ang pananahimik ni Christian nang sa kanya na nakapukaw ang atensyon ni Stella. “Ye. . . yes!” Tila ba nagising ito mula sa malalim na pananaginip. “Shall we start?”

“Let’s go!”

By the way. . . you look so gorgeous,” sambit ni Christian bago nagpunta sa location na siyang nagpabilis ng tibok ni Stella. Pero bago pa siya mawala sa ulirat ay sinundan na niya ang tatlo.

Matapos ang naging usapan ay saka nagsimula ang photoshoot. Iba't ibang pose ang ginawa ni Stella habg suot ang mga alahas. Those jewelries are meant to use for summer outfit kaya hindi kataka-takang bumagay ito sa konsepto at kasuotan ni Stella. All eyes were glued on her while doing her experties. Hindi pa rin talaga lumipas ang taglay na alindog ni Stella.

Hapon na nang matapos ang photoshoot. Napagod ang lahat pero sulit naman ang pinaghirapan nila dahil napakaganda ng mga litratong nakuhanan at tiyak na papatok iyon oras na maisapubliko na sa madla. Hindi pa man nakakaalis ang lahat ay nauna nang bumalik si Christian sa kanyang hotel room. Subalit hindi niya inaasahan na habang naglalakad siya sa corridor ay nakasalubong niya si Evo. Hindi niya alam kung babatiin niya ba ito o magsasawalang-kibo na lamang.

Habang naglalakad siya patungo sa kanyang kuwarto ay diretso lang ang tingin niya. Kahit lingon man lang kay Evo ay hindi niya ginagawa. Para saan pa? Hindi nga siya nito kinakausap hanggang sa makarating sila sa resort o kahit tanguan man lang sana siya. Pero iba yata ang trip nito ngayon dahil kitang-kita niya na hinahabol siya ng tingin no Evo.

Isinilid na lamang niya ang kamay sa kanyang bulsa dahil sa ganoong paraan ay mapapakalma siya. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.

“Are you in love with my wife?” tanong ni Evo.

Kumunot ang noo ni Christian sabay lingon kay Evo. “What do you mean?”

Napaismid si Evo at binigyan siya nang kaduda-dudang ngisi bago ito lumapit sa kanya. “Lalaki ako. Alam ko kung paano tingnan ng lalaki ang babae. Kaya kung ako sa iyo, pare, sabihin mo lang kung in love ka sa asawa ko. Baka magawan pa natin ng paraan.”

Was it a deal or a joke? 

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon