Chapter 36

399 3 0
                                    

MABABAKAS sa mukha ni Evo ang pagkakalmado nang makababa siya ng hagdan. Kahit paano'y nakatulog pa siya ng isang oras matapos kainin  ang agahang inihanda sa kanya ni Stella. Binawi ni Evo ang lakas sa pamamagitan ng saglit na pag-idlip upang tuluyang mawala sa sistema niya ang espirito ng alak. Kaagad siyang nagtungo sa kusina at unang nadatnan ang kasambahay na noo’y naghuhugas na ng pinagkainan. Binilin sa kanya ni Stella na siya ang maghahatid kay Leticia sa araw na iyon. Mabuti na nga lang at alas-otso pa ang pasok ng dalagita kaya kahit paano'y nakapagpahinga pa siya.

“Gusto n'yo po bang ipaghanda ko kayo ng pagkain, Sir?” alok ng kasambahay sa kanya.

He shook his head. “Hindi na, Manang. Kape na lang,” sagot niya.

Agad namang tumalima ang kasambahay nila at ipinagtimpla kaagad siya ng kape. “Ito na po ang kape n'yo, Sir.” Amoy na amoy niya ang bangong dala ng kape sa harap na inilapag ng kasambahay. Kung may bagay na nakapagpapakalma sa kanya, iyon ay ang aroma ng mainit na inumin sa umaga.

“Ipinalinis ko na ang kotse. You will use our family car,” siyang wika ni Stella nang pumasok ito sa kusina at mapansin siya.

“What? Why do I need to use that?” he asked referring  to their black Toyota fortuner. Iyon ang madalas nilang gamitin kapag may pinapasyalan silang lugar. Pero kapag normal na lakad lang tulad ng paghahatid sa anak sa eskwelahan ay either kotse ni Evo o ni Stella ang ginagamit.

“Kasama mo si Manang sa paghahatid kay Leticia,” pahayag ni Stella.

Mas madali nga namang gamitin at mas maluwag ang sasakyang iyon kumpara sa mga private vehicles nila. Pero bakit kailangang kasama pa ang kasambahay sa paghahatid?

“Hindi na kailangan. Kaya ko namang ihatid si Leticia nang ako lang,” kontra ni Evo.

“No. Kapag sinabi kong kasama si Manang, kasama siya,” pagmamatigas ni Stella. Naging matiim ang pagkakatitig nito sa kanya na tila sinasabing may bantay dapat siya para hindi makapunta sa kung saan-saan.

“Fine! Pero hindi siya p'wedeng sumama sa akin papuntang opisina,” ani Evo.

Wala siyang magagawa sa gusto ni Stella. Pero hindi niya ginagawa ang bagay na iyon dahil nasindak siya sa asawa. Naisip na rin kasi niya na bihira niyang maihatid ang anak sa eskwerlahan nito kaya kukuhanin na rin niya ang pagkakataong iyon para sa anak.

“Hi, Mom. Good morning,” bati ni Leticia nang lapitan nito ang ina. Napansin niya na sinenyasan ni Stella si Leticia na batiin din siya. Hindi niya rinig ang mahinang usapan ng dalawa pero halatang may ipinipilit si Stella na gawin ng anak.

Maya-maya lamang ay nilapitan na rin siya ni Leticia at hinagkan siya. “Good morning, Dad,” walang gana nitong bati sa kanya.

“Good morning, Baby,” bawi niya pero sa halip na masiglang ngiti ang ibigay ng anak ay dumiretso lang ito sa upuan. Nakahanda na ang pagkain nila  pero si Evo ay pinili na lang humigop ng kape dahil nabusog na rin naman siya sa kinain kanina.

Matapos ang agahan ay kaagad na ihinanda ni Evo ang sasakyan. Kasabay ni Leticia ang kasambahay habang dala nito ang bag at librong gamit sa eskwelahan.

“Sumakay ka na. Ako nang bahala sa gamit mo,” sambit ng kasambahay bago sumakasy sa sasakyan si Leticia.

“Thank you, Manang,” ani Leticia.

“Baby, be a good girl. Okay?” bilin naman ni Stella sa anak bago ito hinalikan sa pisngi.

“Yes, Mom. I promise.”

“Let’s go.” Kaagad na pinaatakbo ni Evo ang sasakyan na wala man lang paalam na ginawa kay Stella. Para saan pa kung ang tangi na lang dahilan ng kanilang pagsasama sa iisang bubong ay ang kanilang anak?

Habang tinatahak ang daan papunta sa paaralan ng anak ay tahimik lang ang buong biyahe. Sanay naman si Evo na tahimik lang si Leticia pero ibang klase ang pagiging tahimik nito noong mga oras na iyon: katahimikan na tila ba may malamig na pakikitungo. Sa pagkakataong iyon ay napilitan na siyang magbukas ng usapan para lang mabasag ang nakabibinging katahimikan.

“How's your school?” tanong niya.

“Fine,” tipid na sagot ni Leticia. Wala ring gaanong gana ang tono nito nang sambitin ang nag-iisang salitang binitawan.

“Where do you want to eat after class? My treat,” alok niya. Baka sakaling ganahan itong kausapin siya kung sakaling anyayahan niya itong kumain sa labas.

“It’s up to you, Dad.” Sa mga tipid na sagot na nakukuha niya mula kay Leticia, nangangahulugan lang iyon na may sama ito ng loob sa kanya.

Hindi na lang siya nagsalita pa pagkatapos niyon dahil baka siya naman ang sumama ang loob kung sakaling magpatuloy ang malamig na trato ng anak sa kanya.

“Dito na po ako,” wika ni Leticia bago pa man makalapit sa gate ng school nila. Kaagad namang inapakan ni Evo ang preno pagkasabing-pagkasabi niyon ng anak. “Manang, give me my things,” utos nito sa kasambahay bago ito bumaba ng sasakyan.

“Sansali lang, sasamahan kita.” Akmang bababa pa sana ang kasambahay pero kaaga na isinara ni Leticia ang pinto ng sasakyan. Hindi man lanh nito nagawang makapagpaalam sa kanya bago ito bumaba ng sasakyan.

Nagulat na nga lang din ang kasambagay sa inasal nito. Wala namang nagawa si Evo kung hindi ang hayaan na lang ang anak. Lilipas din ang tampo nito sa kanya. Kailangan lang niyang bumawi.

Pabalik na ng bahay si Evo kasama ang kasambahay nila. Pero naisip niya na kailangan niyang kausapin si Serene para sabihin na may nararamdaman pa siya rito. Pero paano? Kasama niya si Manang na siguradong pinakiusapan ni Stella para bantayan siya.

Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano matatakasan ito. Kaya saglit niyang itinigil ang sasakyan sa isang convenience store para ituloy ang naisip na pagpuslit.

“Manang, pakibili nga ako ng mineral water diyan sa loob, may kailangan lang akong tawagan.” Kunwaring inilabas ni Evo ang cell phone at umarteng may dina-dial.

“Sige po, Sir.” Nagbigay siya rito ng pera para lang maniwala na may gusto talaga siyang ipabili.

Hinintay niyang makapasok sa loob ang kasambahay bago niya pinaharurot ang sasakyan palayo. Hindi na niya kaya pang itago ang nararamdaman. Kailangan na niyang sabihin kay Serene na mahal pa rin niya ito. Hindi niya sasayangin ang oras para lang mailabas kung ano talaga ang tunay na damdamin niya para sa dating kasintahan.

Ngunit ang tanong ay. . . ganoon pa rin kaya ang nararamdaman ni Serene para sa kanya kahit si Eric ang napang-asawa nito?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon