Chapter 24

385 6 0
                                    

“IKAW?!”

Sabay na nalaglag ang panga ni Stella at ng lalaking kaharap matapos magtama ang kanilang mga mata. Napatda ang kanyang paningin sa pamilyar na mukha. Kasabay niyon ay nagsalubong ang kanyang kilay dahil ang lalaking kaharap ay ang lalaking kanina lamang ay kanyang nakaalitan sa daan — si Christian.

“Wow! Are you stalking me?” tanong ni Stella sa kaharap.

“What?!” gulat na saad ni Christian. “What made you think that I'm stalking you?!” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

“Eh, bakit ka nandito?”

Mapakla ang naging ngiti ni Christian. Hindi nito akalaing matapos niyang matapunan ng kape ito ay siya pa ang galit.

“Ganyan ka ba talaga ka-rude? I’m the one who supposed to be mad at you because of what you did pero ikaw pa ’tong may ganang magalit?” bulyaw ni Christian.

“Well. . .  you deserve it. Masyado ka kasing mahangin, uminom ka ng kape para kabahan ka naman,” Stella said with confidence. Mukhang sa pagkakataong iyon ay nakahanap si Stella ng katapat sa pagkatao ni Christian.

“Unbelievable.”

Siya namang singit ng dalawang kaibigan ni Stella nang mapansin na ang komosyon.

“Excuse me, what’s happening here?” sabat ni Keeno.

“Heto kasing mokong na ’to. Ayaw tumingin sa dinadaanan. Natapon tuloy sa kanya ang coffee ko,” sumbong ni Stella sa kaibigan.

“Aba at ako pa talaga—”

“Oh my God! Mister Belmonte?” Siya namang putol ni Lindsay sa dapat sanang sasabihin ni Christian.

“You know him?” tanong ni Stella. Gulat din si Keeno sa naging reaction ni Lindsay matapos makita ang kaalitan ni Stella.

Kaagad na hinila ni Lindsay ang dalawa sa gilid at hinawakan ang leeg nila.

“Ano ba kayo? Siya ang may-ari ng café na ito. Isa rin siya sa target investor ko for our business,” usal ni Lindsay sa dalawa. Sapat lang ang lakas ng tinig niya para silang tatlo lamang ang magkarininigan.

“What? Bakit siya?” angil ni Stella.

“Girl, mayaman si Mister Belmonte. Maraming branches itong café niya all over the country. Hindi lang halatang mayaman dahil simple lang siya manamit at madalas, naka-bike lang kapag pupunta rito,” paliwanag ni Lindsay.

Pasimple namang sinulyapan ni Stella si Christian na kasalukuyang pinupunasan ang nabasa niyang damit gamit ang tissue paper na ibinigay sa kanya ng crew. Nang saglit na napatingin sa kanya si Christian ay mabilis niyang ibinalik ang tingin sa dalawa. Napakagat siya ng labi at napapikit dahil nakaramdam siya ng hiya sa ginawa. Pero bilang hindi naman siya ang klase ng tao na may paninindigan ay hindi niya dapat basta ipakita rito ang pagpapakumbaba.

“Girl, mag-sorry ka na lang,” segunda ni Keeno.

“Oo nga, girl,” pagsang-ayon naman ni Lindsay.

“Bakit ako magso-sorry? Eh, siya naman itong ayaw tumingin sa dinaraanan. In fact, siya ’yong lalaking sinasabi ko sa inyo na antipatiko,” pahayag ni Stella.

“Girl, p’wede bang kahit isang beses ay ibaba mo ’yang pride mo? Kahit ngayon lang,” sambit ni Keeno.

“Oo nga. Para rin naman ito sa atin,” untag ni Lindsay.

Mukhang sa pagkakataong iyon ay wala siyang magagawa kundi ang sundin na lang ang kagustuhan ng dalawang kaibigan.

“Fine. Fine. Pero after this, siguraduhin ninyong mag-i-invest sa atin ang mokong na 'yan, ha?” may pandudurong wika niya sa dalawa.

“Ako'ng bahala,” kompiyasang sagot ni Lindsay sabay kindat.

Matapos ang masinsinan nilang pag-uusap ay nilapitan nilang tatlo si Christian. Halos mayupi na parang lata ang postura ni Stella habang papalapit sa lalaki.

“What? May sasabihin ka pa ba?” ani Christian na mataas pa rin ang tono.

Gustuhin man ni Stella na bulyawan din ito ay wala siyang magagawa dahil sa kahilingan ng dalawang kaibigan. Ngayon lang niya ibaba ang pride niya dahil sa hiling nina Keeno at Lindsay.

“I just want to say sorry sa mga nasabi ko kanina. Magkano ba 'yang polo mo? Papalitan ko na lang para makabawi ako,” malumanay ang tonong wika ni Stella. Sa unang pagkakataon, nagawa niyang magpakumbaba sa harap ng napakaraming tao.

Napaismid si Christian sa tinuran niya. Tila ba biglang nagbago ang ihip ng hangin. “Do you really mean it?”

Pigil na pigil si Stella na huwag magsalita ng masama sa kausap dahil sa narinig. Paanong hindi kukulo ang dugo niya? Siya na nga itong humihingi ng pasensya at nagpapakumbaba, nagdududa pa ang lalaking kaharap.

“Yes.” Iyon lang ang tanging nasambit niya para lang hindi kumawala ang mga salitang kanina pa niya gustong isampal sa kaharap.

“Okay, I will accept your apology in one condition,” sabi ni Christian.

Doon na nagsimulang maghurumentado si Stella. “What?! Sincere ako sa paghingi ko ng sorry, ha? Tapos bibigyan mo ako ng kondisyon? Okay ka lang?”

“Ano ba, Stella? Kumalma ka nga,” saway ni Lindsay.

“Paano ’ko kakalma? Tell me?” tanong niya sa kaibigan. “You know what? I don't care if you didn’t accept my apology. Basta nag-sorry na ako. Tapos!” pagtatapos ni Stella na akmang aalis na.

“No wonder walang lalaking nagmamahal sa iyo, you’re still being selfish,” pahabol ni Christian na naging dahilan kung bakit bigla na lang natigilan si Stella sa balak niyang pag-alis na lang basta.

Muli niyang hinarap si Christian na halos umusok na ang ilong sa galit. “Nakikita mo ba ’to?” Itinaas niya ang kamay kung saan nakasuot ang kanyang wedding ring. “I’m already married. Kaya huwag mong sabihin sa akin na walang lalaking nagmamahal sa akin dahil may asawa na ako at kasal na kami.”

“It’s just a wedding ring. How would you prove to me that the man you married loves you so much?” Tila sinampal si Stella ng katotohanan sa mga narinig. Pero kaakibat ng mga salitang tumama sa kanya ay isang sampal din ang ipinukol niya kay Christian.

Lahat ay nagulat sa nangyari at nakakuha ng atensyon sa mga taong naroroon. “How dare you to say that?”

Nakapaling man sa kaliwang bahagi ang mukha ni Christian dahil sa lakas ng paglakasampal ni Stella ay hindi parang wala lang nangyari. Sa halip na masaktan ay napangisi pa ito.

“Hindi ka pa rin nagbabago. You’re still that girl twenty years ago,” wika ni Christian.

Nagsalubong ang kilay ni Stella sa narinig. Twenty years ago? Sino siya at bakit sinasabi niya ang bagay na iyon kay Stella.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon