Chapter 31

389 4 0
                                    

“HELLO, girl. Bakit ka tumawag?” Iyon kaagad ang tanong ni Stella nang makalabas siya ng kuwarto ni Eric.

Hindi niya inaasahan ang phone call ng kaibigang si Keeno kaya lumabas muna siya para hindi maabala ang mga tao sa loob kung sakaling pagalitan niya ang baklang kaibigan kung sakaling walang kuwentang bagay lamang ang sasabihin nito.

"Girl, may gustong kumausap sa iyo,” tugon ni Keeno sa kabilang linya.

“Sino naman?” Narinig na lamang niya ang pamilyar na boses na kasama ni Keeno na nagpasalamat. Marahil ay inabot na ng kaibigan dito ang phone. Ni hindi man lang sinabi ni Keeno kung sino ang gustong kumausap sa kanya kaya wala siyang ideya kung anong isasagot niya rito.

“Hello, Madam Sungit,”  wika ng isang lalaki sa kabilang linya. Pamilyar ang boses nito at hindi maaaring magkamali si Stella kung sino ang taong iyon base sa tono ng pananalita nito at sa pagtawag nito sa kanya.

“Ano'ng kailangan mo, Christian?” Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya habang kausap ang taong kinaiinisan niya. Hindi niya alam kung ano'ng pakay nito at kinutsaba pa si Keeno para lang matawagan siya. Hindi niya kasi ibinigay ang phone number dito kahit pa nagkaroon na sila ng agreement na magkakaroon sila ng partnership sa itatayo niyang jewelry store.

“Wala naman. I just want to know kung kumusta ka na? Kailan mo balak mag-sorry sa akin?” ang tila may pagkasarkastikong wika ni Christian.

“Christian, I don't have time for your cliché jokes. Marami akong ginagawa ngayon kaya p'wede ba, tigilan mo 'ko?” Naningkit ang mga mata ni Stella sa inis. Nasa pagkatao yata talaga ni Christian ang maging arogante at hindi marunong magseryoso sa buhay.

"Oh. . . relax. Iyong wrinkles mo, lumalabas hanggang dito sa café ko,” natatawang sambit ni Christian. Kung nasa harapan niya lang siguro ang lalaki, malamang ay kanina pa niya ito nasampal o ’di kaya naman ay nasipa sa maselan nitong parte para tigilan siya.

“Tumawag ka lang ba para inisin ako? Kung oo, good bye!” Akma sanang ibaba na ni Stella ang linya nang biglang magsalita si Christian.

“Napirmahan mo na ba ang kontrata?” tanong nito.

Napaisip si Stella sa sinabi ni Christian. Wala siyang naaalala na may dapat siyang pirmahan na kontrata. “What contract?” nagtataka niyang tanong.

“I thought they sent it to you already. Kailangan ko na ang contract agreement para ma-process na ng abugado ko ang lahat.”

Sakal lang niya naalala na may na-recieve nga pala siyang email nitong isang araw lang mula kay Keeno. Marahil ay iyon ang tinutukoy nito na kailangan niyang pirmahan.

“Oh! I remember. Sorry, hindi ko pa kasi nababasa ang contract kaya hindi ko pa napipirmahan. But as soon as I read it, I will immediately send it to you,” sagot niya.

“You better sign it. I need it urgently,” saad naman ni Christian. Napataas na lang ng isang kilay si Stella sa inasal ng kausap. Sa tono ng pananalita nito, parang kasalanan pa niya na hindi niya napirmahan agad ang hinihinigi niyang dokumento.

“Okay. I will.” Stella doesn't want to argue with him. Mas may kailangan siyang asikasuhin kaysa makipagbangayan kay Christian. Agad naman niyang pinatay ang phone bago pa makasagot ulit si Christian sa kabilang linya.

Nagkuyom ang kamay niya dahil doon. Hindi niya akalaing si Christian lang ang makapagpapataas ng dugo niya sa tanang buhay niya. “Nakakainis talaga!” angil niya.

*****

“PAHINGA ka na muna, Hon,” bilin ni Serene sa asawa matapos niya itong pakainin. Mahina pa rin ang katawan no Eric kaya todo alalay siya sa asawa.

“Thank you, Hon,” may ngiti sa mga labing saad ni Eric bago ito humiga sa kama. Tinulungan ni Serene si Eric na maiayos ang katawan nito sa pagkakahiga at paulit-ulit na hinaplos ang buhok hangang sa tuluyan na itong makatulog.

Nang mapansin niyang malalim na ang tulog ni Eric ay saka siya pumunta sa table para magtimpla ng kape. Habang nagtitimpla siya ng kape ay siya namang lumapit si Evo sa kanya.

“Ang suwerte ni kuya sa iyo,” wika nito.

Ngumiti lang si Serene sa sinabi ni Evo. “Ako ang suwerte sa kanya,” sagot ni Serene.

Siya namang pagsingit ni Leticia sa usapan ng dalawa. “Excuse me, Dad, Tita. Can I go to the washroom?” paalam nito sa kanilang dalawa.

“Yeah! Sure!” sagot ni Evo at tumango lang si Serene. Naiwan na lang silang dalawang nagbabantay roon.

“Ang galang naman ng anak mo. Mukhang naging maganda ang pagpapalaki n'yong dalawa ni Stella sa kanya,” pahayag ni Serene bago humigop ng kape.

“Ganoon din naman siguro ang gagawin ko kung sakaling tayong dalawa ang nagkaanak.” Halatang nagulat si Serene sa mga sinabing iyon ni Evo. Muntik pa siya masamid ng iniinom na kape sa mga narinig nitong tinuran ng dating kausap.

“Evo, can we just don’t talk about it anymore. Baka kung ano’ng isipin ni Eric,” suway niya rito.

“I'm just saying, kung sakaling tayo ang nagkatuluyan, magiging mabuting ama rin naman ako sa mga anak natin,” he said.

“Evo–”

“Bakit, Serene? Kahit kaunti ba, wala ka nang nararamdaman sa akin?” tanong ni Evo sa kanya. Iyon ang tanong na madalas niyang iwasang sagutin at nanggaling pa talaga kay Evo.

“Evo, ano bang sinasabi mo?” saad ni Serene. Hindi niya magawang lingunin si Evo dahil alam niyang hindi niya masasagot ang tanong na iyon . . . sa ngayon.

“Just answer my question. Oo at hindi lang naman ang sagot,” pagpupumilit ni Evo sa kanya. Pero hindi pa rin niya ito magawang tingnan sa mata o kahit harapin man lang.

“Oo, wala na akong nararamdaman sa iyo,” sagot niya pero nakatalikod pa rin kay Evo.

“Bakit hindi ka makaharap at matingnan ako sa mga mata ko?” tanong nito.

Doon pa lamang siya nagkalakas ng loob na humarap sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay naramdaman ni Serene ang mabilis na pagdagundong ng kanyang dibdib. Noon lamang muling nagkalapit ang kanilang mga mukha at nagkatitigan sa mga mata ng isa't isa.

“Now. . . answer my question, Serene?” Bahagya pang lumapit si Evo sa kanya. Ilang pulgada na lang ay magdidikit na ang kanilang mga ilong. “Do you still love me?” Napakapit si Serene sa mesa.

“Serene? Evo?” Siya namang pagpasok ni Stella at nadatnan silang dalawa sa ganoong sitwasyon.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Stella sa nakita niya?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon