Chapter 48

413 5 0
                                    

"HANGGANG kailan mo gagawin ito para sa mo? Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo at ang mga taong nasa paligid mo?"

Ang tanong na iyon ni Christian ay naging paulit-ult sa isipan ni Stella. Ni hindi nga siya pinatulog ng katanungang iyon kaya habang nasa set siya ng photoshoot ay tahimik lang siyang nakaupo sa folding chair habang ang iba naman ay abala sa mga nakatokang trabaho sa kanila.

Napansin naman siya ng dalawa niyang kaibigan na siyang takang-takang nilapitan siya.

“Girl, okay ka lang?” tanong ni Keeno.

“Oo nga, girl. Kanina ka pa tahimik. And you look so tired don’t tell me hindi ka pinatulog ni Evo kagabi dahil —”

“Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo, Lindsay,” awat ni Stella sa dapat sanang sasabihin ng kaibigan. “Walang nangyari dahil sa sasakyan siya natulog kagabi,” paglalahad ni Stella.

“Oh my God! Seriously?” tanong ni Keeno.

“Bakit?” dagdag ni Lindsay.

“We had a fight last night. She was trying to call Serene,” kalmadong sambit ni Stella pero halos mag-apoy na sa galit ang dibdib niya. Hindi niya lubos maiisip na sa harap pa talaga niya gagawin ang bagay na 'yon. Pero dahil trabaho ang ipinunta nila roon ay minabuti na lang niyang huwag na munang palalain ang away nilang mag-asawa kagabi.

“And what did you do?” tanong ni Keeno.

“I told him to go somewhere ba hindi ko makikita,” saad niya.

“And then, you let him go? Paano kung nagpunta siya kay Serene?” usisa naman ni Lindsay.

“He couldn't do that. Nasa akin ang susi ng sasakyan,” pagmamalaki ni Stella.

“Pero paano nakapasok si Evo sa loob ng sasakyan?” Keeno asked.

"Girl, logic lang 'yan. You can unlock the door by pressing the control key.” Si Lindsay ang sumagot. Iyon nga ang nangyari kagabi. Sinadyang buksan ni Stella ang sasakyan para doon matulog si Evo. Pero hindi siya pumayag na kuhanin nito ang susi sa kanya.

“Hindi rin naman ako papayag na pupuntahan niua si Serene. I even took his wallet last night,” nakangising sambit ni Stella nang ilabas ang wallet ng asawa.

“You're such a bad b*tch, Girl,” tudyo ni Keeno sabay sundot sa tagiliran ni Stella.

“I know!” she proudly said.

The set was already prepared when one of the staff came to her seat and said, “Miss Stella, we have a problem. Wala po si Stacey sa kuwarto niya.”

Napatayo si Stella sa kinuupuan. “What?!”

“Oh my God! Sinasabi ko na nga ba?!” umikot ang matang wika ni Stacey.

“Nasaan siya?! Magsisimula na ang photoshoot, oh!” reklamo ni Stella.

“I called her already pero wala pong sumasagot. Noong puntahan ko po sa room niya, si Leticia lang po ang nakita ko. You’re daughter said she was partying all night,” paliwanag ng staff sa kanya.

Sunod-sunod ang naging paghinga ni Stella dahil pakiramdam niya ay puputok siya sa galit. Sa dinami-dami ng oras, ngayon pa talaga naisipan ni Stacey na magwalwal at iwanan ang commitment nito. Hindi niya mapapalagpas ang bagay na iyon.

“Stella! Saan ka pupunta?!” tanong ni Keeno. Bigla na lang niyang ibinagsak ang hawak na papel sa upuan at umalis.

*****

“WHAT’S your plan now ngayong nakita mo na siya?” It was Gio. The owner of ther resort where Stella’s team was staying. He also own it and best friend of Christian.

“What do you mean ‘plan’? Pare, may asawa na ’yong tao. Hindi ko na dapat siyang guluhin pa,” ani Christian sa kaibigang si Gio. Hindi pa naman nagsisimula ang photoshoot kaya naisipan muna niyang tumambay sa bar ng kaibigan.

“Really? Then why are they here? At nag-invest ka pa sa project nila. Come on, Pare, you will not make that move if it was just nothing to you. Alam ko namang in love ka pa rin kay Stella. Hindi mo ako pakikiusapan na bastusin siya noong college tayo at umarteng action star para lang magpa-impress sa babaeng ’yan kung wala lang talaga 'to sa iyo,” Gio said.

Yes. It was right. The guy who did that to Stella few years ago was Gio. Nakiusap lang si Christian sa kanya kaya niya nagawa iyon. But when he asked if he was still in love with Stella is different thing. Hindi naman niya akalaing si Stella ang kaibigan ni Lindsay at sa business project niya ito mag-i-invest. Balak sana niyang umatras pero nakiusap si Lindsay sa kanya.

“Dude, huwag kang masyadong malisyoso. Malay ko bang magkikita ulit kami at makakasama ko siya sa trabaho,” depensa ni Christian.

“Iyon ang tinatawag na. . .” Bahagyang lumapit si Gio sa kanya. “Destiny,” dagdag niya.

“Baduy mo! Ulul!” Natatawang binato ni Christian ng nilamukos na tissue ang kaibigan. Kasabay niyon ang malakas na halakhakan nilang dalawa.

“But seriously, aren’t you going to date someone again after what happened to your wife?” Lumamlam ang ekspresyon ng mukha ni Christian.

He was married but something happened few years back. His wife passed away because of a car accident. Nilagok ni Christian ang baso ng alak para maibsan ang nagbabadyang sakit.

“Hindi ko alam, Pare. It's hard to forget what happened to Janna. Hindi ko rin naman masabi na magiging masaya ako kung may ibang darating pa sa buhay ko.” The guilt he felt was still there. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay ng asawa. Kaya kung sakali man na magkaroon siya ng panibagong karelasyon, hindi niya rin masasabi sa sarili na mawawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pagkamatay ni Janna.

“Until now, you’re blaming yourself. Christian, that was an accident at walang may gustong mangyari ng bagay na ’yon.”

Christian just smiled at his friend. Kahit ano kasing gawin nito, hindi na mababago pa ang nakaraan. Wether it was an accident or not, it was still his fault of losing his wife.

Siya namang pagtunog ng phone ni Christian. Kaagad niya iyong binunot sa bulsa at sinagot ang tawag.

“Hello?” Napatayo siya nang marinig ang sinabi ng kausap. Tila ba nakagigimbal na balita ang natanggap niya dahil sa gulat na ekpresyon ng mukha. “What?!”



My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon