Chapter 5

609 11 1
                                    

“NAGME-MESSAGE PA PALA SA IYO SI SERENE?” Sa mga katagang iyon ay tila ba natigilan si Evo. Hindi niya akalaing bigla na lang maiisip ni Stella na tanungin ang bagay na iyon. Tila nawalan siya ng ganang halikan ang asawa at painitin sana ang gabi na magkasama sila. Tumayo siya at tinalikuran na lang ang misis.

“Paano mo nalaman?” tanong niya. Wala naman dapat siyang ipangamba sa katanungang iyon ni Stella subalit tila malaman ang bawat salitang binitawan nito. Hiniliot ni Evo ang batok gamit ang palad at bahagyang inikot ang leeg. Isa iyon sa senyales na stress siya.

“I saw your phone last night. She texted you,” ani Stella. Mahinahon lang ang boses nito pero tila may gustong linawin.

“She's inviting me for dinner. Iyon lang,” sagot ni Evo. Hindi naman kasi niya kailangang ipaliwanag ang sarili dahil wala naman dapat pang pag-usapan tungkol sa sa nakaraan.

“And?” Stella asked while waiting for another answer from him.

“What and?”

“Evo, I was just asking you. Bakit parang ang defensive mo?” Medyo tumaas na kasi ang tono ni Evo kaya hindi na napigilan ni Stella na pagtaasan din siya ng boses.

“I know where this conversation is going through and ayaw ko nang pag-usapan pa natin ’to. Besides, it was just a business meeting. She asked me to help with her clothing line. Ang construction firm ko ang napili niya na mag-build n'on,” paliwanag ni Evo.

“Bakit hindi mo muna sinabi sa akin?” tanong ni Stella. She felt betrayed hindi dahil hindi nito pinaalam na nag-uusap pa sila ni Serene kundi dahil parang balewala lang kay Evo na may nakaraan sila ni Serene at maaaring pagmulan iyon ng away nilang mag-asawa.

“Do I need to tell you all the things I need to do in the office?” Umigting ang panga ni Evo. “Isa pa, alam kong ganyan ang magiging reaction mo oras na malaman mong nag-uusap pa kami ni Serene kaya minabuti ko na lang na itago sa iyo!”

Nangingilid na sa luha ang mga mata ni Stella. Hindi niya lubos maisip na ganoon kababaw ang tingin ni Evo sa kanya.

“Asawa mo ’ko, Evo. Natural lang na sabihin mo sa akin ang lahat! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na nakikipag-usap ka pa sa ex mo pagkatapos ng mga nangyari—”

“Dahil alam kong magagalit ka! At oo, asawa kita kaya hindi ka na dapat pang mag-alala. Ikaw na ngayon ang mahal ko... kayong dalawa ng anak natin. At wala nang dahilan para pagtalunan pa natin ito, Stella. Serene and I are totally done. Ang tanging koneksyon na lang namin ay ang negosyo at ang pagiging hipag niya sa akin. My brother and Serene are now married at kung babalikan ko si Serene, para ko na ring gin*go ang kapatid ko at ayaw kong mangyari ang bagay na iyon,” Evo said. Stella got convinced with what her husband explained. Tama rin naman. Magiging unfair din para kay Eric ang ganoong sitwasyon kung sakaling mangyari nga na magkaroon ulit sila ng romantikong koneksyon ni Serene.

“Sana kasi, sinabi mo kaagad para hindi na ako na-paranoid nang ganito.” Stella calmly said.

Ayaw na rin naman ni Evo ng argumento pa kaya ipinaliwanag niya at inamin ang totoong dahilan kung bakit nagkakausap pa silang dalawa ni Serene.

Evo hugged her and kissed her forehead. “Sorry, ayaw ko lang kasing mag-isip ka pa ng kung ano-ano kaya hindi ko na sinabi sa iyo na nakiusap siya about her business. Besides, kalalabas mo pa lang. Ayaw kong ma-stress ka pa,“ ani Evo.

“Sorry din kung medyo nag-hysterical ako.”

Evo sighed while looking at her eyes. “Para hindi ka na mag-alala, samahan mo ako sa business meeting bukas. Serene will be back here in the Philippines kasama si Eric. Susunduin natin sila sa airport.”

“Sige.” Iyon lang ang tanging naging sagot ni Stella pagkatapos ng napakahabang diskusyon. Ayaw na rin naman niyang humaba pa ang away at hindi na rin sila mga bata para pagtalunan pa ang mga maliliit na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Isa pa, malapit nang magdalaga ang anak nilang si Leticia kung kaya’t hindi na dapat palakihin pa ang mga away nila.

Isa rin sa mga natutunan ni Stella sa kulungan ay ang pagiging maunawain sa mga bagay lalo pa’t pamilya na niya ang pinag-uusapan. Tiwala na rin naman siya kay Evo kaya hindi na rin siya dapat pang mangamba. Dalawang taon ding nanirahan sina Eric at Serene sa ibang bansa kaya imposibleng magkaroon pa sila ng malalim na koneksyon ni Serene.

“I’ll just take a shower,” paalam ni Evo sa asawa. Tumango lamang si Stella bilang sagot at saka kinuha ni Evo ang tuwalya na nakapatong sa kama.

Evo just made a promise to himself not to make a mistake from now on. Totoong mahal na nga niya ang asawa pero hindi niya masasabing wala na siyang nararamdaman kay Serene matapos ang lahat. Walang kasiguraduhan sa mga mangyayari oras na magkita muli silang dalawa. Ngunit ano pa man ang kahihinatnan ng lahat, ano’t ano pa man ang mangyayari, hindi na nila magagawa pang ipagpatuloy ni Serene ang naudlot nilang pag-iibigan.

Hinayaan ni Evo na dumaloy sa kanyang katawan ang malamig na tubig. He thought it would help him to clear his mind if he would take a shower. After a long day of dealing with different people, all he wanted for now is to relax. Pero mukhang hindi siya patatahimikin ng isipan lalo pa ngayon at makakaharap niya ang babaeng kinabaliwan niya at minahal niya nang lubos na ngayon ay pagmamay-ari na ng kanyang mismong kapatid. Mukhang hindi siya patatahimikin ng nakaraan.

“No, Evo. You don’t love her anymore. Asawa na siya ng kapatid mo. Hindi ka na dapat mag-isip pa ng kung ano,” bulong niya sa sarili habang ninanamnam ang malamig na tubig sa kanyang katawan.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon