Chapter 35

442 3 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Evo ay mabibiyak ang kanyang ulo sa sakit. Ginising siya ng sinag ng araw na nagmumula sa labas. Nang unti-unti niyang imulat ang mga mata ay pamilyar na kulay ng pader ng silid ang bumungad sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali, kuwarto nilang mag-asawa iyon. Nagtataka siyang bumangon sa kama at kaagad hinagilap ang cell phone. Alas-nuebe na pala ng umaga.

Wala siyang matandaan kagabi maliban sa kasama niya si Vincent at magkainuman silang dalawa nito kagabi. Habang nasa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip si Evo, siya namang pagpasok ni Stella sa kuwarto nila. Normal lang itong naglakad papunta sa side-table dala ang isang tray ng waffle at tasa ng kape. Tipikal na almusal sa umaga na hinahanda ni Stella sa kanya kapag masama ang pakiramdam nito. Kaya laking pagtataka niya kung bakit parang walang nangyari kagabi kung umakto ang asawa.

“Kumain ka na,” wika ni Stella na tila malamig ang pakikitungo sa kanya. Aalis na sana ito nang hawakan niya ito sa braso.

“Why am I still here?” tanong ni Evo. Pero hindi ito nakatingin kay Stella.

“Hinatid ka rito ni Vincent kagabi,” paliwanag ni Stella sa kanya.

“That's not what I mean.” Sa pagkakataong iyon ay saka lang siya tumingin kay Stella. Naging matalim ang pagkakatitig niya rito. “Hindi ba, pinalayas mo na ako?”

Marahas na hinila ni Stella ang braso nito na hawak niya. “At saan mo balak pumunta? Sa kabit mo?”

“Hindi ko siya kabit?—”

“What the hell, Evo?! Ano sa tingin mo ang iisipin ng ibang tao kung ang kinakalantari ng asawa ko ay asawa ng bayaw ko? Hindi ka ba marunong mahiya?” Mabalasik ang naging pagtitig ni Stella sa kanya.

Tumayo si Evo at nakipagsukatan ng tingin sa asawa. “Bakit ba ang hilig mong ipagsisiksikan ang sarili mo sa akin? Ano bang gusto mo? Sex? Sige, pagbibigyan kita!” Hinubad ni Evo ang suot niyang puting T-shirt at akmang hahalikan si Stella. Pero bago pa man dumapo ang labi niya rito ay mabilis ang naging pangyayari. Isang sampal ang natanggap niya bago pa man niya nasunggaban ang asawa.

“Iyan ba ang tingin mo sa pagmamahal sa 'yo?” Nangingilid ang mga mata ni Stella na wari'y pinipigilang umiyak. “Gago ka, Evo! Pero kahit gago ka, minahal kita! Ibinigay ko sa iyo ang lahat! Sa iyo ko unang ibinigay ang pagkababae ko. Tapos ito lang ang matatanggap ko? Sakit? Bakit, Evo? Bakit?” Nanginginig ang katawan ni Stella sa galit. Tila napako naman si Evo sa kinatatayuan habang hinahaplos ang pisnging nasampal ni Stella.

“Hindi ko sinabing mahalin mo ako.”

“Sh*t that reason! Ano bang akala mo, magagawa kong turuan ang puso ko na pigilan kang mahalin? Kung p'wede ko nga lang itulog na lang ang sakit at kalimutan ang lahat, gagawin ko!” Magkakasunod ang naging paghikbi ni Stella. “Sana nga, ganoon lang kadali iyon!”

“I'm sorry, Stella. Akala ko, kapag pinakasalan kita, matututuhan kitang mahalin. Akala ko kapag itinama ko ang pagkakamali ko ay magiging maayos ang lahat. Hindi pala. . . ” sambit ni Evo.

Tumikhim si Stella at pinunasan nito ang kanyang luha. “Well. . . I guess, kasalanan ko rin. Masyado akong naging sakim. Pero ganoon ako magmahal, eh. Nasanay ako na kung ano ang gusto ko, makukuha ko. Kaya hindi ako papayag na kung ano'ng nasa akin, aagawin ng iba,” wika nito na may pakahulugan.

“Ano'ng ibig mong sabihin?” tanong ni Evo na may pagtatakang tumingin kay Stella.

“If you think na hahayaan kitang maging masaya, nagkakamali ka. I will not let you go. Hindi ko sinasabing mahalin mo ako. Pero katulan ng sinabi ko kanina, hindi ako papayag na agawin ng ibang tao ang pag-aari ko na.” Saka lang nalinawan si Evo sa mga sinabi ni Stella. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kahit mag-file siya ng annulment ay hindi iyon pipirmahan ni Stella. Hindi ito papayag na mapawalang-bisa ang kasal nila.

“You can't do that to me.” Nawindang si Evo sa pagbabantang iyon ng asawa.

“I can.” Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Stella. Ang dalawang salitang iyon ay tila ba nagpapahiwatig na nasa kanya pa rin ang huling halakhak. “As long as nandito ka sa pamamahay na ito, you will follow my rules or else. . .”

“Or else what?” kabadong tanong ni Evo.

Kitang-kita niya ang pag-angat ng kabilang dulo ng labi ni Stella. Nagbabadya ito at tila ba panganib ang dala. “I will ruine you and Serene's life. Kilala mo ako, Evo. Stella Villaflor will always be Stella Villaflor.”

Noon lang niya nakitang ganoon ang asawa. Para bang nag-ibang tao ito at hindi ang Stella na nakagisnan niya. Tingin ni Evo ay bumalik ang pagiging mapaghihanti nito.

“Hindi mo magagawa 'yan,” ani Evo.

“Let’s see, Honey.” Malambing na hinaplos ni Stella ang pisngi niya. Pero ang paghaplos na iyon ay pangamba ang ibinigay sa kanya sa halip na maging kalmado.

Binigyan siya nito ng kakaibang ngiti bago naglakad palabas. “Get yourself ready. Hinihintay ka ni Leticia sa baba. Ihatid mo siya sa school,” bilin nito bago pa makalabas ng silid

Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kuwarto. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya kanina habang kausap si Stella nang sabihin nito ang huling nitong kataga bago lumabas. Noon niya lang naramdaman ang ganoong klase ng takot. Hindi niya maalala kung kailan siya nakaramdam ng kakaibang pagkabog ng dibdib. Sa mga tingin pa lang ni Stella, mukhang hindi siya nito hahayaang makausap muli si Serene.

Napatitig siya sa vanity mirror sa harap niya. Wala siyang suot na damit na pang-itaas kaya kitang-kita niya kung gaano kalaki at kakisig ang katawan. Pero nabalewala ang lahat ng iyon sa mga salitang narinig lamang niya mula sa asawa. Nagkuyom ang kanyang kamao nang mabawi niya ang lakas ng loob. Kasabay ng pasasalubong ng dalawa niyang kilay ay ang panlilisik ng mata. Kitang-kita ang pag-igting ng panga niya sa galit na nararamdaman.

“Hindi ako papayag na sumunod na lang sa gusto mo,” wika niya nang mabaling ang tingin sa pinto ng kuwarto.

Alam ni Evo na tuso ang asawa. Pero hindi siya magpapatalo rito. At kahit anong mangyari, ipaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Serene. Ano nga kaya ang magiging hakbang ni Evo? Ano rin kaya ang kahihinatnan ng lahat matapos ang mga nangyari?

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon