Chapter 17

420 6 0
                                    

“GIRL, saan ba talaga tayo pupunta?” may pagrereklamong tanong ni Lindsay. Halos lumipad na ang sasakyang minamaneho ni Stella dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Bumagal lamang ang pagmamaneho niya noong nasa high-way na sila.

Wala talagang ideya sina Keeno at Lindsay kung saan sila tutungo dahil kahit ilang beses nilang tanungin si Stella ay wala itong isinasagot sa kanila.

“Nakakaloka! Ano bang binabalak mong babae ka?!” halos atakihin sa pusong angil ni Keeno. Napahawak pa ito sa dibdib habang pinagmamasdan kung paano pinaharurot ni Stella ang sasakyan.

“Just shut up! Kung ayaw n’yo akong samahan, bumaba kayo.” Walang nagawa ang dalawa sa mga sinabing iyon ni Stella. Ang tangi na lang nilang magagawa ay manahimik. Kahit mag-isa si Stella, magagawa niya ang bagay na gusto niya. Pero bilang kaibigan niya ang dalawa, alam niyang hindi siya basta na lang hahayaan ng dalawang ito na basta na lang gumawa ng bagay na maaari niyang ikapahamak.

Kalalaya niya lang at hindi siya p’wedeng gumawa ng isa pang krimen na maaaring magsadlak muli sa kanya sa kulungan. Kaya maingat pa rin si Stella sa mga ginagawa nito sa labas. . . maliban nga lang sa pagmamaneho nang mabilis.

Mga ilang minuto lang ay dumating na sila sa kanilang paroroonan. Halos lumuwa naman ang mata ng dalawa niyang kaibigan nang matuklasan kung saan sila naroroon. Tumigil sila sa isang pamilyar na lugar kaya ganoon na lamang ang reaksyon nina Keeno at Lindsay.

Dela Vega Medical Center

Iyon ang ospital na pagmamay-ari ni Eric. Nakapagtatakang doon siya nagpunta at hindi kay Serene.

“Girl? Sure ka ba sa ginagawa mo?” tanong ni Keeno nang makababa silang tatlo sa sasakyan.

“Hindi ba dapat, si Serene ang komprontahin mo? Bakit si Eric?” saad naman ni Lindsay na mukhang alam na ang nasa isip ng kaibigan.

Pinagmasdan muna nila ang kabuuan ng gusalin ng pagamutan at hindi mapagkakailang hindi basta-basta ang ospital na iyon dahil kompleto iyon sa kagamitan.

“Kung si Serene ang una kong tatanungin, sa tingin n’yo ba ay aamin ’yon? S'yempre hindi. Kaya mas magandang malaman muna natin ang totoo kay Eric.” Matapos ang sinabi ni Stella ay naglakad na sila papasok ng ospital.

Dumiretso sila sa information desk at nagtanong. “Excuse me, miss. Can you call Doctor Eric Dela Vega? I want to talk to him,” wika ni Stella.

“Do you have an appointment with Doctor Dela Vega miss. . .”

“Just tell him that Stella is here.”

“Sorry po but we cannot assure na makakausap n’yo si Doc right now because he has a clinic. Gusto n’yo —” The girl was about to say something but Stella won’t let her say another word.

“Gusto mo bang mawalan ng trabaho? Call him now!” Hindi na nakapagpigil pa si Stella. Kailangan niyang makausap si Eric bago pa siya sumabog at bumalik sa dati niyang ugali.

Magsasalita pa sana ang babaeng kausap pero isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. “Stella?”

It was Eric. Halatang gulat ito at hindi inaasahang makita siya.

“Doc, sorry. I was trying to—”

“No, it's okay. Let me handle this. Bumalik ka na sa desk mo,” wika ni Eric sa babaeng halos maiyak na dahil sa paninigaw na ginawa ni Stella.

“Hello, Eric. It’s been a long time. How are you?” salubong ni Stella sabay nakipagbeso-beso rito.

“What brings you here? May ipapa-consult ka ba?” tanong ni Eric.

Nagkibit-balikat si Stella. Nasa ospital nga pala kaya natural lamang na iyon ang maging initial reaction ni Eric. “Wala naman. I just want to visit my brother-in-law. Masama ba ’yon?”

Tipid ang naging ngiti ni Eric. Alam nitong hindi talaga iyon ang totoong pakay ni Stella. Pero wala na rin itong magagawa kung kaya’t magiliw na lamang niyang tinanggap ang pagbisita ni Stella.

“Tamang-tama, lunch break ko na. Samahan mo ako sa canteen para kumain naman tayo at makapagkwentuhan,” anyaya ni Eric.

Agad namang sumunod si Stella rito kasama ang dalawa pa niyang kaibigan. Pagdating sa canteen ay humiwalay ng table sina Eric at Stella.

“Sure ka bang hindi ka kakain?” tanong ni Eric sa kanya. He offered her to eat with her pero sinabi niyang busog na siya.

“No, it’s okay. Nakakapagtaka lang na dito ka kumakain knowing that there are best restaurants nearby at masasarap pa ang pagkain nila kumpara dito,” Stella said.

“Sa trabaho ko, hindi p’wedeng mabagal. Kung sa labas pa ako kakain, aabutin pa ako ng fifteen minutes sa paglalakad. Thirty minutes lang madalas ang lunch break ko kaya mas convenient kung dito na lang ako kakain. . . mas mura pa,” Eric explained.

Walang nagawa si Stella sa narinig. Wala rin naman siyang pakialam sa kung ano’ng desisyon ni Eric kaya diniretsa na niya ito.

“Kumusta pala kayo ni Serene?” tanong ni Stella.

“We’re totally okay. Bakit mo natanong?” he asked.

“Wala naman. I’m just curious where she is right now.”

“Actually, she had a business meeting last night and kagagaling ko lang din sa convention yesterday. Medyo busy lang din kami sa sarili naming career as of the moment pero kapag may time, we spend it together,” sambit ni Eric.

“You really have a great company with her, ’no?”

“Yes! Ibang mag-alaga si Serene. That’s why I love her. Eh, kayo ba ng kapatid ko, kumusta kayo?”

Hindi alam ni Stella kung ano’ng sasabihin sa kausap. Hindi rin naman kasi niya alam kung okay ba sila ni Evo o hindi na.

“Ahm. . . we’re good!” she just said.

“Nasaan nga pala siya?” usisa naman ni Eric.

Tila pinagpapawisan na ng malamig si Stella sa mga tanong ng bayaw. Ni hindi niya magawang tingnan nang diretso ang kausap dahil wala siyang ideya kung ano ang sasabihin.

“H-He’s in the office right now.” Matabang ang naging ngiti ni Stella sa kausap. Halatang hindi siya komportable sa sinasabi. “Anyway, I need to go. Susunduin ko pa si Leticia sa school. It’s nice to see you, Eric.”

Kaagad na tumayo ang dalawa at nagbeso-beso. Nang lumingon si Stella para sana hanapin ang mga kaibigan kung saan ang mga ito nakaupo ay ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita kung sino ang nasa likod niya.

“Oh. . .  hi, Stella!” It was Serene.

Kung naroon si Serene, ibig sabihin ay hindi talaga sila magkasama ni Evo.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon