Chapter 45

464 7 6
                                    

“REALLY, Mom? We go to the beach?!” Nagtatatalon sa tuwa si Leticia nang ibalita ni Stella sa anak ang balak niya. Dahil nga sa photoshoot na gagawin nila sa Subic Zambales ay napagdesisyunan niya na isama ang kanyang mag-ama kaya ganoon na lang ang reaksyon ni Leticia matapos sabihin rito ang magandang balita.

“Yes, anak. So you better pack your things up and we will leave the next day,” dagdag pa niya.

“What about my school?” Leticia frowned when she realized about her studies.

“Don’t worry. I already told it to your teacher and she said she will give you a special quiz so you can cope with the lessons you missed.” Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Leticia.

“Thank you, Mommy!” Hinagkan at niyakap siya ng anak bago ito lumabas ng kanilang kuwarto.

Hinabol lang ni Stella ng tingin ang masayang anak habang nagmamadali itong lumabas ng kanilang silid.

“I can't go with you. I still have many  commitments to do in the office,” ani Evo. Inaasahan na ni Stella ang magiging sagot ng asawa. Pero hindi siya makapapayag na hindi sasama si Evo sa kanila ni Leticia.

“What? That project with Serene?” Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Stella sabay nakapamewang na humarap dito.

“Enough with that, Stella. Hindi mo kailangang sisihin si Serene sa mga nangyayari. And I swear, marami akong kailangang asikasuhin sa opisina. Hindi lang 'yong project kay Serene,” sambit nito sa kanya habang binabasa ang ilang papeles sa harap niya.

Lumapit si Stella sa kinauupuan ni Evo. While he's busy with those papers, she held him on her shoulders and moved closely to his face. “You are going with us whether you like it or not. Or else. . .”

Napatigil si Evo sa ginagawa. “Or else, what?” Tila natakot ito sa pagbabanta niya.

"You know what will happen.” Tinapik ni Stella ang balikat ng asawa bago niya ito hayaang gawin ang pinagkakaabalahan.

Alam naman ni Evo na maimpluwensya ang pamilya ni Stella pero kahit kailan ay hindi niya ginamit ang apelyidong Villaflor para lang makaganti. Maraming kaibigang politiko at mga negosyante ang pamilya ni Stella kung kaya’t kayang-kaya niyang pataubin kahit ang kompanya ni Evo sa isang iglap. Pero dahil asawa niya ito ay hindi pa naman humahantong sa ganoong desisyon si Stella. Hangga't maaari ay mas gusto niyang siya ang gagawa ng paraan para lang masolusyonan ang problema.

Habang abala sa pag-iimpake si Stella at si Evo sa mga papeles ay siya namang pagkatok ng kanilang kasambahay.

“Ma’am, may bisita po kayo sa baba,” wika ng matandang kasambahay. Laking pagtataka ni Stella.

“Are you expecting someone tonight?” tanong ni Evo. Imposible kasing sina Lindsay at Keeno ang mga 'yon dahil kadalasan ay nagsasabi ang mga ito na pupunta sa bahay nila.

Napakibit-balikat na lamang si Stella. “Nothing.” Binuksan niya ang pintuan ng kuwarto. “Sino daw, Manang?” tanong niya sa kasambahay.

“Hindi ko po kilala, eh. Pero sabi niya, kaibigan n’yo raw siya?”

"Sige, bababa na 'ko. Salama, Manang,” ani Stella. Nagsuot muna siya ng roba bago bumaba.

Pamilyar na mukha ang siyang sumalubong sa kanya nang makababa siya ng kuwarto.

“Christian, what are you doing here at this hour?” Alas nuebe na kasi ng gabi kaya nagtataka si Stella sa biglaang pagbisita ni Christian.

Tumayo si Christian sa couch at sinalubong ng ngiti si Stella. “Ahm. . . I just brought this. Nakalimutan mo kasi sa café.” Inabot niya ang ilang mahahalagang dokumento.

“Thank you,” sagot ni Stella habang inaabot ang mga papel sa kanya ni Christian.

“So, you have a visitor.” Siya namang pagsingit ni Evo. Hindi namalayan ni Stella ang pagsunod nito sa kanya pababa sa salas. Marahil ay na-curious din ito sa bisitang hindi inaasahah.

“Hello, pare. Christian nga pala,” pakilala ni Christian kay Evo at iginiya ang kamay nito.

Tila nagdalawang-isip pa si Evo kung makikipagkamay pa ito kay Christian o hindi. Subalit kapagkuwa’y inabot din nito ang kamay ng bisita.

"Evo, Stella's husband.” Nakangiti si Christian habang si Evo naman ay seryoso ang mukha na wari'y iniestima ang kaharap.

“It's so nice to finally meet you, pare.”

“Pleasure is also mine.”

Tila naging pormal lang ang naging usapan ng dalawa.

“Ah, Evo. Christian is one of my business partners. So, makakasama natin siya sa beach resort,” kumpirma ni Stella.

“I see. . .” Hindi naiwasan ni Evo na tingnan si Christian mula ulo hanggang paa.

Christian felt awkward while seeing how Evo looked at him “Stella, I have to go.”

“Oh. Ayaw mo bang magmeryenda muna?” alok niya. Wala namang balak si Stella na i-entertain pa si Christian pero habang nakikita niya ang inaasal ng asawa ay parang nagkaroon siya ng malikot na ideya para inisin si Evo.

“No. It’s okay. Gabi na rin naman. Inabot ko lang talaga ang mga 'yan sa iyo,” wika ni Christian.

“Sige. Salamat. Mag-ingat ka.” Tumango na lang si Christian bago naglakad palabas ng kanilang bahay. Sinunda na lamang ito ng tingin ni Stella.

Paakyat na sana si Stella sa kuwarto nang magsalita si Evo. “So, you have the guts now para magpapasok ng ibang lalaki rito sa bahay.”

Napangisi si Stella sa narinig bago humarap sa asawa. “Bakit? Triggered ka ba?” sarkastikong wika ni Stella sa kanya.

“Hindi ka ba nahihiya sa ibang tao? Nagpapasok ka rito ng kung sino-sino kahit hindi mo naman gaano pa kakilala? Ano na lang iisipin ng—”

“Sila ba ang mag-iisip nang masama o ikaw?”

“What do you mean?”

Lumapit si Stella sa asawa.

“Evo, nahihiya ka sa sasabihin ng iba tungkol sa akin pero iyong katarantaduhan mo, hindi mo ikinakahiya?” Matigas ang naging tono ni Stella sa huli niyang sinabi.

“Ibang usapan ang kay Serene. Hindi ko siya pinapatungtong sa pamamahay na ito dahil baka kung anong isipin ng ibang tao. Unlike you na kung sino-sino na lang ang pinapapasok dito.”

"Talaga? Or natatakot ka lang na mabalewala ang ego mo?” Umikot si Stella sa kinatatayuan ni Evo bago inilapit ang bibig sa tainga ng asawa. “Tandaan mo, kahit saang lupalop ka ng mundo o sulok ng bahay na ito magsumiksik, sa 'ting dalawa, ikaw ang may mas mabahong sekreto.” Walang kahit anong bahid ng takot si Stella sa mga sinabi. Alam niya kasing kahit anong mangyari, hinding-hindi siya matitinag ni Evo.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon