Chapter 12

443 4 0
                                    

NAKATUON ang atensyon ni Evo sa daan habang minamaneho ang sasakyan. Matapos ang meeting niya sa kliyenteng si Felicity at sa hindi niya inaasahang pagkikita nila ni Serene ay tila nanumbalik ang lahat. Sa totoo lang, mas gumanda sa paningin niya si Serene. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero nang magkita sila noon sa restaurant kasama ang kapatid niya at ng asawang si Stella ay napako kaagad ang tingin niya rito.

She was wearing a white formal dress that time but it didn’t looked like she was going to attend a business meeting with him. Kung sila nga lang dalawa ang nagkita noong araw na iyon ay iisipin niyang date ang pagkikita nilang dalawa. Subalit naroon ang asawa at kapatid niya kaya hindi niya maaaring i-entertain ang idea na isang date ang magaganap kung hindi isang business meeting.

“Sir, okay lang kayo?” puna ni Vince sa kanya nang mapansin nito ang pagiging tahimik niya. Hindi kasi siya ganoon every time na may business meeting sila. Usually, after their client meeting, Evo discussed everything about the business: kung ano pa ang dapat idagdag at ano pa ang kailangang gawin o baguhin. Kaya siguro ganoon na lamang ang pagtataka nito na tila napakatahimik niya.

“Y-yeah. May iniisip lang ako.” Evo couldn’t hide it. Ginugulo na naman siya ng laman ng kanyang isipan.

“Is this because of your ex-wife?” Hindi man sabihin ni Evo rito ang iniisip niya, basang-basa na nito kung ano ang gumugulo sa kanya. Vince was serving him for almost five years as an executive assistant, kaya hindi na niya maitatago ang lahat rito. Naging kaibigan na rin niya si Vince pero naroon pa rin ang pagiging professional nila sa isa't isa kapag oras ng trabaho.

Saglit siyang napatitig rito bago nagbuga ng mabigat na hangin mula sa kanyang dibdib — senyales iyon na may mabigat siyang dinadala.

“Maaga pa naman, inom muna tayo?” anyaya ni Evo. It wasn’t really a request but a command that Vince couldn’t reject.

“As you always wish, Sir.” Nagkibit-balikat na lamang si Vince dahil wala na rin naman siyang magagawa kung hindi ang sumunod na lang sa imbitasyon na iyon. . . kung imbitasyon nga bang matatawag iyon.

PUMUNTA sila sa isang bar sa Makati kung saan madalas silang nag-iinuman ng mga kaibigan niya. Pero sa pagkakataong ito, gusto ni Evo na si Vince na lang muna ang makasama niya at huwag munang ipaalam sa iba kung ano ang bumabagabag sa kanya.

Habang hawak niya ang isang bote ng alak, tulala lang si Evo na nakatitig sa kawalan. Tumatagos sa pader ang kanyang paningin. Malakas ang musika ng paligid ngunit bingi ang tainga niya sa kawalan. Hindi niya alintana ang mga taong nagkakasiyahan sa kanyang likuran dahil nakatuon lang ang kanyang atensyon sa kung saan. Walang kasiguraduhan kung ano ang tinitingnan.

Hindi p’wede ’to. Hanggang sa kasalukuyan ay naroon pa rin sa isipan niya ang mukha ni Serene: ang napakaganda nitong mukha, ang mapupula nitong labi na halos nasasabik siyang halikan at ang katawan nito na halos lahat ng detalye ay alam niya. Hanggang ngayon, naroon pa rin ang imahe ng dating kasintahan sa utak niya na kahit ano yatang gawin niya ay hindi niya magagawang iwasan.

“Hi... are you alone?” turan ng babaeng lumapit sa kanya. All he thought, Vince was the only person sitting beside him. Laking gulat na lang niya nang makita ang isang babaeng nasa tabi na niya hawak ang baso ng alak.

The woman beside him was slowly shaking the glass of wine with her hands — it was a sign that she was teasing him all along. Namataan na lang niya si Vince na nakikipagsayaw na lang sa stage kasama ang dalawang babae. Napa-iling na lang si Evo nang makita ang kanyang assistant bago niya muling naituon ang sarili sa babaeng kumuha ng kanyang atensyon at pumutol sa malalim niyang pag-iisip.

“I'm sorry, but I'm not in the mood to mingle with someone right now, miss. I don’t want to be rude either, so you can just talk to someone else. I just want to be alone.” He really meant it. Hindi niya gustong masaktan ang kausap pero iyon lang marahil ang magagawa niya para tigilan siya ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa harap niya.

“Playing hard, huh?” Mukhang hindi tumalab ang pagtataboy na iyon ni Evo sa babae. Sa halip na lumayo ay lumapit pa ang mukha ng babae sa kanya. “Why don’t you kiss me first before you regret this?” The woman made her way to seduce him. Maganda at sexy naman ang babaeng kaharap niya pero hindi yata niya kayang gawin ang ipinapagawa nito. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa hanggang sa magdampi ang mga labi nila.

Nang saglit na bumitaw ang babae sa kanyang halik ay ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang imahe ng pamilyar na mukha ang nakita niya. “Serene?” bulong niya nang makitang si Serene ang babaeng iyon.

Muli siyang pinupog ng halik ng babae na wala man lang pasabi. Hinayaan niyang maglaro ang mga labi nila sa mainit na halik at hindi man lang inaalala kung may nakatingin o wala. Hangang sa mapaisip siya sa nangyayari.

Hindi dapat mangyari ’to. Madiin niyang hinawakan ang balikat ng babae at tinitigan muli sa mukha. Sa pagkakataong iyon ay hindi na si Serene ang nakikita niya kung hindi ang babaeng kanina lamang ay malagkit ang titig sa kanya.

“What’s wrong? Don’t you like it?” Akma pa sanang hahalikan siya nito subalit kaagad na itinulak ni Evo ang babae hanggang sa mapaupo ito sa katabing stool chair.

“I-I’m sorry.”

“Hey! What’s wrong?” angil ng babae pero sa halip na aluin ito ni Evo ay nagmamadalali niyang pinuntahan si Vince at hinila.

“Let’s go!”

Walang nagawa ang kanyang executive assistant nang bigla na lang niya itong hatakin sa dance floor habang nagsasayaw.

Naguguluhan si Evo sa nangyayari. Bakit parating mukha ni Serene ang nakikita niya? Isa ba iyong senyales na nanunumbalik ang pagtingin niya sa dating kasintahan? Hindi iyon maaaring mangyari.

My Dominant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon