0: Panimula

551 29 0
                                    


Sa pinakahuling bayan ng sakop ng kaharian kasalukuyang naglalakad ang binata habang walang tigil kaka kwento sa kaniyang kasama. Subalit walang gana para pakinggan ang kwento ng binata sa halip abala sa ibang bagay.

“Pagmasdam mo maigi ang grupong iyong. Sa tingin ko sila ang hinahanap natin para madali magawa ang misyon.”

“Ang bilis mo rin ah, talagang halata gutom na gutom ka,” natatawang sagot ng binata.

Hindi na siya pinansin sa halip nagmadali ito sumulong sa mga kalalakihan na kasalukuyang patungo sa likod ng pagawaan ng mga lason. Walang nagawa ang binata kung hindi ang sundan ang kaniyang kasama.

Naabutan niya walang malay ang grupong tinutukoy ng kasama niya. Napailing na lang siya sa ginawa ng babae.

“Ang tigas ng ulo mo kahit kailan. Hindi bale na nga lang, dalhin natin sila sa Guild.”

Sa kumpas ng kamay ng babae sa isang iglap nakatali ang limang lalaki habang nakalutang. Habang tinahak ang daan patungo sa Guild ay hindi maiwasan ng ibang adventure na tumingin sa kanilang na huli.

Pag pasok pa lang sa Guild ay nakuha ang atensyon ng babaeng mataba, na ka-agad naman sila nilapitan upang alamin.

“Talagang kahanga hanga nag tagumpay kayo sa misyon na hulihin yan. Sa wakas matigil na rin ang nakawan sa bayan.”

Binigay sa kanila ang isang maliit na kahon na puno ng ginto. Lumabas sila matapos ipaliwanag ng binata ang ilang misyon natagumpayan nila.

Patungo ang dalawang sa pinakamamahal na Foodie Shop sa bayan. Ayon sa mga kapwa Adventure may bagong pagkain na naman ang labas ng Fodie Shop.

“Gutom na ako, sa wakas nandito na tayo sa harapan ng Fodie Shop.”

“Hindi ba hindi nagugutom ang mga spirit ng kalikasan?”

Hindi siya sinagot pumasok na ito sa loob. 'Kahit kailan ang Mushroom na to ang tigas ng ulo hindi sumunod sa utos ko.ʼ lamang ng isip nito bago pumasok.

Hindi niya mahanap ang babae kundi ito kumaway sa kaniya baka hindi pa niya ito nakita.  Umupo na lamang siya na makita may pag kain na sa mesa.

“Balita ko may namatay sa grupo kumuha ng misyon tungkol sa pag alam kung sino ang sumira ng kagubatan malapit dito sa bayan.”

“Buti na lang hindi natin napili ang misyon na yun kundi malamig na bangkay na tayo.”

“Tama ka riyan sa sinabi mo. Ang alam ko hangganan ng atin kaharian ang kagubatan iyong at pag lumagpas ka, pumasok ka na sa teritoryo ng kaharian ng Venus.”

“Tama na yan kwentohan ang mabuti pa kumain na tayo.”

Napalingon silang dalawa sa grupo ng Adventure na kilala sa Grupo na Warden.

“Narinig mo ba yun Master. Ano sa tingin mo?”

Na isip ng binata malaking pabuya ito kung mag tagumpay sila. Napagpasyahan ng dalawa pagkatapos kumain babalik sila sa. Guild upang kunin ang misyon.

Pinakinggan nila mabuti ang kwentohan ng Warden. Sapat ang kanilang narinig na mga impormasyon para kunin ang misyon. Sa tingin nila wala silang makakalaban na malakas base sa kwento ng mga to.

Nanlaki ang mga mata ng babae na maalaala may utang pa sila hindi nabayaran sa isang Coffee Shop. Nahihiya siya ipaalaala sa kaniyang Master sa pagkat siya lang naman ang mahilig sa kape.



Book 1: Ziwin Of Stellar: The Beginning Of The Journey
Book 2: Ziwin Of Stellar: The Cold War

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon