Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. I was just scrolling through social media, pinagtatiyagaan ang may kabagalang internet nila Lola. I updated some of my classmates who are chatting and asking me if I was okay.
Kahit sabihin ko naman na okay lang ako, alam ko na may masasabi at masasabi pa rin silang maling impormasyon. That's just how the world works.
Nakaayos na naman ang mga gamit ko sa closet na magiging kwarto. I guess Lola's maids put it away for me. I commend them for being quick. Masyadong marami ang dala kong damit at kung ano pa. I put on my red bikini before grabbing a white robe in my bathroom.
Tahimik ang loob ng bahay ni Lola ng lumabas ako ngf kwarto. Ibang iba sa nakasanayan kong environment dahil minsan nasa bahay namin ang mga pinsan namin. Doon rin nakita si Ate Corrine at si Keith kaya medyo may kaingayan din.
"Asan po si Lola?" tanong ko sa napadaang katulong.
Saglit itong tumingin sa akin na may paghanga sa mga mata. She looks a little bit younger than me.
"Ah, nasa garden po, Maam. May itutulong po ba ako sa inyo?" mabait na saad niya.
"It's okay. Pupunta lang ako sa beach kapag hinanap ako ni Lola pakisabi na naroon ako." tumango naman ito kaya bahagya akong ngumiti sa kanya.
Hindi naman kalayuan ang beach mula sa mansyon ni Lola. Two minute walk lang ito at hindi masyadong mahirap ang daan dahil gumawa talaga ng pathway para dito.
I smiled and closed my eyes when I finally reach the beach. The calm and serene waves made me smile even more. Hindi naman ito parusa eh. Kung ako ang tatanungin parang nagbabakasyon lang ako.
Hinubad ko ang roba ko at ipinatong ito sa isang puno na may duyan. Inayos ko saglit ang suot ko bago ko tiningnan ang kabuuhan ng dagat. May ilang mga mangingisda sa malayong banda ng beach but they were too busy to even mind me. Not that I want them to mind me.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa dagat at agad na lumangoy. Nakailang oras din ako sa pagsisid hanggang sa mapagpasyahan kong mag-floating na lang muna.
Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang mainit na sikat ng araw at ang malamig na temperatura ng dagat. I started to feel relax and calm so I stayed that way.
Bumalik sa alaala ko ang nangyari three months earlier.
The rush and thrill that I am feeling while being in the car was surreal. I've never felt more alive and happy. Nilingon ko si Jace at sabay kaming tumawa.
"Miss this, huh?" malakas na saad niya habang pinapaharurot pa ng husto ang sasakyan niya dahil malapit na ang kalaban.
"I miss the rush."
Tiningnan ko ang side mirror niya at nakitang kaunti nalang ay maabutan na kami ng kalaban.
"Faster." saad ko kay Jace at sinunod naman niya ito.
Habang nakatingin kaming parehas sa side mirror ay tila naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Isang nakakasilaw na ilaw sa harapan namin ang tumama sa peripheral vision ko.
I realized right there that we're going to crash. Ang kinakabahang si Jace ay natulala habang hawak ang manibela kaya agad ko itong hinawakan at niliko. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagtapak sa preno. A loud crash made me jerked forward and the air bag of the car came out.
Mabigat ang naging paghinga ko at kahit anong pilit kong dumilat ay hindi ko magawa. I tried moving my feet but it is a bit stuck. Kahit nanlalabo ang paningin ay sinubukan kong tingnan ang kalagayan ni Jace but his eyes are close and there is too much blood covering his face.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...