"Why do you need to talk to me?" diretsong saad ko ng medyo lumayo kami ng kaunti sa kinaroroonan ni Ate Ina.
Napansin ko namang pinagmamasdan kami ni Ate Ina kaya naging panatag na rin ang loob kong kausapin siya. Hindi ko alam kung anong pakay niya para kausapin ako. Whatever it is that he has to say, alam ko sa sarili ko na hindi ko paniniwalaan yun. I have a bad feeling about him.
"Gusto kong humingi ng pasensya kay Mama kanina." saad niya.
"Hindi ba dapat humihingi ka ng paumanhin sa fiancee mo ngayon. Siya ang napahiya kanina. It's not me. I have witness a lot of humiliation in my life pero mukhang may problema ang Mama mo sa kasintahan mo." walang paligoy-ligoy kong pahayag.
Hindi ko kasi alam kung bakit siya sa akin nanghihingi ng tawad. It should be directed to his fiancee who is in fact being humiliated earlier. Hindi naman ako.
"I already did. Gusto ko lang iextend sayo ang paghingi ng tawad. I didn't expect Mama to be like that."
"Yun lang?" tumango naman siya sa tanong. "Then, aalis na ako."
Akmang tatalikod na sana ako ng may sabihin siya na nakapagpatigil sa akin.
"I am not against whatever you have with Isaac kung yan ang nasa isip mo." nilingon ko siya. "I am just warning him."
"Bakit kailangan mo siyang bantaan?" nakakunot noong tanong ko habang nililingon siyang muli.
I eyed him up and down and notice how different his stance are from Isaac. Simple lang kung makatayo si Isaac at halos walang yabang sa katawan. Ibang iba sa pinsan niyang nag-uumapaw ang confidence sa katawan. Katulad ng mga lalaki sa Manila na nilalapitan lang ako dahil gusto nilang magpabango ng pangalan sa higher society.
"You should really mind your own business, Zeke." saad kong muli at ngumisi naman siya ng bahagya.
"Sometimes it is better to wake up in reality than in your dreams, Isla. Take it from someone who thinks that my dream could be a reality." sabay lakad niya papasok sa bahay nila.
"May sapak na ata sa utak yung lalaking 'yon. Kagaya ng nanay niya na bigla bigla nalang naglalabas ng sama ng loob sa kalagitnaan ng business dinner." pailing-iling na sambit ko sa sarili.
Dahil sa naging mahabang pagbisita namin sa mga Teves ay halos wala akong tulog na pumasok kinabukasan. Lumilipad ang utak kong nakikinig sa itinuturo ng prof namin sa harapan. Nakaramdam ako ng kalabit sa balikat ko kaya tiningnan ko ito.
"Makinig ka." utos ni Isaac sa akin at bumuntong hininga naman ako. "Mukha kang zombie."
"Huwag mo kong iniinis, Isaac. Kulang ang tulog ko ngayon." mahinang suway ko sa kanya.
Nakita ko naman ang bahagya niyang pagngiti bago itinuon ang tingin sa professor namin. Nang kalaunan ay natapos naman kaagad ang klase namin na iyon. Wala nga lang ako naintindihan dahil sa kakulangan sa tulog.
"Masyado ka bang nag-enjoy sa pagkapanalo mo kaya wala kang tulog?" tanong niya sa akin habang palabas kami ng classroom.
May isa pa akong klase ngayong araw at ang alam ko ay tapos na ang kanya. May vacant lang ako ng isang oras ngayon kaya nag-aya akong pumunta kami ng canteen para makabili ako ng pagkain.
"No, I don't care much at all about that." bored na saad ko. Liningon ko siya at kinagat ang labi ko dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari kahapon.
"Anong sasabihin mo?"
"How do you know that I am going to say something?" depensa ko sa sarili.
"Alam ko lang." inirapan ko naman siya sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...