I silently looked around my surroundings and couldn't help but notice how homey Isaac's house felt. Maliit siya kumpara sa bahay namin o sa mansyon nila Lola pero hindi parin naman nababaliwala ang essence nito.
May iilang pictures ang nakadisplay sa cabinet nila. I can see pictures of Isaac with his parents when he was small. Surely, he is a charmer. Hindi na ako magtataka kung bata pa lang siya ay marami ng nahuhumaling sa kanya.
Aside from that, ang mabangong amoy ng sampaguita na nakatanim sa bakuran nila ay umaabot hanggang sa sala nila. The scent acted like a scented home humidifier.
"Mag-meryenda ka muna, iha." banggit ng Mama ni Isaac.
For her age, she is stunning and I can definitely tell that she is not pure Filipina. Maybe that's why Isaac's has those features as well. Gwapo din naman ang Papa niya but he definitely got a lot of his features from his mom.
"Thank you po." magalang na saad ko at nagsimula ng kainin ang ensaymadang inihanda niya.
"Mamaya-maya pa siguro si Isaac darating dito. Nagdeliver kasi 'yon ng bulaklak galing sa garden niyo sa may bayan." kwento niya at tumango naman ako.
"Okay lang po. Makakapag-hintay naman po ako."
To be completely honest, this wasn't my plan A. Hindi ko naman talaga pinlano na puntahan siya mismo sa bahay nila upang kumbinsihin na pumayag na maging partner ko sa subject na magkaklase kami.
But the guy is too keen on insisting that he can work alone. Sure, he can but this is a pair work for a reason. Kung gagawin niya lang ang part niya, paano naman ako? I can work on my own dahil kaya ko naman but my professor was strict and told me na kailangan ko siyang kumbinsihin.
Nagmukha pa akong tanga kanina kakahabol sa kanya sa campus. Only to resort to my last and not planned plan.
"Why are you rejecting my proposal to be your partner so bad? I can definitely contribute to this project, Isaac. Hindi naman ako pabigat." mahinang saad ko dahil nandito kami ngayon sa library.
Nagpagawa kasi ng library work ang isang subject namin na magkaklase parin kami. Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad upang maghanap ng libro.
"Isaac." I whispered and notice that some of the students were watching us.
Hindi niya parin ako pinapansin kaya patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya.
"It is beneficial if we work together. We are both capable and I'm sure kayang kaya natin mauno yung subject ni Maam." masayang saad ko pero parang hangin ang kausap ko dahil busy ang mokong sa paghahanap ng libro.
Sinamaan ko siya ng tingin at unti-unti siyang nilapitan. May kaunting pagitan ang book shelves at siya kaya sumiksik ako sa nakataas niyang kamay dahil inaabot niya ang isang libro. Nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko kaya hindi siya nakagalaw kaaagad.
"I am offering a very feasible and efficient solution to you. Tapos hindi mo lang pinapakinggan. Hindi ka ba tinuruan ng Mama mo ng basic manners." pagsusungit ko.
Kumunot ang noo ko ng hindi parin sita umiimik. Kinabahan ako ng unti-unti niyang minirror ang expression ng mukha ko at ibaba ang nakataas niyang kamay. He lowered and neared my face a little bit.
"Kaya kong mag-isa." he whispered.
That little stunt he did caught me off guard. Hindi ko na nga napansin na nakalayo na pala siya sa akin sa sobrang gulat ko sa ginawa niya.
Kaya dahil sa pagtanggi niya sa akin the whole day ay nagpaalam ako kay Lola na may pupuntahan lang saglit bago ang shift ko. Probably, I won't be attending my shift for today dahil wala sa bahay nila si Isaac.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...