13

290 12 1
                                    

Nagtagal pa kami ng ilang oras sa may dalampasigan at nag-usap lang ng kung ano-anong bagay. Mostly about nursing since we are both taking that course, minsan inenjoy lang namin ang malamig na simoy ng hangin. Minsan naman ay nagtatanong siya kung paano ako mamuhay sa Manila noon. 

I want to open up the topic about his side of the family but I guess we are not in that level yet. Ika nga niya, we need to be patient with each other. This is new for him and I need to respect that.

"Sabi ko naman kasi sayo na masyado pang maaga para umuwi." saad ko habang magkasabay kaming naglalakad.

Hindi pa gaanong lumulubog ang araw ng ayain niya na akong umuwi sa amin. Aniya'y mas maigi na umuwi kami ng maaga dahil baka mapagalitan pa ako ng magulang ko. Nasabi ko kasi sa kanya na nandito sila buong linggo.

"Huwag ka ng makulit. Maraming nakakita na ako ang kasama mo kanina at alam rin ng driver niyo iyon. Ako ang masisisi kung sakaling may mangyari sayo." sagot niya at napangiti naman ako.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at bumuntong hininga na lang. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay naming nagtatama pero hindi nagkokonekta. Unti-unti namang bumilos ang tibok ng puso ko dahil sa nangyayari sa aming dalawa habang naglalakad kami. What makes Isaac different from other guys I've been with is that when I'm with him, these things makes it extra special.

I find these things corny before. Talagang sinusumpa ko pa ang mga napapanood kong mga romantic movies kapag may eksena silang ganito. I almost chuckled when a thought came into mind, you find things not corny if you are doing it with the right person.

Nahihibang na talaga siguro ako kaya iniling ko ang ulo ko at napansin naman ito ng kasama ko.

"Okay ka lang?" 

"Hmm, may naiisip lang." saad ko at tumango naman siya.

Inangat ko ang tingin ko at agad nanlumo ng makita ko na ang malaking gate ng mansyon ni Lola. Pwede bang bumalik kami ulit sa dalampasigan at maglakad ulit pabalik dito. I just don't want this day to end. 

"Dito na ako." pagbibigay alam ko habang lumalapit ako sa gate namin. "Thank you for today, Isaac."

"Salamat din." sabay ngiti niya sa akin.

Pinigilan ko ang ngiti ko at itinaas nalang ang kanang kamay ko bilang pagpapaalam. Ganon din ang ginawa niya ng makapasok na ako sa likod namin.

"Ingat ka!" paalam ko at tumango naman siya habang kumakaway. Isinara ko na ang gate at tiningnan siya saglit bago magpasyang tumalikod na at maglakad papasok ng mansyon.

Nakangiti akong naglalakad at ng mag-angat ako ng tingin ay nawala naman ang ngiti ko ng makita kong nakatayo sa may bukana si Kuya Gio. Nakapamulsa ito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"I'm not going to even give a comment about what I saw." bungad niya at inirapan ko naman siya.

"Dapat lang." sabay lakad ko upang malagpasan siya.

"Siya ang nagbigay nung bulaklak nung pageant mo no?" asar niya at kinawayan ko nalang siya dahil wala akong balak magkwento sa kanya tungkol sa love life ko.

Naging mabilis ang paglipas ng araw at hindi ko namalayan na dalawang araw na simula ng umuwi ang mga magulang ko sa Maynila. Matapos kasi ng araw na ihatid ako ni Isaac sa bahay ay hindi na muli nasundan iyon. Una ay dahil busy kaming parehas sa darating na prelims. Pangalawa, palagi naman akong maagang umuwi dahil na rin kina Mommy.

Minsan kasi ay sinusundo ako ni Kuya Gio sa university dahil mamasyal daw kami sa kung saang resort malapit sa bayan. Sinusulit na magkakasama kami ngayon sa Marinduque dahil na rin minsan lang magbakasyon sila Mommy dito. Sayang nga at hindi nakauwi si Ate Corrine at si Keith. My pamangkin would love it here. Nangako naman si Ate Corrine na kapag may oras siya ay silang dalawa lang ni Keith ang magbabakasyon dito.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon