Naalimpungatan ako sa isang malakas na tunog ng kung ano sa loob ng kwarto ko. I covered my face with my duvet to block the sounds pero hindi naman ito tumigil sa pagtunog. I sighed in annoyance before grabbing my phone and checking who is bothering me. Sobrang ramdam na ramdam ko pa kasi ang jetlag dahil kakauwi lang namin kaninang madaling araw. Nagpaliban din ako sa klase ngayon kahit na dapat ay hindi dahil kailangan ko ng ipasa ang mga requirements na kailangan para sa darating na graduation.
Napatingin ako sa oras at nakitang mag-aalasais na ng gabi. Tumunog muli ang cellphone ko at nakita kong si Ate Corrine ito. I answered her call and waited for her to talk first.
"Buti naman at gising ka na." bungad niya at napairap naman ako. "Kinakamusta kayo ni Mommy. Ano oras daw kayo nakarating ni Lola?"
"Mga 4AM, I think." I croaked out at narinig ko naman siyang sumigaw upang ipaalam siguro kay Mommy ang sinabi ko.
"You should wake up." may makahulugang saad niya at bumuntong hininga naman ako.
"Masyadong gabi na, Ate. I'll.... talk to Isaac tomorrow." nakapikit na saad ko upang pigilan ang panunubig ng mga mata ko.
"It will be alright, Isla." pag-aalu niya at hindi ko naman na siya sinagot.
"I'll just call tomorrow." saad ko ng magtagal ang pananahimik sa aming dalawa.
"Okay." sabay baba ko ng tawag.
Imbes na mag-stay ng sobra pa sa kwarto ay minabuti ko nalang na bumangon na upang makakain na para sa araw na ito. I have a lot thinking and decisions to make and a great way to start my day, dahil kagigising ko lang, ay ang kumain. It will also ease my nerves for a little bit.
"Hmm..." sabay bigay ko kay Brian ng isang lalagyan na puno ng souvenirs at chocolates galing sa States.
Nabigyan ko na ang ilang prof ko noong nakaraang semester at ngayon. Siya na lang at si Isaac ang hindi ko naabutan dahil ngayon ko pa lang sila nakita. Naging busy kasi ako kaagad sa pag-asikaso ng mga requirements na kailangan kong asikasuhin at sa pamimigay na rin ng mga pasalubong kaya ngayong oras ng practice ko lang sila makikita talaga.
"Oy, salamat dito, Isla. Best friend talaga kita." masayang sambit niya sabay yakap sa akin.
"Hindi ko nga alam kung kulang pa yan but yeah." paumanhin ko ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.
"Nako, isang buwan ko ng papakin 'to no. Salamat ulit." sabi niya sabay layo sa akin.
Inayos ko ang dala kong malaking grocery bag bago nag-angat ng tingin. I smiled widely and Isaac immediately enclosed me in his arms. I can feel his heart beating wildly in his chest or akin ang malakas na pagtibok na iyon. I hugged him back kaya mas lalong humigpit ang yakap namin sa isa't isa.
"Buti at maayos naman kayong nakarating." bulong niya at tumango ako.
"We took a chartered flight dahil kailangan ding lumipad agad ni Dad sa Singapore. May business venture silang need attendan ni Kuya Gio." kwento ko at humiwalay na kami sa pagkakayakap.
"Ako, walang chocolate?"
Umirap ako sa biro niya at agad kong kinuha ang natitirang dalawang paper bag. Just like what I gave Brian earlier ay may laman din iyong souvenirs at chocolates from the States. Yung isang bag naman ay early graduation gift ko sa kanya. Taka niyang kinuha sa akin ang mga inabot ko.
"Open the red bag kapag nag-graduate na tayo." utos ko at matagal niya akong tiningnan bago tumango. "We also need to talk."
Nakita ko ang pagbabago ng mood niya kaya napaiwas ako ng tingin. Nagkunwaring may pumukaw ng atensyon ko sa likod niya pero ang totoo ay ayaw ko lang makita ang expression ng mukha niya. Napatingin ako sa kanya ng ipagkonekta niya ang kamay naming dalawa. He smiled gently and I smiled back, even if it's hard to smile as of this moment.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...