26

271 11 2
                                    

I do remember this feeling. The feeling that you have been caught for something that you have done. Yung feeling na alam mong kahit anong paliwanag mo ay hindi gagana because you've cross the line, this time. I remember feeling this built up anxiety and nervousness ng magising ako after the accident. 

The doctors are telling me everything that had happened pero dahil sa nararamdaman ko ay tila parang nabingi ako. My parents weren't here when the nurse alerted the doctors that I am awake. Nanlalabo ang mga mata ko habang tinitingnan ko ang cast sa paa ko. I tried moving it while the doctors are telling me something but I can't.

Inangat ko ang tingin ko at tiningnan ang doctor na nasa harap ko na paulit-ulit lang na gumagalaw ang bibig pero hindi ko siya marinig. My heart starts to pound rapidly at mukhang napansin iyon ng mga doctor dahil sa heart monitor na nasa tabi ng kama ko.

"Is she awake?" rinig kong boses ni Mommy at mas lalo akong kinabahan.

"Calm down, Isla." mahinahong saad ng doctor ngunit hindi ko magawa at unti-unting bumigat ang paghinga ko.

"What is happening?" histerikal na tanong ni Mommy sa mga doctor habang pinipigilan siya ni Daddy.

"Calm down, iha." pauli-ulit na pagsumamo ng doctor sa harapan ko ngunit hindi ko ito magawa.

"What is happening?!" sigaw ni Mommy at agad na tumulo ang luha ko habang sumisikip ang paghinga.

"She's having a panic attack, right now, Ma'am. I suggest that you go outside for a moment. She's been in coma for a month at ngayon lang ulit nagkaroon ng malay. We will check her vitals and make sure that your daughter is fine, Ma'am." paliwanag ng nurse kay Mommy.

The doctor keeps talking until I felt my heart started to beat slowly, steady and my vision starts to turn into black like an abyss that have been waiting for me for a long time.

"Isla." tawag sa akin at inangat ko naman ang tingin ko sa tumawag sa akin.

Lola is looking at me as if I have grown two heads since we sat across from her. Naramdaman ko ang pagpisil ng kung sino sa kamay kong nakalagay sa binti ko kaya nilingon ko kung sino ito. Isaac's eyes were gleaming with worry and concern.

"Are you okay, apo?" tanong ni Lola sa akin at sandaling kumunot ang noo ko bago dahan-dahang tumango.

"Sure ka? You look like you are having a panic attack." bulong ni Isaac at tumango naman ako.

I think I did have a panic attack. It's been awhile since I have those. Ibang iba naman ang nangyayari ngayon sa normal na pagkakaroon ko ng panic attack. Wala naman ako sa bingit ng kamatayan ngayon kaya hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ito. Maybe I was just nervous. Too nervous that Lola might disapprove Isaac, for me. Because I don't want that to happen. He's the best thing that happen to me ever since the accident.

"I'm alright." mahinang sabi ko.

Tumagal ng ilang segundo ang tingin nila sa aking dalawa bago nagsimula muling magsalita si Lola. 

"Kailan niyo balak sabihin sa akin ang relasyon niyo?" seryosong saad ni Lola upang basagin ang saglit na katahimikan.

"I was about to..." naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang pagtaas ng kilay ni Lola sa akin. "I don't know how." amin ko.

"Pasensya na po Senyora kung hindi po namin nasabi agad ni Isla. Kakasagot lang naman po niya sa akin tatlong linggo ang nakakaraan. Hindi ko po na-oopen ang topic kay Isla kasi gusto ko po na siya ang mag-desisyon kung paano namin gagawin 'tong relasyon na meron kami." dagdag na paliwanag ni Isaac.

"I have no intention to ban you from my house, Isaac. To be honest, I like you for my granddaughter. I may like you more than my own apo." panimula niya habang kalmadaong kumakain ng hapunan.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon