Our meeting was cut short because I remind myself, while hugging him, that I have a work to do. Hindi ko naman pwedeng iwanan nalang ng basta ang trabaho ko. It would cause a problem for my internship and I don't want that to happen kahit na kaya ko naman pagawaan ng paraan sa magulang ko ito kapag nangyari iyon. With one last hug, I waved goodbye to him.
Sabi niya ay maghihintay nalang daw siya sa malapit na coffee shop na nakita niya. I plan on going there once I am done. With a smile on my face, I enter my patient's room. Nakangiti akong sinalubong ni Landon at agad akong niyakap. Binati ko ang mga magulang niyang nasa loob at pati ang doctor na nasa loob pa ng kwarto ng bata.
"Ang saya mo ata ngayon, Nurse Isla." pansin niya sa magaan kong awra.
"What? I can't be happy when I'm meeting you?" biro ko at nakita ko naman ang pagkahiya nito.
"Kanina ka pa hinhintay ng batang yan, Nurse Isla. Tanong ng tanong sa amin kung kailan ka daw pupunta upang alagaan siya. Nakakaselos na minsan." kwento ng Mama ni Landon kaya agad namang yumakap si Landon sa Mama niya.
Natawa naman ako ng bahagya at pinagpatuloy na ng doctor ang ginagawa niyang pag-check up kay Landon. I can see at his parents eyes that they were just holding on to a bot of hope na sana may milagrong dumating at gumaling ang anak nila sa sakit na kinahaharap nito. Pero alam ko, deep down, they knew that nothing can be done. Money can bring their son in the nicest hospital in the world but with a disease that is currently have no cure, malabong mangyari ang gusto nilang mangyari.
I can't help but be sad at that thought while I am fixing Landon's bed. Nakahiga na siya ngayon sa kama niya dahil sisimulan na ang chemotherapy niya para sa araw na ito. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko.
"Why are you sad now?" tanong nito.
"May naisip lang ako. Wala lang 'to. Are you nervous?" pag-iiba ko ng topic at nagkibit balikat lang ito.
"Sanay na po ako, Nurse Isla. It hurts but it would treat me better. I can be better by doing this, right?" tumango naman ako sa tanong niya sa akin. "Then, I will keep doing this until I am better now."
"Sure, you will." saad ko sabay hawi ko ng ilang buhok niya.
Inayos ko na ang mga equipment para sa therapy niya. Lagi siyang nakakatulog kapag ginagawa ang therapy na ito. Hindi ko na rin naabutan ang pagtatapos ng therapy niya dahil tapos na ang duty ko noon. Kinekwento naman ni Landon sa akin kinabukasan ang nangyari kapag pupunta na ako para sa rounds ko sa kanya.
Once that I make sure that he is already okay, lumabas na ako ng kwarto niya upang mag-timeout. Medyo nakalimutan ko na nasa Manila si Isaac ngayon dahil sa naging trabaho ko. Paalis na sana ako ng tawagin ako ng head nurse.
"You have a day off tomorrow, right?" tumango naman ako ng dahan-dahan sa sinabi niya.
"Binilin sa akin ng manager ng hospital na meron kang meeting sa kanya bukas. Umaga naman siya kaya hindi makakaabala sa magiging araw mo bukas. I think he is going to give you an update about your internship." pagbibigay-alam niya at ngumiti siya sa akin.
Naalala ko na malapit na pala matapos din ang internship ko. I was enjoying this internship so much that I forgot that it has an end and this is just a temporary thing. Baka kaya nandito si Isaac because his internship were already finished.
"Thank you po! Pupunta po ako bukas. Thank you po ulit!" paalam ko at tumango naman ito.
Sinalubong ko si Isaac na may malawak na ngiti sa labi. He smiled back at me and I sat in front of him. Tinaasan niya ako ng kilay ng hindi mawala ang ngiti ko sa labi ko. Umiling siya at itinulak sa gawi ko ang inorder niya atang croissant at iced Americano.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...