Lumipas ang ilang araw at ang busy naming schedule ay mas lalong naging busy dahil kinakailangan naming masiguro na maayos naming maisasagawa ang project namin. Hindi kami pwedeng magkamali sa gagawin namin. Maliban sa grades namin ang nakasalalay pati ang kalusugan ng i-checheck-up namin ay nakasalalay dito. We have a stand-by doctor with us naman para sa further checking pero dahil project nga namin ito ay kami ang mag-iinitial check-up sa mga pasyente at si Doc ang mag-rereseta tapos kami ang magbibigay ng gamot kung meron.
Dumating na rin dito si Kuya Gio kahapon upang i-deliver ang mga pinabili ko sa kanya sa Manila. Medyo nag-alala pa nga ako dahil akala ko ay hindi na dadating ang mga inorder namin ni Isaac. Hinintay pa din kasi ni Kuya na makumpleto lahat ng gamit bago tumulak pa-Marinduque. Ngayon ang uwi niya sa Manila kaya nag-aya siyang lumabas kami saglit para kumain at bukas na rin kasi ang clinic drive namin.
"Do you need anything else? Pwede ko namang itawag kina Kuya Ajeer para maidala agad dito." tanong niya sa akin habang nandito kami sa isang cafe shop.
Kakatapos lang din kasi naming mamili ng kung ano-ano at kumain ng tanghalian. We do this in Manila din before to just unwind and bond. Sayang lang at wala si Ate Corrine ngayon. Kuya Gio said that she has business to attend to na hindi naman niya sinasabi sa akin kung ano.
"Okay na. Na-check na namin ni Isaac kahapon at wala naman ng kulang. I will just call you kapag may kulang pa." saad ko at tumango naman siya.
"Speaking of, kailan mo sasagutin ang manliligaw mo?"
"Bago palang naman siyang nanliligaw, Kuya and it's not like I'm in a hurry." sagot ko habang hinihiwa ang tinapay na kinakain.
"Well, that's new for you. Hindi tumatagal ng isang araw ang manliligaw mo sa Manila."
"Because... I was pressured by my friends to make them my boyfriend already. Hindi naman ako napepressure dito." rason ko at tumango naman siya. "Ikaw, kamusta kayo ni Ate Ina?"
"We're fine." maikling sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "We are still trying, Isla."
"Baka naman kasi may problem ka. Masyado ka kasing playboy noon eh." nakakuha naman ako ng batok galing sa kanya dahil don.
"Parehas kaming nag-pacheck ng fertility rate, Isla. We are both capable, hindi lang talaga tumatiming." paliwanag niya.
"I bet Ate Ina is so stressed right now because of that. It is stressful."
"I know. Sinabi ko naman sa kanya na pwede naman muna naming i-enjoy na kaming dalawa lang muna but I think she notices that I am down as well kapag nalalamang hindi pa rin kami nakakabuo." open up niya and I nodded.
"You should just be there for her, Kuya. It's tough for women if they know na nahihirapan silang makabuo ng partner niya. Don't show any signs of discouragement or disappointment. Ang hilig mo pa naman sa ganon. Just be there for her." payo ko sa kanya.
"Alam ko naman 'yon, Isla. I am a human and I have a feelings that should be expressed too." sabay yuko niya at bumuntong hininga naman ako.
"Okay, I understand. You should download a tracker app. Sasabihin nung tracker app sayo kung kelan mas fertile ang mga babae." payo ko at tiningnan naman niya ako ng may hindi makapaniwalang tingin. "I am being serious. Akala mo ata ay nagbibiro ako."
"Fine, send me a link mamayang gabi ng madownload ko ang sinasabi mo." ngumiti naman ako sa kanya at inirapan naman niya ako.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap ng kung ano-ano hanggang sa dumating na ang driver ni Lola dahil didretso na siyang uwi sa Manila at ako naman ay ihahatid na ng driver pabalik. Hassle kasi kung babalik pa siya sa mansyon para lang ihatid ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising para ihanda ang sarili ko at ihanda rin ang mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...