Napakunot naman ang noo ko ng iparada niya sa parking lot ang jeep na sinasakyan namin. Nilingon ko siya habang pinapatay niya ang makina ng sasakyan. Hindi ko akalain na dito niya ako dadalhin at napapayag niya si Lola na isama niya ako dito. I know Lola know this dahil hindi naman papayag yun kung hindi niya alam kung saan ako pupunta.
"Ito ang ipanaalam mo kay Lola?" tanong ko habang bumababa dahil bababa narin siya.
"Hmm, bakit saan mo ineexpect na dalhin kita?" may pagkatuwa sa boses niya kaya kinunutan ko siya ng noo.
"You should've told me." saad ko at nagkibit balikat lang ito.
"Hindi ka sasama sa akin kung alam mo kung saan tayo pupunta."
"Point taken." sagot ko.
Pinagmasdan ko siya ng tingin ng makitang may kinukuha siya sa likod ng jeep. Ibinigay niya sa akin ang isang bayong at tiningnan ko muna ito bago tumingin sa kanya. Medyo nakatingala ako sa tangkad niya. Lately, I have been noticing his height over me. It is a good height difference though.
"Tara, medyo tinanghali na nga tayo eh. Sana may makuha pa tayong sariwa." hindi ko alam kung sinasabi niya sa akin iyon o bumubulong siya sa sarili niya.
"Sorry kung hindi ako morning person." saad ko enough for him to hear.
Sinundan ko na siya habang inaayos ko ang pagkakahawak ko sa bayong na ibinigay niya. Nabangga pa nga ako sa braso niya dahil hindi ko napansin na huminto pala siya sa paglalakad. Nasa kabilang kalsada kasi ang palengke at maraming mga sasakyan ang nandito dahil malapit na rin naman ito sa city at halos lahat siguro sa probinsya ay dito namimili. It is a really big place.
Ito ang kauna-unahan kong pumunta sa isang palengke. It excites me at the same time it gets me nervous. I hear stories from people who are frequent on markets lalo na sa Manila kaya medyo binibilisan ko ang paglakad ko upang makasabay ako kay Isaac.
Napansin naman ata ito ng kasama ko kaya halos mapatalon ako ng maramdaman ko ang kamay niya na marahang dumantay sa likod ko. Nilingon ko siya at sinenyas niya ang nilalakaran namin. Agad akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa tiyan ko ng gawin niya iyon na hindi naman nagtagal. His effect on me is really dangerous.
"Mauna ka at ituturo ko nalang sayo kung saan tayo." medyo malakas na saad niya at tumango naman ako.
Iginiya niya ako patungo sa tindahan na nagbebenta ng maraming gulay. May pinagsisilbihan pa ang nagtitinda ng dumating kami ngunit ng matapos ay agad lumawak ang ngiti nito ng makita ang kasama ko.
"Kay gwapo talaga ng batang ito. Kamusta ang Mama mo, Isaac?" tanong nito.
Tiningnan ko naman kung paano umaliwalas ang lagi niyang nakakunot na noong mukha kapag magkasama kami. I can say na mas bagay sa kanya ang ganyan.
"Okay lang naman po. Nautusan lang po akong mamalengke ngayon ni Mama." tugon niya at tumango naman ito.
"Buti at wala ka pang nobya. Irereto ko sayo ang anak ko." biro nito at natatawang umiling nalang ang kasama ko.
"Ipakilala niyo po sa akin minsan." sakay niya sa biro ng tindera at tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
He really knows how to charm people with his looks and wit. Hindi ko alam kung ano talaga ang ginawa ko ng mali para mapunta sa bad side niya.
Napagawi ang tingin ng tindera sa akin at ngumiti naman ako kahit na sobrang out of place ako sa lugar kung nasan ako. Nginitian naman ako nito pabalik at pinagmasdan ko ang pagpili ni Isaac ng mga gulay. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil mukhang alam na alam niya ang pagpili sa mga sariwang gulay. Makes me wonder if nag-asawa na siya sobrang swerte ng magiging asawa niya dahil mag-aala buhay reyna ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...