Humiwalay na ako ng pagkakayakap sa kanya ng maramdaman kong okay na naman ang pakiramdam ko. Inayos ko muna ang itsura ko bago ko siya tuluyang hinarap. Ngumiti naman siya ng bahagya sa akin at hinawi ang iilang takas na buhok ko at ang basa ko pa ring mga pisngi.
"Okay ka na?" tanong niya at tumango naman ako.
"Thank you." mahinang pasasalamat ko muli sa kanya.
"Sige na, pumasok ka na. Anong oras na rin." lumingon muna siya sa likod at nakita ko naman ang bodyguard ni Lola na palabas na. "Mukhang palabas na rin si Senyora kaya pumasok ka na at magpahinga."
"Thank you again." pasasalamat ko at sinunod na lang ang inutos niya. Sakto namang dumating na rin si Lola kasama si Zeke na mukhang hinintay din matapos ang naging diskusyon sa loob bago lumabas.
Pumasok naman kaagad si Lola sa sasakyan at saglit na nagpaalam kina Isaac. Kumaway lang ako sa kanya at itinaas naman niya ang mga kamay niya bilang pagpapaalam. I saw how Zeke whispered something to him while the door of the van is already closing. Bumaba naman ang kamay ni Isaac dahil doon at unti-unting nagseryoso ang mga mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit nandito muli 'yang si Zeke. I thought bumalik na sila sa kanila dahil mas maraming trabaho ang pamilya niya doon. Atsaka alam ko patuloy ang wedding process niya bakit ba siya nandito. Masyado siyang nagbibigay ng bad vibes kay Isaac eh.
Speaking of bad timing at bad vibes, pagkagising ko kinaumagahan ay siyang pagdating ng mga pinsan ko dito sa mansyon ni Lola. This will be their first time spending holidays here in Marinduque at sila mismo ang nag-aya na dito nalang mag-Pasko dahil nandito ako. Nagising tuloy ako ng maaga dahil hindi na rin magkandaugaga ang mga kasambahay namin sa kanila.
"Oh, iha. You are awake." bati sa akin ni Tita Ciara, Mama ni Kuya Salem, ng mamataan akong pababa ng hagdan.
The whole family is here, I guess. Lumapit ako sa kanya at agad siyang bineso bilang pagbati. Ganon din kina Tita Viv at Tito Bill, parents nina Kuya Ajeer and Dale; Tito Hans and Tito Desiree, parents nina Kuya Kian at Johan. The only person who is missing from the parents were Tito Paul, who I believe hahabol na lang kapag malapit na ang holidays talaga. It's surprising that Kuya Salem is here knowing that he is already in the process of acquiring the company.
"Ano na naman ang naisipan niyo at bakit kayo nandito?" nakapamewang na tanong ko sa mga pinsan ko na abala sa pagpapatahimik ng mga anak nila.
"Hindi pwedeng mamiss ang baby cousin namin?" sabay yakap sa akin ni Kuya Kian na ikinasimangot ko naman.
"Chigilan mo ko, Chuya Chian." mumbled na pagkakasabi ko habang pinipilit na bitawan niya ang pisngi ko.
"Kian." rinig kong saway ni Ate Corrine kaya binitawan naman ako nito. I hugged Ate Corrine and she hugged me back tightly.
"I hope you are doing fine here sa puder ni Lola." bulong niya at napangiti naman ako.
"I am doing great, Ate." sagot ko.
"Hindi ko inaasahan na magkakaroon ng maraming tao ang bahay ngayong holidays. Halina kayo at mag-almusal. Alam kong mahaba pa ang naging byahe niyo." saad ni Lola.
"You knew about this Lola?" tumango naman ito. "And you didn't tell me?"
"I was suppose to tell you yesterday but you know what happen yesterday." saad ni Lola at agad akong nilapitan ng mga pinsan.
"Dapat ipinakulong mo. He has no right to treat you like that. Kahit pa nakapang-taong grasa ka pang damit, customer ka." OA na paghahalintulad ni Kuya Gio.
"OA sa part na yun, Gio. OA talaga." rinig ko saad ni Ate Ina sa kanya na agad namang sinuyo ni Kuya Gio.
"But I agree with Gio, Isla. He has no right to treat you like that." sang-ayon ni Ate Sav kay Kuya Gio.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...