Naging maayos naman ang mga sumunod na araw na namalagi dito sa Manila si Isaac. Hindi na rin naman nagtanong pa si Isaac tungkol sa nangyari nung nakaraang araw. It feels like he chose to forget about it kahit na hiyang hiya ako sa kanya non.
Nitong mga nakaraang araw din ay hindi kami masyadong nagkakasama ni Isaac, may pinupuntahan din kasi siya kaya kapag hinahatid ako sa hospital ay sumasabay siya. Nagpapaalam sa akin pagkatapos na may pupuntahan siyang importante. I tried to ask him kung ano yung pupuntahan niyang importante but he just tells me that it is important. I tried shaking off the negative thoughts that is trying to creep into my mind.
"Wala na po si Kuya Isaac?" tanong ni Landon sa akin habang tulak tulak ko ang wheelchair niya.
Madalas kasi siyang nilalaro ni Isaac kapag may ibang inuutos sa akim ang kapwa ko nurse kapag oras ng pag-aalaga ko kay Landon. Hindi naman bawal ang bisita kay Landon kaya hinahayaan ko nalang muna na si Isaac ang kasama niya.
Landon is on a wheelchair now dahil hindi kasi niya nakayanan ang nakaraang chemotherapy session niya kaya hindi pa siya makalakad ng maayos. Medyo nanghihina pa rin ang katawan niya and I can't blame him. He is just a kid. Normal adult who undergoes the therapy is also feeling the same way as Landon does. Mas malala pa nga ata sila kaysa kay Landon.
"May pupuntahan daw siya eh. Nagpaalam siya sa akin kanina." saad ko at tumango naman ang bata.
"He is... a good Kuya." komento niya at tumaas naman ang kilay ko kahit na hindi niya ako nakikita.
"You think so?" tumango naman ito.
"I want to be like him when I grew up. He looks strong and I want to be strong so I can have a girl like you, Nurse Isla." masayang sabi niya at tinigil ko naman ang pagtulak ng wheelchair niya upang harapin ko siya.
"You will be. Baka nga mag-agawan pa ang mga babae kapag tumanda ka na." sabay kalabit ko sa mga pisngi niya.
"I will be better and take a lot of medicine then." tumango ako habang nakangiti.
Right there and then, alam ko na ang sagot sa kung paano ko tatahakin ang future ko. After taking the licensure exam, I will accept the job here at magpiprisinta na maging personal nurse ni Landon. Gusto kong nandon ako habang nagpapagaling siya dahil malaki ang tiwala kong gagaling siya. I pray to God that Landon will be better so he will achieve all his dreams.
Pagod akong bumaba ng sasakyan matapos ng duty ko sa hospital. Tomorrow will be the last day of my internship and makikipagpalit ako ng schedule sa isa kong kaklase na maaga ang uwi dahil bukas na rin tutulak si Isaac papuntang Marinduque. Ako naman ay tutulak sa States para sa isang family gathering namin.
"Ma'am ako na po nito." saad ng kasambahay namin kaya iniabot ko na sa kanya ang dala kong mga pagkain.
Tinawagan kasi ako ni Ate Corrine na kunin ang mga inorder niyang pagkain sa paborito naming restaurant dahil naka-day off ang mga kasambahay namin. They are still doing things here pero kapag day off nila hindi sila talaga gumagawa ng mabibigat na bagay. Some of them are going home pa nga sa bahay nila.
"Thank you po. Si Isaac po?" tanong ko sa kanya habang binabalanse niya ang mga pinamili ko sa kamay niya.
"Ay nasa may pool area po si Sir Isaac, Ma'am. Tawagin ko ho ba?"
"Hindi na, thank you. Ako nalang ang pupunta sa kanya." saad ko at umalis naman ito upang ihanda na ang mga dala ko para sa hapunan mamaya.
Nagtungo naman ako sa kaliwang bahagi ng bahay namin at dahan-dahang binuksan ang sliding door doon upang hindi mapansin ni Isaac. Pero lumingon na siya sa akin kaya nag-fail ako sa gusto kong mangyari.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...