18

282 10 1
                                    

Saktong pagdating ko sa may gate ng bahay ay ang paglabas naman ni Kuya Gio sa may front door namin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang siya naman ay unti-unting sumisilay ang ngisi sa mga labi. Nakita ko ang unti-unting pagtaas at baba ng mga mata niya sa katawan ko at alam kong alam niyang hindi ko damit ang suot ko ngayon.

"You should introduce the boy to us, Isla." saad niya habang llumalapit sa gate.

"Tapos pagkakaisahan niyo? I say no, Kuya." sagot ko.

"Paanong hindi namin gagawin yun? You sneak out of the house and return home wearing a completely different clothes than you usually wear then you'd expect us not to scrutinize your suitor? Ang labo mo ata." litanya niya habang binubuksan ang gate.

"It's just that..."

"Just what?"

"Ngayon palang siya nagsabi na liligawan niya ko." mahinang sambit ko. 

Nanahimik kaming saglit dalawa ni Kuya Gio bago ko siya marahang tinulak para makapasok na ako ng tuluyan sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Kuya Gio but at this point pagod na akong isipin pa. Among everyone, except Ate Corrine, isa siya sa nakakilala sa akin. 

"He is different from all the suitors that I have before. I'm sure you understand that, Kuya." 

"Pumasok ka na sa loob at sa main stairs ka dumaan. The rest of our cousins is at the gardens kaya hindi ka nila mapapansin don. Lumabas lang ako dahil may iniutos sa akin si Mama." saad niya habang inuudyok akong pumasok na sa loob.

I smiled slightly at him before retreating back to my room to change and to join my cousins at the garden. 

The rest of the days past by and I just spent all of it with my cousins na parang hindi nagkaedad at may mga anak na dahil sa sobrang g na g gumala sa kung saan saan. I became their personal tour guide kahit hindi ko pa naman talaga nalilibot ang lahat ng lugar dito sa Marinduque. I came here as a form of punishment hindi para magbakasyon.

"How can you not know?" mapang-asar na tanong Kuya Kian sa akin nung isang araw.

"I just don't know, Kuya Kian. Hindi naman ako nandito para magbakasyon. I am here to study and to repent." sabay irap ko sa kanya.

"You should have atleast know. Kung ako nasa kalagayan mo, inalam ko na bago pa ako pumasok ng eskwelahan." sagot niya sa akin.

"Well, then I am not you." tumawa naman ito ng malakas ng makita niyang bwisit na bwisit na ako sa kanya.

Kahit kailan talaga ay hindi parin nagbabago ang isang 'to. He has a family already but he is still the same which is both a good thing and a bad thing.

Kumakain ako ng almusal ngayon at inenjoy na tahimik pa ang bahay. It's Christmas Eve today and I feel like the house will be noisy again once all the kids and my cousins have woken up. It's rare to have quiet moments like this these days kaya as much as possible, I will cherish it.

"Good morning, apo." bati sa akin ni Lola ng maabutan niya ako sa may garden side ng mansyon.

"Good morning po." 

"Quiet times like this is calming, is it not?" ngumiti ako sa tanong niya at tumango.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang umuupo si Lola sa bakanteng upuan sa tabi ko. I smiled at her once she is comfortably seated. 

"Narinig ko sa mga pinsan mo na gusto nila makilala si Isaac." open niya ng topic at bumuntong hininga ako.

"They've been bugging me about it, Lola. Masyado kasing madaldal si Kuya Gio at hindi itikom ang bibig niya." reklamo ko at tumawa naman siya ng bahagya.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon