Nang matapos namang magbihis ang mag-ama ay agad naman akong niyaya ng Mama ni Isaac na sumalo sa kanila para sa tanghalian slash maliit na handaan para kay Isaac. Inilabas na din ng Papa niya ang isang maliit na cake kaya napangiti naman ako ng pagalitan ni Isaac ang mga magulang dahil sa ginastos ng mga ito sa maliit na salo-salo na ito.
"Hindi naman maganda kung hindi ka hahandaan, anak. Kahit itanong mo pa kay Isla." sabay turo sa akin ng Mama niya at tumango naman ako.
"My parents always told me that birthdays should be celebrated kahit sa anong paraan." sambit ko sabay subo ng pansit na niluto ng Mama niya.
"Kailan ba ang birthday mo, iha?" tanong naman ng Papa niya sa akin.
"Medyo matagal pa po at tapos na rin po. It's on May 15 pa po next year." sabi ko at naalalang hindi pala ako nakapag-birthday ng bongga nung nakaraang birthday ko dahil sa aksidente.
Nagpatuloy lang kami ulit sa pagkain hanggang sa magpaalam na si Isaac na pupunta kami sa kubo nila sa likod ng bahay nila upang mag-usap. Dapat nga kanina pa dapat kami mag-uusap kaso tumulong pa kami sa pagliligpit ng pinagkainan namin. His Mom insisted na siya na lang ang gagawa but Isaac insisted further kaya ang ending ay tinulungan ko nalang din siya. Nakakahiya naman kaya ako ang taga-punas ng plato habang siya ang taga-hugas.
Nang makarating kami ay agad naman siyang umupo sa malapit na upuan at kahit nag-aalangan ay sumunod naman ako. Ilang segundo din kaming naging tahimik at pinapakinggan lang ang malumanay na agos ng dagat sa pampang. Tumingin naman ako sa dagat at nakita na may iilang mga locals ang naliligo dito.
"The sea looks inviting." komento ko upang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"May dala ka bang panligo? Pwede naman tayong maligo." sagot niya at umiling naman ako.
"Huwag na. My cousins, actually, the whole Montenegro clan are here. Baka makita pa ako, tumakas lang ako sa amin eh." pagbibigay alam ko.
"Dito sila mag-paPasko?"
"Hmm, its kind of surprising though. My cousins always wants to go abroad kapag holidays. I guess, they find it hassle for me dahil ako nalang din naman ang nag-aaral sa amin. Besides, it would be hassle on my part kasi babalik pa akong Manila tapos babyahe pabalik dito. There's no direct flight din kasi." mahabang litanya ko at tumango naman siya.
Natahimik kaming muli pagkatapos non at dahil don ay pinagmasdan ko ang ekspresyon ng mukha niya. For someone who has a birthday today, he seems unfazed about it. He seems neutral and finds the day not special. Agad naman akong nag-isip ng maitotopic namin dahil ayaw ko namang buong maghapon ay tahimik kami.
"May iba ka pa bang alam na pwedeng pagliguan?" tanong ko.
"May falls sa bandang taas."
"Let's go!" naeexcite na saad ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya dahil don.
"Akala ko ba tumakas ka lang?"
"That's why susulitin ko ang pagtakas ko. Atsaka, birthday mo ngayon dapat masaya ka." saad ko at ngumiti naman siya ng bahagya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at alam kong nagdadalawang isip siya kung papayag ba siya sa alok ko o hindi. I bumped his shoulder lightly and wiggle my eyebrows at him to push him to go to the falls he is talking about.
"Okay, okay. Ihihiram nalang kita kay Mama ng panligo kung meron siya." pagpayag niya at napa-yes naman ako sa tuwa.
Bitbit ko ang bag na pinaglagyan ng damit niya at ang damit na pinahiram sa akin ng Mama niya dahil suot ko na ang hiniram ko ring damit panligo ay sumakay na ako sa motor na hiniram niya sa kapitbahay nila. Hinatid kami ng Mama niya sa may labas ng bahay nila upang paalalahanan.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...