Halos hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko habang hinihintay na ibigay ng proctor ang test paper na sasagutan namin. Ngayon ang huling araw ng prelims namin at ito siguro ang isa sa mga subject na kinakabahan din ako dahil isa ito sa mga major namin. After din kasi nito ay may return demonstration kami mamaya, bali 50% ng grades mo ay makukuha dito sa written exam tapos yung 50% sa retdem na gagawin mamaya.
Kahit na nag-aral ako ng masinsinan para sa subject na ito ay hindi ko parin maiwasang hindi kabahan. Pagkakuha ko ng test paper ay sakto namang nahagip ng vision ko si Isaac na nakatingin sa gawi ko. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at sinuklian din naman niya iyon.
Matapos kasi ng sinabi ko ay medyo naging ilang kami sa isa't isa. We still talk and study together pero hindi lang umaabot sa point na pag-uusapan namin ang biglaang pag-amin ko. Atsaka medyo tanga din kasi ako ng mga panahong iyon kaya dumagdag ito sa sitwasyon namin ngayon.
"Mahal na yata kita." mahinang saad ko at agad akong napaayos ng upo dahil don.
Kinagat ko ang labi ko at nag-aalangang tumingin sa kanya dahil ramdam ko ang seryoso niyang tingin sa gawi ko. I smiled awkwardly when our eyes met and I chuckle slightly to cut through the awkwardness that is slowly creeping. Akmang magsasalita na sana siya ng mapagpasyahan kong unahan siya dahil na rin sa takot ko sa magiging sasabihin niya.
"Sorry." panimula ko. "Spur of the moment lang talaga siguro yung nasabi ko. I wasn't 100% sure if that's how I really feel. Kilala mo naman ako diba... huwag mo nalang sigurong intindihin."
Hinintay ko ang sagot niya dahil nakatingin pa rin siya sa akin matapos kong sabihin iyon. Unti-unti ko ring naramdaman ang kahihiyan. Napakatanga naman kasi, sinabi na nga ni Isaac na hindi siya sanay sa kung anong nangyayari ngayon at gusto niya ng steady lang yung galaw. Pinairal ko na naman kasi ang pagka-Manila girl ko eh hindi nga uubra kay Isaac yun.
Isang tango ang nakuha ko sa kanya at buti nalang ay dumating na ang Mama niya na dala ang meryenda para sa araw na iyon kaya hindi narin naman namin napag-usapan pa ang tungkol doon. May mga time na feeling ko gusto niyang i-open ang topic na iyon dahil nung nag-aaral kami sa bahay ay nahihint niya iyon sa akin.
"Tama naman no? Ganito ang gagawin?" tanong ko kay Isaac habang hawak hawak ko ang braso niya.
Nang hindi siya sumagot ay inangat ko ang tingin ko at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at umayos naman siya ng pagkakaupo bago tingnan ang braso niyang hawak hawak ko.
"Hmm, okay naman siya pero mas diinan mo pa siguro yung paghawak kasi medyo hindi mahigpit. Kailangan sa injection procedure na ito ay mahigpit ang pagkakahawak." komento niya at tumango naman ako bago bitawan ang braso niya.
"You seem distracted. What's bothering you?"
"Minsan ba sa buhay mo ay naging hesitant ka na?" tiningnan ko mun asiya bago magpasyang sagutin ang tanong niya.
"To be honest, hindi ko alam. I always do things without overthinking too much. It will save you time and energy." saad ko habang pinupunasan ng cotton ball ang braso niya.
"Ever since?"
"May mga times na nag-dodoubt ako. But like I told you before, I always act recklessly. Kaya nga nandito ako ngayon." kinuha ko ang syringe na gagamitin ko bago tumingin sa kanya.
"Why? Are you hesitating right now? Hindi ko naman bibiglain ang pagturok sayo?" umiling naman siya sa sinabi ko.
"Are you?" pagbibigay niya ng hint sa akin.
Agad ko namang nakuha ang gusto niyang ipunto kaya umiwas na ako ng tingin at agad nalang ginawa ang gagawin namin para sa retdem bukas. Naramdaman ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin at nag-concentrate nalang. Hindi ko na rin inopen up ang nasabi ko sa mga susunod na oras kaya nagkaroon ng ilangan sa pagitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...