Nagpatuloy ang pageant hanggang ang 15 na kandidata ay naging 10 na lang dahil na-eliminate ang iba sa unang portion ng pageant. Nagmamadali naman kaming magpalit ng damit para sa swimsuit part ng pageant. Nakaroba ako habang inaayusan muli nila Ate Jane ang makeup ko. Dumaan din dito si Rose upang bigyan ako ng tubig na pinadala daw ni Lola.
"Last 5 minutes." sigaw ng event organizer kaya pinatayo na ako nila Ate Jane at pinahubad na sa akin ang robang suot ko.
"Malakas kutob ko na papasok ka muli sa Top 5 kaya galingan mo, Isla." bulong ni Ate Jane at nginitian ko naman siya.
Isa-isa na muli kaming tawagin at ng bigyan na ako ng hudyat ng event organizer ay confident akong rumampa sa stage. Suot ang kulay puting two-piece, halos marindi ako sa sigaw ng mga tao. Nang makarating ang sa dulo ng ramp ay agad akong nag-pose kagaya ng nakagawian ko noon. Napangiti naman ako ng bahagya bago pumwesto sa kung saan namin hihintayin ang ilang mga kandidata.
Nagawi muli ang tingin ko sa pwesto nila Brian at natawa naman ako ng halos suwayin na siya ni Rose dahil sa lakas ng boses niya. Napatingin naman ako kay Isaac at siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagpokus na sa sinasabi ng host.
Kagaya ng sinabi ni Ate Jane ay nakaabot nga ako hanggang sa Q&A portion kung saan sa tingin ko naman ay nasagot ko ng maigi ang tanong. Hindi naman ako nahirapan sadyang medyo nag-alangan lang ako sa sagot ko dahil na rin sa tagal ko ng hindi nakakasali sa mga ganito. I gave an okay answer however I am overthinking if its enough to satisfy the panel of judges.
"Kahit anong mangyari, baby girl. Sa amin panalo ka pa rin. Ipakilala mo kami mamaya sa nagbigay sayo ng bulaklak." biro ni Ate Jane habang nireretouch for the last time ang makeup ko.
"Ate Jane, hindi ko manliligaw yun." saad ko habang pinipigilan ang pagngiti.
"Sa ngiti mong yan, hindi ako naniniwala."
Hindi ko nalang siya pinansin at sumabay ng lumabas kasama ang mga natitira pang kandidata. Hindi naman na ako kinakabahan dahil kahit ano mang mangyari sa pageant na ito ay okay na ako. Nagsimula ng tawagin ng host ang mga nanalo at halos magsihiyawan naman ang mga tao ng tatawagin na ang mananalo.
"And the new Miss Baranggay Toledo 2023, goes to... none other than, Candidate #8, Miss Isla Diane Montenegro." saad ng host at nagulat naman ako dahil tinawag niya ang pangalan ko.
Lumapit na ako sa kanya at agad naman akong sinuotan ng korona ng Nathaniela ang dating nanalo ng korona. Binulungan niya ng pagbati pero dahil sa gulat ko ay hindi ko na malaman kung ano ang nangyayari. Napatingin ako sa gawi nila Brian at nagtaka na kasama ni Isaac ang pinsan niya at masinsinan silang nag-uusap habang nakatingin sa akin.
Hindi man nila pinapahalata dahil sa pagpalakpak na ginagawa nilang dalawa pero sa itsura ni Isaac alam kong may sinasabi ang pinsan niya na hindi niya nagugustuhan. Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa ng magpicture na kami ni Nathaniela at ang mga judges. May ilan din pang kandidata ang lumapit sa akin upang magpapicture.
Lumapit naman sa akin sina Ate Jane ng matapos ang mga nanghihingi ng picture sa stage. Inalalayan nila ako pababa ng stage at pinaunlakan ko pa ang ilang mga nanghihingi ng picture sa akin.
"Congratulations, apo!" masayang bati ni Lola at agad akong niyakap.
"Thanks, Lola." saad ko at nang humiwalay siya sa akin ay isang pamilyar na mukha naman ang nakita ko.
"Miss me?" saad nito at agad na binuka ang mga braso niya.
Kahit naka-heels ay agad akong yumakap sa kanya. Tumawa naman ito ng bahagya at niyakap ako pabalik.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Genç KurguMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...