Tahimik akong kumakain ng almusal ko ngayong umaga. Ayoko kasing mapaghalataan ako ni Lola na kung may ano sa kinikilos ko dahil wala naman talaga. Maaga kasi akong natapos na makapaghanda para ngayong umaga na usually ay hindi naman ganito. Ayoko lang din paghintayin si Isaac kagaya kahapon. Iyon lang talaga iyon.
Sinulyapan ko si Lola at patuloy lang naman ito sa pagkain at mukha namang wala namang malisya na maaga akong natapos na makapag-ayos ngayong araw. Hindi ko pa nga nakikita ng maigi ang sarili ko sa salamin dahil sa pagmamadali ko. Ayaw ko lang maging dahilan ang pagka-late ko ng bangayan namin. Iyon lang talaga iyon.
Napatigil ako ng napapansin kong para akong tangang tumatango mag-isa dahil sa mga naiisip ko.
"Isaac will fetch you today, right?" basag ni Lola sa tahimik na umagang pagsasalo-salo namin.
"Yes po." maikling sagot ko baka may kung ano pang masabi si Lola kung hahabaan ko.
"Pwede niyong gamitin ang sasakyan." kalmado niya pa ring saad.
"Hindi na po ata kailangan, Lola. Sabi niya po sa akin kahapon ay maghahatid pa daw po siya ng mga delivery bago kami pumunta sa univ."
Kinagat ko ang labi ko dahil napansin ko ang pagtaas ng enerhiya sa boses ko. Maganda lang ang tulog ko kagabi kaya ganito ako. Iyon lang talaga iyon.
Sabay kaming napalingon ni Lola ng makarinig kami ng mahinang makina ng sasakyan. Iniwas ko kaagad ang tingin ko doon para hindi maghinala si Lola dahil wala naman dapat siyang paghinalaan. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ngunit aktibong nakikinig ang tenga ko sa pagpapapasok ng kasambahay namin kay Isaac sa loob ng bahay.
"Magandang umaga po, Señora." rinig kong bati ni Isaac kay Lola.
Sinulyapan ko siya saglit at mabilis na pinadaan ng mata ko ang suot niya. He is wearing our college' uniform at mukha siyang kagalang-galang na propesyunal sa getup niya. Medyo nakakailang tuloy isipin na magdedeliver kami ng halaman tapos ganito ang suot namin. Hindi bagay.
"Magandang umaga din, iho. Maupo ka muna at mag-almusal." aya ni Lola sa kanya.
Inangat ko muli ang tingin ko sa kanya at nakita ang pag-aalangan niya dahil panigurado ay normal na routine na ito sa kanya kaya nakapag-almusal na siya. Ngayon lang naman magbabago ang nakagawian niya dahil kailangan niya akong daanan dito sa mansyon. Sa huli, umupo nalang siya at agad siyang binigyan ng plato at baso ng mga kasambahay namin.
"Salamat po." nahihiyang saad nito, hindi sanay na pinagsisilbihan siya.
"Nabanggit ni Isla sa akin na maaga kayo ngayon dahil magdedeliver pa kayo ng halaman ng garden sa mga suki ko, hindi ba?" tanong ni Lola pagkatapos ay sumimsim sa tsaa niya.
"Ah, opo. Nasabi ko rin po na ako po ang maghahatid sundo sa kanya sa ngayon." dagdag ni Isaac.
"Hindi ko nababanggit ang dahilan kung bakit si Isaac ang maghahatid sa iyo, iha. Ako ay may aasikasuhin sa munisipyo ngayong linggo. Malapit na kasi ang pista dito at inaasahan ni Mayor Rodriguez ang partipasyon ko." paliwanag niya at tumango naman ako.
"You need the van this week. I understand, Lola. Pwede rin naman po akong mag-commute if ever." medyo nag-aalangan ako sa sinabi ko.
Narinig ko ang mahinang pagpigil ng tawa ni Isaac. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko. Atleast, I am taking the initiative to learn how to commute.
"Hindi na kailangan, iha. Nandyan naman si Isaac at malugod naman niyang tinanggap niya ang responsibilidad niya sayo ngayong wala rin si Rose para gabayan ka dito sa probinsya."
Tumango ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko dahil nagsimula ng magtanong si Lola tungkol sa idedeliver na halaman namin ngayon ni Isaac. Alam ko na naman ang tungkol don dahil kanang kamay nga ako ni Lola sa pagpapatakbo non kaya hindi ko na masyadong inintindi ang pag-uusap nila.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...